CB23

22.4K 778 121
                                    

CB23

"What did you two talk about?"

Hinawi ko ang buhok ko ngunit hindi ko siya nilingon. Pinanatili ko ang mga mata ko sa daan.

"Wala... sinabihan niya lang akong huwag biglaang patayin ang earpiece ko. Nag-aalala daw sila..." kwento ko sa kanya.

Kanina kasi bago kami umalis ay saglit akong "hiniram" ni Hunter mula sa kanya. Alam ko naman na isa iyon sa kasalanan ko sa kanila. Hindi kasi lumilipas ang isang araw na hindi ko sila pinapatayan ng earpiece.

Kasi naman! Hindi ako komportable na nakikinig sila sa iba pa naming pinang-uusapan. I bet it will be awkward for them to listen to us, too. I'm doing both sides a favor.

"They don't need to hear everything."

I bit my lips and force myself not to look in his direction. Nag-init ang dalawang pisngi ko noong maisip ang mangyayari kung sakaling nakikinig nga sila sa bawat pag-aaway at pag-uusap namin na labas sa normal na pwede nilang pakinggan.

Shit. That's embarrassing. Stop thinking, Syn.

"Ikaw magsabi," I tried to increase my confidence by blurting out a joke. Ginamit ko iyon para maitulak palayo ang mga imaheng nasa isip ko na nagbibigay sakin ng hiya.

"Are they listening?"

I saw him glance at me using my peripheral vision. Doon lang ako lumingon sa kanya.

Bumilog ang mata ko. "Bakit? Kakausapin mo?"

"No need. They can hear it already."

I pressed my lips tightly together and tried to give an innocent smile.

"It's off..." sabi ko at turo sa isang tenga ko kung nasaan iyon.

He smirked at me and shook his head. Sinundan iyon ng mahinang tawa kaya napangiti na rin ako. Binalik ko ulit ang tingin ko sa bintana.

"You just got warned."

"I don't mind a scolding..." nakangiti kong sagot.

Mas pipiliin ko na lang sigurong mapagalitan kaysa iparinig sa kanila ang lahat ng pinag-uusapan namin. Isa pa, madali lang naman buksan ulit ito kung kailangan ko sila. Tsaka nandito naman ako palagi sa tabi ni Sir Rion.

"We're here..." usal ni Sir Rion noong tumapat kami sa una naming destinasyon. Kanina ko pa iyon napansin at nagsimula na rin akong maghanda habang siya ay abala sa pagpa-park ng sasakyan.

Inalis ko ang seatbelt ko at inayos ang buhok ko.

"I'll be waiting here," saad ni Sir Rion bago ko buksan ang pintong nasa tabi ko. Tumango ako sa kanya.

"Saglit lang din ako..."

Binuksan ko ang pinto at bumaba. Habang naglalakad papasok ng convenient store ay tinanaw ko ang cashier counter upang siguraduhin kung naroon ba ang sadya ko. My eyebrow twitched when I recognized the man.

Napangiti ako at nagpatuloy na sa pagpasok. May ilang mga nasa cashier kaya hindi agad niya ako napagtuunan ng pansin, hindi katulad noong una kaming pumunta dito.

Dumiretso ako upang kumuha ng ilang pagkain. I picked some junk foods and sandwiches. Kumuha na rin ako ng inumin. I was carrying it all before I proceeded to the cashier. Wala nang nagbabayad kaya inilapag ko na lahat iyon.

I watched how Basty punched it all using the barcode. Dahil mas abala siya sa mga binili ko ay hindi pa tumataas ang tingin niya sa mukha ko. Hindi ko din alam kung makikilala niya ba ako.

Crystal BreezeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon