CB27

20K 663 206
                                    

CB27

"Syn!" Hunter called me through my earpiece.

My reflexes acted first even if I'm completely engulfed by what I just heard. I tilted my head to avoid the coming bullet.

"Papasok na kami at kukunin ka pa-"

"Go!" I shouted and held my ear. Lumampas ang bala sa akin ngunit alam kong nadaplisan ang tenga ko. "Leave me, Hunter! Pumunta na kayo sa mansyon ngayon na!"

Shit.

Nakipagpalitan ako ng suntok sa sumalubong saakin. Napaatras ako ng ilang beses noong natamaan niya ang tyan ko.

"No way!"

"Hunter, please. Kaya ko 'to... iwan nyo na ako. Please... just go to him," I pleaded.

A whimper escaped my mouth when I was hit once again in my shoulder.

"Syn!"

"Please!"

"Ano bang pinagsasasabi mo ah?" ngisi ng kaharap ko ngayon. "Hindi ko alam kung bat ang bilis mong napatumba ang kalahati saamin kung ganito ka lang pala kahina!"

"Hunter, stop wasting time and go!" I screamed and put all the pressure in my fist and throw it towards the man's face. "Contact the HQ, too!"

Kumpara sa mga kaharap ko ngayon, the Ponces' men are trained and skilled. Considering that they went for a full-blown attack, I can tell that they have a greater number compared to before. We're outnumbered big time. Nasa akin pa ang kalahati ng team. Noah's team might not be able to handle it...

"Please be careful, Syn."

"Hayop ka! Sino ka ba!"

I grimaced at the man in front of me. Gamit ang neckline ng damit niya ay hinila ko siya habang hindi pa siya nakakabawi sa suntok ko. Dinala ko siya sa unahan ko upang iharang sa balang paparating sa direksyon ko.

I know I should not use people as my shield but what can I do? I am being targeted while engaging in a short-range fight!

"Susunod ako... please keep him safe until then."

"We will."

This is all a mess. We miscalculated everything... and now... Sir Rion, please.

Nagpakita sa isip ko ang mukha ni Sir Rion. Nanginig ang kamay ko dahil sa mabilis na pagbugso ng takot sa dibdib ko. It was eating me again... The confidence and courage in my veins felt like vanishing.

The feeling of not being enough to protect him...

"Fuck," mura ko noong matamaan na naman ako. Sunod-sunod ang mabibigat kong hininga habang nakatitig sa unahan.

Anim na ang bagsak sa kanila at tatlo na lang ang natitira. I'm getting tired... but I also cannot allow this to last longer. Kailangan ko nang makaalis dito.

"Oh? Natatakot ka na ngayon?" nakangising tanong ng isa saakin dahil sa patuloy kong pag-atras habang magkasabay silang lumalapit dalawa.

I look at the spy behind them who keeps on shooting me bullets a while ago. He's busy refilling his gun.

"Hindi purkit marunong kang makipaglaban, kaya mo ka-hoy!" hindi niya natapos sinasabi niya at sumigaw na lang noong umikot at tumakbo palayo. Noong nasa dulo na ako ng kitchen ay agad akong yumuko para kunin ang dalawang kutsilyong nasa boots ko.

Ginamit ko ang distansya ko bilang pam-bwelo. Habang gulat pa rin ang dalawa ay tumakbo na muli ako at tumalon sa dining table. I threw the knives on both of their locations while continuously running towards them.

Crystal BreezeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon