Chapter 37

18 1 0
                                    

A friend and a foe

C h a p t e r : 3 7

"Wag muna kaya tayo pumasok?"

Gigil akong napatingin ka Lilah at kinurot ang tagiliran niya.

"Aray!" Tinitigan niya ko ng masama na halos maluha-luha na. "Bat nangungurot?!"

Marupok ka kase.

Sinimangutan ko siya at tinalikuran sandali. "Ate penge nga isang tubig." sabi ko sa tindera ng fishball. Mabilis niya namang inabot yun sakin.

Lumipat muli ang tingin ko kay Lilah at walang sabi-sabing binigay sakanya ang tubig na hawak ko.

"What the—Ano to? "

"Tubi—"

"I mean alam kong tubig to pero para saan?"

Ngumisi ako. "Quench your thirst my child!" At tatawa-tawa akong umakbay sakanya.

Nanggigil ako sa babaeng to eh.

"Hindi ako uhaw!" depensa niya.

"Dun ka nagkakamali kapatid." Tumawa ako ng malademonyo bago lumapit sa tenga niya at bumulong. "Uhaw ka sa itlog."

"Huh? Anong itlog?"

Dali-dali naman akong napaubo. "Uhaw ka sa LALAKI. SA LALAKI. Ehem!" Paglilinaw ko. "Kaya ayan inumin mo na ng mahimasmasan ka. Hindi ka na niya mahal, okay? "

"Aray ha... " Sibangot niyang angal sakin saka ngumuso. "Di ba pwedeng nagmahal lang tapos nasaktan?"

Sumeryoso ang tingin ko. "Lilah... Oo, alam kong nag mahal ka pero alam mo din kung anong ginagawa niya una pa lang and the only mistake you did is that you trusted the wrong person, you thought na kaya niyang magbago para sayo. I know, kababata mo siya and you know him more than anyone else pero ito ang tatandaan mo..." Tinuro ko ang puso niya. "Dapat nagtitira ka ng para sa sarili mo dahil higit sa lahat ikaw at ikaw lang din ang makapagpapasaya sayo. Kung di ka pa sigurado dapat preserve yourself until sure ka nang yung lalaking yun ay mahal ka. Kaya hayaan mo na yun ha? Aba, ang ganda mo, andaming iba diyan. Losing a man doesn't make you less of a woman. It's their loss, not yours. Why? Because, a boy can have all the girl he wants but a man knows how to cherish the woman he loves and he needs. Know the difference my dear."  At kinindatan ko siya.

Biglang namasa ang mga mata niya. Parang katulad din ng kanina. Ang kaibahan lang, ngayon ay may maliit na ngiti ba ang sumisilip sa mukha niya at mukhang tanggap niya nang hindi talaga sila.

Mabilis niyang pinunasan ang luha niya pagkaraan ng ilang minuto at tumango ng mabagal sa akin.

"Tama ka, hindi na dapat sayangin ang oras ko sakanya... Kaya..."

Nanlaki ang mata ko. "Hala—! Huy dahan-dahan!"

Nagulat ako ng mabulunan siya dahil bigla niyang lagukin lahat ng tubig na binigay ko sakanya kanina kaya naman dali-dali akong lumapit sakanya.

Shattered: The AberrantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon