CB42

23.6K 656 203
                                    

CB42

"Tell me if it's too painful..."

"Hmm..."

Nakatutok lang ang mga mata ko sa kanya habang siya naman ay abala sa kanyang ginagawa. Magaan ang dampi ng kanyang daliri sa sugat ko. He's being too careful in order to make it less painful for me.

He put a dressing in both of my knees after. Parehas kasi itong may sugat. Sinunod niya ang isa kong siko pagkatapos.

"Tsk..."

There was a spark of annoyance in his face after he held my chin and stared at my face. Hinaplos niya ang mga pisngi ko na wari ay sinisiguradong hindi na iyon basa ng mga luha ko. Naramdaman ko ang pagdampi muli ng daliri niya sa gilid ng aking labi. I grimaced when I felt that.

"Sorry..." mahina niyang sabi at bahagyang hinipan iyon. His face is too close to me. It's hard to stare at him in this kind of distance but didn't tear my eyes away.

Huminga ako ng malalim at kinuha rin ang nakababang ointment sa tabi naming dalawa. I put some on my forefinger and I held his chin, too.

"Hey..." saway niya at binitawan ang baba ko. "Stop interrupting."

"Meron ka din sa mukha..."

"I know. Mamaya na."

I smiled at him while patting my forefinger on the wound near his eyebrow gently.

"Stop being so nice, Rion. It's so weird," mabagal at mahina kong sabi.

He sneered at me. Pinagdikit ko ang mga labi ko noong nahuli ko ang pagsimangot niya.

"What's weird about that?"

"Lahat weird."

"Tss... then what do you prefer me to do?"

Tumigil ako sa ginagawa at diniretso ang tingin ko sa kanyang mata. I hummed like I was thinking before I smiled.

My heart... felt happy. It even felt foreign in my chest. Something that I never thought I deserve to feel again.

"Not to ask something like that?"

He smirked. Ngumiti ako ngunit nauwi rin sa tawa. I continued putting some ointment on the small cut in his right cheek, this time.

"You sounded like a good dog wagging its tail," asar ko sa kanya habang tumatawa.

Sinamaan niya agad ako ng tingin dahil doon. Mas tumawa ako noong nakita ko iyon. Of course he'd hate it. He's too bossy.

"Damn dog."

"Joke lang..." I pressed his cheek teasingly. Ngumisi ako sa kanya at nagpatuloy na lang.

"Done?" he asked with a low tone of voice after I stopped. Tumango ako sa kanya.

Noong nakita niya ang sagot ko ay kinuha niya muli saakin ang ointment at pinagpatuloy na ang ginagawa niya sa mukha ko. Tahimik ko na lang ulit siyang pinanood.

I smiled.

Hindi ko alam kung bakit sa gitna ng katahimikan at habang tanging ang mukha niya lang ang nakikita ng mga mata ko. May isang imahe na nagpakita sa aking isipan.

Unti-unting nawala ang ngiti ko. I suddenly remembered Hunter. He's one of the biggest things that's holding me back since then.

He's been so consistent, sincere, and patient with me. He was always there whenever I need someone. He never left my side. Kahit pa siguro sabihing hindi ko kailangang makonsensya dahil ilang beses ko na ring sinabi sa kanya na wala pa akong kayang ibalik sa kanya, alam ko sa sarili kong hindi pwedeng hindi ko iyon maramdaman.

Crystal BreezeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon