CB34

22.4K 806 89
                                    

CB34

We stayed the whole night in the hotel room. I know for a fact that it wasn't right. It wasn't supposed to be like that. There was still a pang of living guilt in my heart for him. I failed him too much in the past. Iyon ang dahilan kung bakit hindi ko siya maharap... kung bakit hindi ko maiwasang mangamba at matakot noong nakita ko siyang uli.

But when he held me... all my inhibitions disappeared. For the first time in five years, I felt so alive... allowed to feel pain, frustration, sadness... and to be comforted for feeling it all.

It felt peaceful. It felt freeing.

But that... also ends there.

"Thanks..." namumula kong saad habang hawak ang paper bag kung saan nakalagay ang suot kong damit kagabi.

Pagkagising ko kasi kanina ay mayroon nang paperbag ng bagong damit sa tabi ng kama. Sabi niya ay akin daw iyon. I was so shy because it's complete! May mga underwears din!

Lalo pang dumagdag sa hiya ko ay 'yong nauna siyang magising saakin. I'm sure he wasn't able to sleep comfortably last night. He made me sleep on the bed while he chose the lounge bed beside it. It was small for him but he didn't let me take it.

"Breakfast?"

Umiling ako. "Kailangan ko na umuwi. Baka nag-aalala na si Mama..."

Sa totoo lang ay kinakabahan pa akong umuwi. Baka kasi batuhin ako ng madaming tanong ni Mama. Naalala ko namang mag-text sa kanya na hindi ako makakauwi kagabi pero siguro akong hindi niya ako papalagpasin kung makikita niya ang maga kong mga mata.

Mamaya ay tatawag naman ako sa center para sabihan iyong isa kong training instructor na mag-take charge muna sa mga klase ko. I don't wanna show up in front of the kids looking like a mess.

Tumango siya habang nagtitipa sa kanyang cellphone.

"Hatid na kita."

"It's okay... you seem busy," I said, gazing over his phone.

Umiwas ako ng tingin pagkatapos. Napansin ko naman ang agad niyang pagbaba ng cellphone niya gamit ang gilid ng mata ko.

I can already feel it again. The awkwardness. Tuwing naaalala ko kung anong nangyari kagabi ay hindi ko maiwasang mahiya.

Damn it... I'm so weak.

"I wanna talk to you."

I clenched my jaw. I don't know what's happening to me. Even merely standing here right now felt uncomfortable, especially when his attention is all on me. Ngayon nakaupo siya sa couch ay agad na namang nagpakita sa isip ko ang sitwasyon namin kagabi-ako na umiiyak habang nakakulong sa bisig niya.

I groaned internally. I need to go.

"Sa susunod na lang..."

"Syn."

Huminga ako ng malalim at nagpasya nang lingunin siya. Seryoso ang kanyang mukha at tila hindi nagustuhan ang narinig.

"Ano bang gusto mong malaman pa?"

"Pa?" kunot-noo niyang tanong. "What do you mean? I don't know anything."

Natigilan ako dahil sa sinabi niya. Naguguluhan ko siyang tinitigan. I started walking to where he is. Umupo ako sa gilid na couch mula sa pwesto niya. There's a wide distance between us. It was safer.

"But l-last night..."

Tumaas ang kilay niya saakin. "Last night?"

Nag-init ang dalawang pisngi ko. It wasn't a very bad memory but remembering it felt... goodness! Bakit ba bawat galaw ko dito sa hotel room na ito ay iyon ang naaalala ko? Kailangan ko na talagang makaalis!

Crystal BreezeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon