CB29

20.6K 753 195
                                    

CB29

Nanatili akong halos walang imik hanggang sa burol ni Kuya. Although I know that my body's not healed yet, I cannot move... I cannot leave.

How ironic. Kung kailan hindi niya na ako kailangan, ngayon pa ako hindi makaalis. Ngayon pa...

Yumuko ako kasabay ng pagtulo ng luha mula sa mga mata ko.

"Syn..." rinig kong tawag saakin ni Mama at umupo siya sa tabi ko. Hindi ko tinaas ang mukha ko ngunit naramdaman ko ang hawak niya sa braso ko.

"Magpahinga ka muna... wala ka pang tulog at kain."

My shoulder shook because of the restrain I'm giving to stop my sobs.

Patagilid akong niyakap ni Mama at dinala ang ulo ko sa kanyang dibdib. I bit my lower lip hard.

"Hindi gugustuhin ni Kyle na makita kang ganyan, Syn... gusto niya palagi kang masaya," saad niya gamit ang kanyang malambing na tinig.

Being inside her arms is warm but it doesn't match the emptiness I'm feeling inside. Hindi ko makalimutan kung paano siya umiwas ng tingin saakin noong nakaraan. Sa loob ng tatlong araw na nakaburol si Kuya, ngayon lang din siya lumapit saakin.

Sa totoo lang ay walang kahit sino na lumalapit saakin bukod kay Hunter. Every time he comes here, he stays by my side. While even those who don't know the story blame everything on me. I can see pure judgment on their eyes...

I fully understand that... hindi ko rin naman maramdaman dahil manhid na manhid na ako sa lahat. I can only shed tears and live on with this hollowness.

Sa huli ay nagawa niya akong kumbinsihin na umalis sa harap ng kabaong ni Kuya. Dinala niya ako sa kwarto at hinayaang magpahinga.

Ganon ang lahat ng nangyayari sa mga sumusunod na araw. Kung hindi ako pupuntahan ni Mama ay hindi ako aalis sa harap ni Kuya. Maraming pumupunta sa bahay para makiramay. Ang iba sa kanila ay naririnig ko pa ang ilang usapan.

Ako daw ang may kasalanan. Nakakaawa daw si Kuya dahil ako pa ang naging kapatid.

Still, it was fine. It was fine... after all, even before they assumed it on me, I already blamed myself for everything.

"I'm sorry..."

Hindi ako nagsalita. Ayokong naririnig iyon. What's that word anyway? Why are they saying sorry?

"We found out that the main purpose of attacking the mansion is to take every evidence you all gathered and take down Rion. Fortunately, Rion is one step ahead of them always. He made me keep it all. Basty San Jose also contacted me. He's willing to cooperate now," mahabang salaysay ni Sir Rift saakin habang nakatingin sa unahan.

Napayuko ako. He's... always better than me.

"Don't worry about everything. It'll be easy to bring the Ponces down now that they have shown themselves to us. I'll take care of the Sarmientos, too. Your efforts didn't fall in vain, Syn."

"I'm sorry, I know it's a sensitive time but I also think that you deserve to hear it."

Tumango ako sa kanya. Everything sounds like good news. Kailangan ko bang maging masaya? Initially, yes. But after all these losses... I can't seem to find any joy.

"H-how..." I blurted out my first word to him. Lumingon siya saakin. "Is he?" patuloy ko at halos pabulong iyon.

He smiled at me. "He'll be fine soon."

Umiwas ako ng tingin kasabay ng pagkirot ng puso ko. How is it possible that even with all this numbness, I can still feel how much it hurts?

"Just tell me what I can do, Sir..." mahina kong wika at hindi na ulit lumingon.

Crystal BreezeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon