CB25

22.5K 767 178
                                    

CB25

"Aalis ka na?" nakasimangot na tanong ni Kuya kay Sir Rion matapos nitong magpaalam dito.

"Diba nga kailangan pa niya magtrabaho..." singit ko sa kanilang dalawa. Pinaliwanag na naman ni Sir Rion sa kanya kanina pero mukhang nagtatampo pa rin siya.

Bumaling si Kuya saakin. "Aalis ka din na, Syn?"

I smiled at him and shook my head. "Dito muna ako Kuya... okay lang?" I soften my voice and clung to his arm. Parehas kaming nasa harap ni Sir Rion na pinapanood kami.

"Bakit?"

"Huh?" gulo kong usal at bahagyang humiwalay sa kanya. Mahinang tumawa si Sir Rion sa harap namin. It sounds like mocking me!

"Aalis na si Rion, bakit di ka sasama?"

I stared at him with shock. The last time I checked, he always gets upset whenever I leave. I even have to create a lot of excuses so that I could go without making him feel bad. Pero ngayon, kahit sinasabi kong mananatili ako ay parang gusto niya pa akong paalisin.

Kumurap ako at pinalitan ang gulat sa aking mukha ng isang ngiti.

"Kasi gusto kong makasama ka... tsaka si Mama at Sena..."

Nag-iba ang kislap ng mga mata niya. There was a sudden glow in it.

"Ako?"

I nodded with a smile. "Ikaw..."

Ngumiti siya pabalik saakin at bago niya binalik ang tingin niya kay Sir Rion na tahimik na nakikinig sa pag-uusap namin.

"Hiram ko muna si Syn ah!" paalam niya.

Nanlaki ang mata ko ngunit nauwi din sa pagtawa. Humiwalay ako kay Kuya para mas mapagmasdan ang itsura niya. Seriously? Bakit niya ako hinihiram? It's not like he owns me!

Sir Rion smirked and shook his head.

"Sige... pero ibabalik mo din."

Doon natigil ang tawa ko at agad akong namula. Pinanlakihan ko ng mata ni Sir Rion. I can't believe he said that! Pinanindigan niya talaga ang panghihiram ni Kuya!

"Okay! Okay!" palakpak ni Kuya, mukhang natuwa dahil sa pagpayag na narinig.

What the hell did I just hear?

"Happy birthday, kid," bati muli ni Sir Rion kay Sena noong nadaanan namin siya habang palabas kami sa bahay. He even patted her head, the reason why she's blushing hard.

Wow, ngayon ko lang ata nakita itong hiyang-hiya?

"Aasahan ko ang pagbalik mo, Sir!" nakangiting sabi ni Mama.

"Rion na lang po," pang-ilang beses na ata iyong lumabas sa bibig ni Sir Rion ngayon lalo na kapag tinatawag siyang Sir ni Mama.

I smiled.

"Hatid ko lang, Ma..."

She nodded and smiled at us. "Ingat, Rion. Salamat sa pagpunta..."

Nakita ko kung paano nilabanan ni Sir Rion ang pag-angat ng kanyang labi. Mabilis siyang umiwas ng tingin. I giggled secretly.

"They all call you informally. How come I'm the only one who calls you Sir?" biro ko habang naglalakad kami papalabas.

Kuya ang tawag sa kanya ni Sena at Rion naman kay Kuya Kyle. Ngayon ay kay Mama na rin. Wala namang kaso saakin iyon, gusto ko lang talaga siyang biruin. In fact, it always makes me feel happy and warm. I'm glad to see him interact with them.

Crystal BreezeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon