CB8
"Thanks..." sagot ko habang kinukusot ko pa ang mata ko. Ang isa naman ay inabot ang folder na dahilan kung bakit ako bumaba at kitain si Hunter. Mamaya ay papalitan na nila ang night shift team.
"Rinig ko sa mga empleyado na pinlano daw. Iyong mga bumibisita, sabi ay halata daw iyong mga sugat at pasa. Sa tingin mo ba..."
"Si Sir Rion ang may gawa?" patuloy ko sa kanyang gustong itanong saakin. Hindi siya sumagot ngunit pansin ko sa kanyang mukha ang paghihintay ng sagot. Meaning, it was really his question.
"We don't rely on rumors, Hunter. At kung totoo ngang siya iyon, wala naman tayong pagpipilian..."
Dumilim at kanyang mga mata ngunit agad ding nagbuntong hininga. He nodded.
"But did he?"
"No..." I said without hesitation. "Papasok na ako, salamat ulit dito..." paalam ko habang nakataas ang kamay kong hawak ang folder na tinutukoy ko sa kanya. I smiled a little and turned my back on him.
Hindi pa ako nakakahakbang ng ilang beses ay narinig ko na muli ang tawag niya.
"Syn..."
I looked back. Tinignan ko siya gamit ang aking nagtatanong na mata.
"Kung nahihirapan ka na, pwede mo namang sigurong sabihin kay Boss... he treasures you... he'll do something about it."
Nagulat ako dahil sa aking narinig ngunit hindi ko iyon pinakita sa mukha ko. I maintained my normal face. Umikot ulit ako para harapin siya at humakbang pabalik sa kanina kong pwesto.
"Bakit mo naman naisip 'yan?" kunot- noo kong tanong.
He sighed and shrugged. Inilagay niya ang kanyang dalawang kamay sa kanyang bulsa.
"He doesn't do anything but to insult you and take it all out on you."
Hindi agad ako nakasagot. Doon ko lang napagtanto na naririnig nga pala nila ang lahat tuwing nakabukas ang earpiece ko. Huminga ako ng malalim.
"Words are not enough to cut me, Hunter." saad ko at ngumisi.
Naramdaman ko ang pagsakip ng parte sa puso ko. Totoo naman iyong sinabi ko... pero parang may tumutusok pa rin saakin na nagsasabing kasinungalingan iyon. Maybe, it was partly a lie now...
I've been humiliated a lot before. I took it all in and got used to it somehow. Hindi ko hinayaang kainin ako ng mga iyon dahil alam kong may rason kung bakit ako nasa posisyon ko. But then, just recently... even if it's not new to me to hear such things, whenever it came from his mouth... it always finds a way to make me feel bad about myself.
"Syn..."
"Tsaka pinili ako para dito... I might as well do a good job." I smiled and tapped his shoulder. "Wag kang mag-alala. Kayang-kaya ko 'to."
Unti-unting sumilay ang ngiti sa kanyang labi. He chuckled and shook his head.
"Fine. But if you need help..."
"Of course, Team Leader," palabiro kong sagot sa kanya.
Back then, my daily motivation is survival. Kapag nakakaramdaman ako ng hirap at pagod, iniisip ko lang kung paano na kami kakain, kung paano na yung mga gamot ni Kuya, yung maintenance ni Mama, yung tuition ni Sena, yung allowance niya at mga kailangan sa school, yung mga kailangang sa bahay, iyong hinuhulugan naming utang mula pa noong nagkasakit si Papa at madami pa... pero ngayon, hindi ko rin alam kung bakit hindi ko na kailangan pang paulit-ulitin iyon sa utak ko.
There's something in my present situation that's keeping me in place even without a reminder why should I...
"You're here."
BINABASA MO ANG
Crystal Breeze
General FictionLegrand Heirs Series #2 In between someone who sticks to his beliefs and someone who leaves her principles behind, who will be the first to surrender? Rude, heartless, viciously sinful. The second heir of Legrands doesn't bow to any. Matatag ang pa...