Chapter 35

90 2 0
                                    

Choices

C h a p t e r : 3 5

PRIM

"Ah..Eh ano? Masarap ba?" Kabado kong tanong sa mga kamahalan.

May lason yan.

Nagpunas ng bibig si Sid gamit ang table napkin matapos lunukin ang nginunguyang talong.

"Surprisingly, it tasted good."

Tinignan ako ni Xeven at tipid na ngumiti pero bumalik ulit siya sa pagiging terror niya.

Hindi ba masarap?

"It's..."

"It's?" Nag a-alalang hintay ko sa susunod niyang sasabihin.

"Very..."

"Very??"

"Very..."

Taragis very daw ulit.

Naalibadbarang nangunot ang noo ko. "Very ano nga?"

Ngumisi siya. "Delicious."

Pilit akong tumawa sa sinabi niya. "Ito naman. Grabe makapuri..Ahaha.." Pabiro kong sabi. "Masarap talaga *ubo* yan. Maliit na bagay."

Inabutan ako ng tubig ni Xeven ng marinig niyang umubo ako at agad ko namang ininom yon.

"Dahan-dahan kase. Kumain ka na kaya? Baka nagkakasakit kana dahil madalas kang nagpapalipas ng gutom?"

Ngumiti ako."Hindi wala lang to. Nasamid lang. Hindi naman talaga ako gutom."

Gutom na gutom lang.

Patago akong napabuga ng hangin. Pambihira.. Napaka dami pang pa suspense na ginawa. Di nalang dineretso.

Sabagay di ko naman talaga luto yan. 

Muchas Gracias Uncle Van! Salamat sa mga talong na ibinagay mo. Masarap din daw ang niluto mo base sa mga ugok na to.

Dabest ka talaga!

Ako naman ang ngumiti sakanila. Yung ubod ng lapad para sagad ang kasiyahan at makalimutan ang atrasong nagawa ko.

Oras na para mag palapad ng papel.

Dalawa lang ang kahahantungan niyan.

Una - bababa ang sentensiya ko at makakalaya nako mula sa ginawa ko.

O pangalawa - Nanamnamin ko nalang ang mga natitira ko pang araw na puno ng kalayaan at kasayahan.

"Sige! Kain pa. Kain lang kayo. Masarap yan. Madami pa naman diyan. Busugin niyo ang mga sarili niyo, ha?"

Dinagdagan ko nadin ng inosenteng ngiti na talagang manlilinlang ng mga kalalakihang pag di mo kilala ay kalinlang-linlang.

Nanunuring iniangat ni Sid ang tingin niya sakin habang may hawak-hawak na kutsilyo na panhiwa niya sa talong.

"How about you? You're not gonna eat?" Imwinestra niya ang kamay sa mga nakahain."Eat up! It's such a waste kung hindi mo matitikman 'tong niluto mo."

Umiling ako. "Ha? Wag na. Kayo nalang. Para sainyo naman yan eh saka busog na nga ako."

"Oh. I see." Tila hindi kumbinsido niyang tugon matapos ilagay muli ang kinakain sa bibig.

Tama.

Mas gugustuhin ko pang wag nalang kumain kesa tikman lahat ng nakahanda sa mesa. Kahit pa kanina pa ako palihim na punas ng punas ng laway ko dito at na torture na ang mga mata't ilong ko na hanggang langhap at tingin na lamang.

SHATTERED : The AberrantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon