CB31

21.6K 891 263
                                    

CB31

"Sena! Umayos ka ha!"

"Nawalan na ako ng gana, Ma!" pa-sigaw na sagot nito dahil medyo malayo na siya saamin. Paakyat na kasi ito sa taas, siguro ay didiretso na sa kwarto niya.

"Sena!"

"Ma..." tawag ko at hinawakan ang kamay ni Mama na nakapatong sa taas ng lamesa. Mapagpatawad siyang lumingon saakin kaya nginitian ko agad siya. "Okay lang po, hayaan nyo na siya..."

"Kahit na, Syn... nasasanay nang hindi rumi-respeto eh. Kung sa'yo ayos ang trabaho niyang 'yan, saakin, hindi. Hindi ko kayo pinalaking ganyan," mahabang paliwanag saakin ni Mama. Halata sa kanyang itsura at tinig ang pagkadismaya.

"Ma, matanda na si Sena. Alam niya na kung anong ginagawa niya. Tsaka tanggap ko naman..." mas humina ang aking boses sa huli kong sinabi.

Nagkatinginan kami ni Mama. Nagbuntong hininga siya na parang sumusuko na. Sumulyap ako sa dinaanan kanina ni Sena at ngumiti ng mapait.

She still carries a deep hate for me and I understand...

"Pasensya ka na Hunter at kailangan mo pang makita ito."

"Ayos lang po, Tita..." nakangiting sagot ni Hunter na nasa tabi ko. "Ipagtabi na lang po natin si Sena. Baka magutom din 'yon mamaya..."

"Oo, madami-dami naman itong uwi nyong pagkain... naku, 'di natin 'to mauubos!"

Nagtawanan silang dalawa. Tahimik akong ngumiti at tumitig sa bakanteng upuan na nasa harap ko. My heart throbbed painfully.

It's been more than five years ever since that day—almost six, even. Hindi iyon naging ganong kadali noong una pero wala pagpipilian kundi magpatuloy. We left our old house because of two things, it was very painful to stay and because we really need to go and erase our traces there.

Sena hated that idea. Akala niya kasi, ganon lang kadali para saamin ni Mama na magmove-on. She thinks that we forgot about everything too fast. She must be feeling like I'm running away for what is supposed to be hunting me.

Mas lalong lumaki ng lumaki ang galit niya saakin at kahit pa lumipas ang ilang mga taon, hindi iyon nawala.

She still blames me for everything. Na mas pinili ko ang trabaho ko kaysa sa kanilang dalawa... na wala akong kwenta dahil iniwan ko sila kung kailan kailangang-kailangan nila ako. That I would rather choose somebody else to save than choosing them...

I understand that all and I accepted it. Wala naman akong mababago pa doon diba? Most of it is true, anyway. Ganon din ang tingin ng halos lahat ng tao saakin. Karsyn Mijares is someone who can leave everything behind-even her family, for the sake of fulfilling her job.

"Thanks, Hunter..." saad ko noong nakalabas na kami ng gate namin. Tumigil kami sa harap kung saan nakapark ang kanyang motor.

"Ayos ka lang?"

Ngumiti ako sa kanya at tumango.

"Hindi naman bago 'to..."

"Syn..."

Kumunot ang noo ko at mahina siyang tinulak papalayo saakin. I chuckled to make the atmosphere lighter.

"Ano ba! Wag mo nga akong tignan ng ganyan!"

"Bakit? Paano ba kita tignan?"

Nawala ang tawa ko ngunit naiwan ang ngiti ko. I sighed deeply and look up to the sky.

"Like you're sorry and worried. There's no need for you to feel like that," mahinahon kong sagot.

Noong tumagal ang katahimikan sa pagitan namin ay nagtaka na ako kaya naman lumingon na ako sa kanya. He was already looking at me by then. Tumaas ang kilay ko.

Crystal BreezeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon