CB6
When Sir Rion told me not to talk to anyone, I highly objected. Right now, I just realized that fighting with him against it is nonsense when in the first place, no one talks to me.
Isang linggo na simula noong magbalik si Sir Rion sa kanyang trabaho ngunit si Gil pa rin ang nag-iisang kumakausap saakin. Hindi naman sa gusto kong madaming makausap. I just really believe that people are a very good source of information. Unfortunately, they seem to avoid me.
Wait...
Nakakahalata kaya sila?
"Can you fucking sit down?"
Kusang tumigil ang mga paa ko sa pagpapabalik-balik noong marinig ko ang boses ni Sir Rion sa gitna ng mahabang katahimikang namamayani saaming dalawa kanina pa. I blinked and turned to him. Halos magtagpo na ang dalawang masungit niya kilay habang nakasimangot saakin. Mukhang kanina pa naiinis dahil sa ginagawa ko.
I sighed and followed him immediately. Agad akong bumalik at naupo sa couch. The crease on his forehead disappeared when he saw me sat down. Muli niyang binalik ang tingin sa binabasa.
So... nakakahalata nga ba?
I think not.
Base sa mga reaksyon nila tuwing tinititigan ko sila, hindi ko napapansin ang pagdududa doon. Instead, there is jealousy, fear, amusement, and indifference. Magkakaiba iyon mapa-babae man o lalaki. Tingin ko, ang dahilan kung bakit nila ako iniiwasan ay...
I gazed in Sir Rion's direction. Abala pa rin ito sa ginagawa at tila may sariling mundo doon. Nagbuntong-hininga ako.
Of course, my boss.
Bigla tuloy akong nahati sa pagitan ng hahayaan ko na lang ba o gagawa ako ng paraan para kausapin sila. Shall I step up my game and be the first one to approach? But I promised Sir Rion not to talk to anyone unless it's necessary...
It is necessary!
Obviously, the stories of Sir Rion's environment won't be told by someone new like me, kailangan iyong matagal na dito. Katulad na lang ni Gil at yung mga sinasabi ni...
Gil...
Shit.
"It was the last person Sir Rion fired before his accident happened. That person was caught spying for information about the supposed biggest project we will have this year. Natigil po iyon dahil sa aksidente."
Agad akong napatayo noong maalala ko iyong sinabi niya saakin noong nakaraan. Shit! I totally forgot about it! Masyado akong pre-occupied ng maraming bagay nitong mga nakaraang araw! But it suddenly knocked on my senses right now!
The person he fired before the accident? Spying?
I gazed at Sir Rion's direction. Bahagyang umirap ang mata niya at walang interes na tumingin saakin dahil sa napansing bigla kong paggalaw.
"Sabi-"
"Wait lang, Sir." I stopped him and walked at a fast-paced speed towards the door. Tumigil ako noong mapagtanto ko ang ginagawa ko. I stopped and sighed deeply. Isinaisip ko ang pagkalma upang hindi mahalata.
"Where are you going?"
Nilingon ko siya muli. There's no spark of interest in his eyes like he just asked it for the sake of his curiosity.
"May itatanong lang kay Gil, Sir."
Tumaas ang kilay niya. "Don't do anything stupid."
I sighed. Sa pagitan naming dalawa, sa tingin ko ay mas mataas ang porseyentong siya ang gumawa non. But of course, I won't say that out loud.
BINABASA MO ANG
Crystal Breeze
General FictionLegrand Heirs Series #2 In between someone who sticks to his beliefs and someone who leaves her principles behind, who will be the first to surrender? Rude, heartless, viciously sinful. The second heir of Legrands doesn't bow to any. Matatag ang pa...