My Watcher.
C h a p t e r : 2 5
"Sure na sure na ba talaga kayong hindi na kayo makakasama? Dapat ba talagang umalis pa ako?" Tanong ko muli kahit pa alam kong naririndi na sila dahil para akong sirang plaka.
Baka lang balak pa nila akong pigilan kase kung ganon papapigil naman ako eh. Kung gusto nila ako na ang hahatak sa sarili ko at sisigaw na wag akong lumayo.
Nakakalungkot. Nakakalumbay. Nakakapoot. Ako ganun padin maharot.
"We both know na hindi pwede. Madami akong a-asikasuhin dito kasama sila Michael. Alam mo naman ang nangyari diba? So please, bear with us. Dahil gusto ko pagkatapos ng isang taon mo magiging maayos na ang lahat. Makukuha mo na ang lahat ng gusto mo." Ngumiti ng pilit si kuya Sebastian at hinaplos ang pisngi ko.
Dinama ko iyon at pinakiramdaman. Inalala ang mga mukha nilang hindi ko masisilayan sa loob ng isa't kalahating taon. Masyadong mahigpit doon.
Gusto ko din sanang gawin yun kayla kuya Dishax at kuya Michael ang kaso nakatalikod na sila at tumataas baba ang balikat nila.
Umiiyak ba sila?
Tinawag ko sila at humarap naman. Tumagal nga lang ng ilang segundo bago talaga ako harapin. Namumula ang mata nila at halatang papaiyak na pero pinipigilan. Hindi ko alam kung anong meron bakit kailangan pa nila akong iyakan.
O baka nag shashabu lang?
"Tara nga dito." pag aaya ko.
Lumapit din naman sila. Ngunit tahimik. Halatang nasasaktan base sa pamamaraan nila ng pagtingin sakin. Isinama ko sila sa pagkakayap at nanahimik sandali.
Ang sakit.
Pakiramdam ko inaalis sakin ang bawat parte ng katawan ko. Inilalayo ang laman at dugo ko.
"I don't know why I'm tearing up. Im not gay or something, ngayon lang sakin nangyari ito. Suddenly my heart aches and my body too. Nahihilo ako." Sambit ni kuya Michael sa mabibigat na hininga habang yakap-yakap ko pa din.
Sumunod naman si brotherhood. "Hindi din ako bading pero sa tingin ko may mali talaga sakin. May sakit ata ako. Sobrang sakit ng ulo ko. I never been hurted this much."
Makahulugan akong tumingin sakanila at nanlalaki ang mata.
Shuta nagkasakit ang dalawang doctor.
Bawal silang magpagamot sa iba at malayo naman sila tita. Alangan naman dito sa kapatid kong tukmol dahil nganga to pagdating sa medisina at lalo naman kung ako dahil pag nakataon baka mapaaga lang lalo ang buhay nila.
Magsasalita sana ako para sabihing kailangan na nilang magpatingin dahil baka mapano pa sila kaso nauna na si kuya Sebastian sakin.
"Wag niyo kong hiritan. Kanina pako nag pipigil, nahahawa ako sainyo."
Ang lungkot namin ay nauwi sa tawanan. Ang da-drama kase naman nitong mga talipandas na ito. Nadagdagan tuloy ang bibitbitin kong alalahanin mamaya.
Napabuntong hininga ako. Iyon na pala ang huling pagmamahalan namin. Dapat pala nag pa remembrance nako ng suntok tutal lalayas naman ako at di muna nila ako masisilayan. Sa ganoong paraan mabilis nilang makakalimutan ang atraso ko.
"Oy." tawag ko sakanila.
"Anu?"
"What?"
"Wae?"
Nagtatakang napatingin ako kay kuya Dishax na nag hanggul.
Hanggulo mo.
Inosente niya akong tinignan. "What? Bawal maiba?"
BINABASA MO ANG
SHATTERED : The Aberrant
General FictionThe hell is currently empty and all the devils are here. " Scream louder for me, honey. " - Prim Dirielle Marie Lchwartz.