CB12
Akala ko noong una ay pagkatapos na pagkatapos din ng pagpayag niya ay magiging mas abala ako. I thought we'd be aiming for something and search for a deeper answer. Halos matuwa pa ako dahil sa wakas ay meron nang isang bagay na nagkasundo kaming dalawa. But unfortunately, none happened.
Parang bula iyong naglaho lang din ng mabilis. Sa palagay ko nga ay nakalimutan na iyon ni Sir Rion.
"Are you really with him everyday?" tanong saakin ni Diego, ilang hakbang ko pa lang sa conference room kung nasaan sila. Abala si Sir Rion sa pakikipag-usap kay Gil sa unahan ko. Pagkapasok na pagkapasok ko naman ay ito na agad ang bumungad saakin.
"Diego," banggit ko sa pangalan niya. "Good morning."
"Good morning too, Syn," ngiti niya saakin. "So? Aren't you busy- I mean, how about your family business? Your own things? Work? Hindi ko pa ata nakitang naghiwalay kayong dalawa..." tanong niya na nauwi sa pagmo-monologue.
Napangiwi ako at agad napasulyap kay Sir Rion na abala pa rin sa sariling ginagawa. Nagdadalawang isip ako kung paano ko iyon sasagutin.
"Did I shock you? I'm sorry for asking... it's just a sudden thought."
Ngumiti ako sa kanya at umiling. "Hindi... ayos lang..."
"I never thought Rion would like someone's company that mu-"
"Why don't you give her a rest, Sanz?" ani ng malamig ng boses na nakapagpatigil sa katabi ko mula sa pagsasalita.
Nagawi ang tingin ko sa direksyon ni Sir Rion at Gil. Kapwa na sila nakatingin saamin ngayon. Sir Rion's eyes are sharp with warnings.
"Let's start," nakasimangot na utos nito.
Diego looked at me with a frown. "I didn't know before that he's capable of being jealous."
I chuckled awkwardly. "I don't think so."
"He is..."
"Sanz!" tawag nito muli.
Sinenyasan ako ni Diego at kusa na akong iniwan para puntahan ang kanyang team na naghahanda sa unahan. Ako naman ay naglakad na papalapit kay Sir Rion na nakakunot ang noo habang inaabangan ako.
Alam ko naman hindi niya iyon ginawa dahil sa selos. He just really doesn't want me to talk to anyone because I might slip something. Hindi naman ako ganoong ka-careless na tao ngunit may mga bagay din na hindi naman namin napag-uusapan kaya mahirap na kung magkakasalungat kami ng sagot.
"What did he say?" tanong niya noong makaupo ako sa tabi niya.
"Later..." sagot ko habang nakatingin kay Gil na nasa unahan man ang atensyon ay mukhang nakikinig pa din. Sumulyap din si Sir Rion sa kanya bago binalik ang tingin saakin.
"They'll start now..."
Natanggal ang mga mata namin sa isa't isa noong marinig iyon. Naglakad papalapit saamin si Diego at umupo sa tabi ni Gil. Ganon din ang ginawa ng iba at naiwan ang isang lalaki sa unahan para mag-present.
Tatlong linggo na halos na sobrang abala ni Sir Rion sa trabaho niya. He was always in front of his laptop, his paper works, attending meetings back and forth, and this. Apparently, ito iyong tinutukoy noon ni Gil na naudlot na project ni Sir Rion noon-the one which Basty "allegedly" spied.
They are in the process of creating a more advanced fintech app, in partnership with Diego's AI company. It's currently undergoing a very extensive process because according to Sir Rion, it might be their biggest project this year... or their biggest failure.
BINABASA MO ANG
Crystal Breeze
General FictionLegrand Heirs Series #2 In between someone who sticks to his beliefs and someone who leaves her principles behind, who will be the first to surrender? Rude, heartless, viciously sinful. The second heir of Legrands doesn't bow to any. Matatag ang pa...