CB7
The dance floor is a perfect place for all the secret conversations. In the middle of the people who are too engrossed in the music, on the steps they are making, on the people they are dancing with... no one will give even a single damn even if you're already plotting on someone else's demise...
"Fuck." kusang lumabas iyon sa bibig ko. Agad kong naramdaman ang paghigpit ng kapit ni Sir Rion sa aking bewang na parang pinipigilan ako sa kung ano man ang maari kong gawin. I unknowingly held on his neck tighter.
Hindi ko kilala kung sino ang mga taong ito. Both of them looks like they are both on middle or late 30's. Sobrang tutok nilang dalawa sa isa't-isa na para bang hindi na nila napapansin ang paligid. Hindi rin malinaw ang lahat ng sinasabi nila ngunit ang ilang mga salitang narinig ko ay sapat na para maghinala sa kung ano man ang pinag-uusapan nila.
It seems like the woman is mad. Mas mataas ang tono ng boses niya at sa kanya rin ako mas nakakarinig kaysa sa lalaking kasayaw niya na mas mahina ang boses. I only heard of a couple audible things. Something had failed and it's what makes the woman angry. They lost a big money. Panghuli ay ang salitang 'patay'. Hindi ko alam kung ano ang unahan at kasunod noon.
Halos hindi pa rin ako makapaniwala na sa likod ng malalamyos nilang galaw ang mabibigat na salitang iyon. Pero hindi ko rin mapigilang isipin... bakit kami nakikinig ngayon sa kanila?
"Don't stare." pabulong na utos ni Sir Rion sa aking tenga. Ako ang nakaharap sa dalawa at siya naman ay nakatalikod habang patuloy pa rin kaming mabagal na sumasayaw.
Agad kong sinunod ang kanyang utos at inilagay ang mga mata ko sa kanya. Ganon din ang ginawa niya saakin. His cold eyes pierce at me. Wala ni isa saamin ang nagsalita tungkol sa karampot na distansya naming dalawa. My feet automatically followed where he was leading me to as we dance.
"Sino sila?"
And how are you connected to them? How do you know this when in the eyes of everyone, they only look like a normal couple sharing a dance?
"Sir..." tawag ko noong hindi siya sumagot.
His steps led me farther from the two people. Nagsasayaw pa rin kami ngunit unti-unti rin kaming lumalayo sa dalawa. Alam kong giangawa niya iyon upang hindi kami mapansin kung sakaling aalis kami sa dance floor. Lumuwag din ang pagkakakapit niya saakin at bahagya kaming naghiwalay. Noong nagawa ko iyon ay agad kong natagpuan ang kanyang mga mata.
I didn't let go of his eyes. Hindi katulad kanina na may patagong rason kung bakit kami sumasayaw, ngayon ay wala na. Kung tutuusin ay maari na kaming umalis dito dahil nagawa na naming makalayo. But we're here... dancing.
Kumabog ng mabilis ang puso ko sa hindi ko maipaliwanag na dahilan.
A lot of people accuse him of staging one's 'suicide'. Iyon ang kalat ngayon sa kompanya nila. Hindi ko alam kung hindi niya ba talaga iyon alam o nagpapanggap lang siyang hindi. If I would be in his shoes, I'll probably feel very disappointed that my own people think that way.
I know he mostly doesn't care about anything or anyone but... I also cannot bring myself to believe that he really did that. Para bang may nagsasabi saakin na hindi niya iyon magagawa. Kahit hindi ko siya lubos na kilala... alam ko lang na iba siya.
"We must go..."
"Yeah..." mahina kong sabi. "And you shall tell me everything."
Tumaas ang kilay niya saakin.
"Why would I?"
Inangat ko ang isa sa mga kamay ko mula sa pagkakahawak sa kanyang leeg. Tila may sarili itong utak na dumako sa aking tenga upang abutin at patayin ang aking earpiece at putulin ang koneksyon ko sa mga nakikinig sa kabilang linya. Alam kong hindi magandang ideya iyon pero... kung may mangyari man, nandito naman ako para sa kanya.
BINABASA MO ANG
Crystal Breeze
General FictionLegrand Heirs Series #2 In between someone who sticks to his beliefs and someone who leaves her principles behind, who will be the first to surrender? Rude, heartless, viciously sinful. The second heir of Legrands doesn't bow to any. Matatag ang pa...