CB22

22.7K 892 328
                                    

CB22

"I'm sorry for kissing you without a warning..."

"Matagal na 'yon."

"I know... I just wanna say it."

"It was necessary, right?"

He stopped for a second. Hindi ko alam kung namamalikmata ba ako dahil sa bilis noon ngunit nahagip ko ang pag-angat ng gilid ng kanyang labi bago iyon nawala agad.

"Yeah..."

"Then it's cleared," I said while staring at him more closely. I'm sure I've seen it! Hindi ba?

"And one more thing..."

"Meron pa?"

"Will you still be... like this tomorrow?"

Natigilan ako at unti-unting nabuhay ang malalakas na kabog sa puso ko. It was frightening to hear in the middle of this silence between us. Para bang iyon lang dapat ang pakinggan ko... hanggang sa magawa kong maintindihan kung ano ang sinasabi nito.

I gulped and tore my attention off from it.

"Sir..." tawag ko.

His jaw clenched. Iniwas niya ang tingin niya ngunit mabilis niya ulit iyong ibinalik agad.

"Damn, forget it," he said at the same time his eyes turned sharp while staring at me. "Stop holding back, Syn."

"What d-"

"That's an order," he said before he opened the door of his room and left me alone in the hallway.

Kinagat ko ang labi ko habang nakatingin sa kisame at inaalala ang pag-uusap namin bago kami naghiwalay kanina. I unconsciously hugged my pillow tighter while putting my chin on the top of it.

Madaling araw na ngunit hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Paulit-ulit lang sa isip ko ang lahat ng nangyari kanina at mas lumilinaw iyon kapag sinasara ko ang mga mata ko.

"Hindi ko naman sinabing magagawa ko pa..." mahina kong bulong sa sarili bago ko tinaas ang kamay ko at akmang hinuli ang liwanag na nanggagaling sa dim light na nakabukas.

I lost... I admit that.

The moment I decided to stay beside him a while ago, I know I would not be able to pretend again-not when I am always too worried and scared... not when I know that I cannot stop myself from feeling what I am supposed to do...

Binaba ko ang kamay ko at unti-unti kong pinikit ang aking mga mata. Agad kong nakilala ang mabilis na tibok ng puso ko kaya mas niyakap ko ang unan na tila may magagawa ito para pigilan ito. I felt my eyes moistened up. I know this emotion and I don't want it...

I'm scared...

"You had them followed..."

"They used a spy to keep track of me, I just adopted their technique..."

Compared to the past few days, he's better now. In fact, he's being normal again.

Hindi agad ako sumagot dahil naging abala ako sa mga larawan na nasa kamay ko ngayon. Kakadating lang nito kanina dito sa opisina niya. The pictures are in three separate envelopes. Tig-iisa para sa mga nauunang mga pinaghihilaan namin noon. Ang mga Ponce, si Henry Dee, at si Lloyd Sarmiento.

"Pati si Lloyd?"

"Just to make sure."

I nodded.

Wala namang kakaiba sa mga pictures. They don't look suspicious at all... which made it more bothersome.

"They are being cautious," binitawan ko ang ibang mga pictures at binalikan ang kuha ng mga Ponce. "Sino 'to?" tukoy ko sa lalaking ilang beses ko nang napansin sa pictures.

Crystal BreezeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon