Chapter 28

50 18 0
                                    

Climbed.

C h a p t e r : 2 8

6 months later....

Ang init!

Ang init!

Ang init!

ANG INIT!!!!

"Sid! Please pasaksak nung aircon dito sa sala!"

Bilis! Baka ikaw masaksak ko.

"Bakit di ikaw?! Busy me!" balik na sigaw ng damuho.

Kainis!

Mamatay nako sa init! Bakit ba kasi ang layo ng saksakan dito? Pwede namang inilagay nalang sa tabi ko o kaya naman nagka crush sakin yung saksakan, sinusundan ako palagi para hindi ko na kailangan pang makiusap sa mga to.

Tsk! Si Xeven na nga lang. Sigurado namang mas tuwid ang huwisyo non.

Depende nalang kung hindi.

"Xeven! Pasaksak naman ng aircon oh? Sa sala ha?"

"Xeven?"

"Xeven??"

"Xeven!"

Powta. Bingi.

Padabog akong tumayo mula sa papag at inis na pinuntahan ang saksakan ng aircon para buksan.

Mga buwesit. Makikisuyo na nga lang ng aircon hindi pa magawa. Ngayon nga lang ako nakisuyo dahil di ko na talaga kaya pang tumayo. Pagod ako. Hindi naman sa tamad ako ah pero yung dalawang depungas na kay sarap pag sasampalin ay katabi lang ang saksakan na tinutukoy ko.

Pagkapasok ko sa entertainment room kung saan nandoon nakakonekta ang saksakan ng aircon mula sa sala ay bumungad sakin ang preskong hangin. Nagmistulang kaharian ni Elsa ang kwarto sa lamig.

Huwaw naman tologo! Bravo! Bravo!

Dito bukas ang aircon pagdating dun sa labas patay?! Tinipid ako?!

Sila kaya patayin ko?

Ng pagmahahal.

AyiEieIehH.

Tinungo ko ang outlet na malapit sakanila. Pagkasaksak ko ng aircon ay kaagad kong tinampal ang mga noo nilang wala man lang bahid ng tigyawat.

"Sieteng anak gusto ko--" Sid.

"Aray--aish!" Xeven.

"Makikipasuyo lang ng pagbukas ng aircon dun sa sala di niyo pa magawa? Ha?" litanya ko.

Natigil sila sa mga aktibidades nila at hinimas ang noong pinag-initan ko. Agad kong nakagat ang labi ko patago ng makita iyon.

Namumula.

Umangat sakin bigla ang konsensiya ko at ngayon dinudumog nako. At bilang konsensiya matatanggal mo lang yan kung mag so-sorry ka. Yun, dapat ay magsorry ako pero umapila ang isa pang parte ng utak ko.

Hindi! Banas ako ngayon!

Ako ang kawawa dito kaya bakit naman ako mag so-sorry aber?

Gumawi ang tingin ko kay Sid na mukhang lubhang nasaktan sa kanila. Taragis talaga itong lalaking to oh kala mo naman nasagasaan ng ten wheeler truck dahil sa sama ng itsura niya.

Artistahin.

Yung isang kamay niya ay nakapatong sa noo habang ang isa naman ay hawak ang cellphone. Napapikit siya sa ginawa ko. Segundo din ang binilang bago niya buksan ang isang mata upang tignan ako.

SHATTERED : The AberrantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon