Hi! Sorry for the slower updates, my sched's quite tight huhu. Thank you for being patient!
xxx
CB1
Napangiti agad ako noong bumungad si Mama saakin pagpasok ko pa lang sa pinto ngunit agad nawala ang ngiti sa labi ko noong tila hindi niya ako napasin dahil abala siya sa pagtitig sa isang partikular na parte ng bahay. I slowed down my steps.
"Ma..." I called her.
Wala si Kuya, marahil ay natutulog ito sa kwarto. Mukhang hindi pa rin umuuwi si Sena.
Lumingon saakin si Mama noong tumigil ako sa tabi niya. She gave me a gentle smile she always gives us.
"Nandito ka na pala..." she smiled. "Kumain ka na?"
Tumango ako. She sighed and stared at me before looking at the wall in front of us again. Nakasabit doon ang mga medals ko dati, mga certificates na natanggap ko, pati ang ilang mga trophy at plaques.
"Bat po kayo nandito?"
She smiled without looking at me. "Alam kong kontento ka sa mga ginagawa mo ngayon, Syn. Hindi ko lang mapigilang isipin, anak... na kami mismo ang humadlang sa dapat ay kung ano ka..."
My jaw clenched and I felt a tug in my heart.
"Ang liwa-liwanag ng landas mo noon, 'nak. Madaming nagsasabing magiging successful ka. Valedictorian ng elementary at high school... siguradong may award din 'yan sa college..."
Tila mas bumibigat ang mga talukap ng mata ko habang pinapakinggan ang sinabi ni Mama habang nakatingin siya sa kung ano ang nasa unahan niya.
"Ni hindi ka man lang nakapag-tapos..." her voice broke.
Pinatong ko ang braso ko sa kanyang balikat at ngumiti sa kanya. Hindi ko hinayaan ang sarili kong magbigay ng sobrang emosyon para sa isang bagay na hindi ko kailanman pagsisisihan.
"Masaya naman ako, Ma." I proudly said.
Masakit nga siguro para saakin na tumigil sa pag-aaral noon. Pero sa totoo lang, ni hindi ko iyon naramdaman noon dahil sa sakit ng pagkawala ni Papa. I knew I had to do something because I am the only one who'll be able to make us live. Masakit at mahirap dahil kailangan kong magsakripisyo. But then... what's a sacrifice without pain, anyway?
"Alam kong may pinagsisisihan ka din..." aniya habang pinupunasan ang ilalim ng mga mata para sa hindi tumulong luha.
Umiling ako. "Ma, para saakin noon, may mas malaki pang pangarap kumpara sa mga ito." saad ko habang tinuturo ang nasa unahan namin. "Kaya kung may pagsisisihan man ako sa huli..."
Kumabog ng mabilis ang puso ko habang iniisip kung anong maaring iduktong doon. I was sure that it's already on the tip of my tongue, but just when I was ready to speak, it vanished.
I don't wanna fail. I don't wanna end up with regrets. I don't wanna think about regretting, too.
"Kung may pagsisisihan ka?" tanong ni Mama.
Kinuyom ko ang kamao ko at humarap kay Mama.
"Ma! Na-reassign ako. Baka hindi ako makauwi ng madalas." pagbabago ko ng usapan.
"Biglaan?"
Mabilis akong tumango sa kanya. "Ayos lang ba sayo?"
"Desisyon mo 'yan, Karsyn. Pero baka mahirapan ka sa Kuya mo."
Nagsimula nang maglakad si Mama papalayo. I turned in her direction so I could follow where she will go.
"'Yon nga, Ma! Tulungan mo ako!" habol kong ani sa kanya ngunit sa huli ay nagdesisyon na din akong sundan ang yapak niya para mas kumbinsihin siya.
BINABASA MO ANG
Crystal Breeze
General FictionLegrand Heirs Series #2 In between someone who sticks to his beliefs and someone who leaves her principles behind, who will be the first to surrender? Rude, heartless, viciously sinful. The second heir of Legrands doesn't bow to any. Matatag ang pa...