CB17

23.3K 779 348
                                    

CB17

"Ma'am?"

Natigil ako sa paglalakad noong marinig ko iyon. Agad akong sumulyap sa kung saan nagmula ang boses. Natagpuan ko si Gil na nakaupo sa receiving area at gulat na nakatingin saakin. My eyebrows twitched up.

Naglalaro pa rin sa kamay ko ang key fob na hawak ko kaya agad ko iyong tinigil at inilagay sa likod ko. Pinahiram kasi ito saakin ni Sir Rion dahil saglit akong lumabas para ihatid si Kuya sa trabaho niya. Hapon na ulit ako babalik para sunduin ito. Alam ko namang magiging maayos siya doon. He's a big guy already...

"Hi, Gil..." I smiled at him. Instead of directly going upstairs, I changed my direction and walked towards him.

Kumurap siya at saglit na iniling ang kanyang ulo.

"Good morning, Ma'am," bati niya at tinignan ang ayos ko.

I became a little conscious and checked myself, too. I am too casual. Short at t-shirt lang ang suot ko. Hindi naman niya siguro ako pagsususpetyahan kahit nakaganito lang ako hindi ba? Mukha pa din naman akong normal...

"It's good to see you! Did Rion summon you?" I asked and stopped in front of him. Umupo ako sa couch na nasa harap niya.

"No, Ma'am. I came to deliver some documents he needs... hindi daw po kasi siya papasok ngayong linggo..."

I chuckled awkwardly and scratch my head. "Sorry about that..."

Bahagya siyang nagulat dahil sa narinig saakin. "Po? Bakit po kayo nagso-sorry?"

Umiling ako at ngumiti.

"Wala naman. It gave you more jobs to do, coming back and forth here and the company."

"Parte na po iyon..." ngumiti din siya saakin. "Pero nagulat din po ako kasi abala talaga sa kompanya ngayon. I never though he'll choose to work at home by this time. Huli kong alala ay yung pumasok siyang hindi kayo kasama tapos kinabukan ay hindi na rin siya puma-"

"You're back..."

Nakahinga ako ng maluwag noong marinig ko ang boses ni Sir Rion bago pa matapos si Gil sa sinasabi. Thank God I don't have to create excuses!

Gil's eyes widen and he stood up immediately. Kalmado naman akong tumayo rin.

"Yeah... sinamahan ko lang si Gil dito kasi mag-isa siya kanina," I said and started walking out towards the main door. "I'll leave you two now..."

"Where are you going again?"

"Sa labas lang..." paalam ko.

"Syn..." he sternly called like we're the only ones existing at the moment. Nakalimutan niya na ba ang secretary niya?

"Saglit lang," I added. It's not like I would want to stay away from you for a long time.

Hindi na siya nagsalita kaya nagpatuloy na rin ako sa paglabas. I know that they're just going to talk about business. I don't have to be there with them. At least, I'm a bit relax that we're at home.

"Hindi ka pa dapat bumalik..."

Hindi na ako nagulat noong may nagsalita sa likod ko. I know that he's here. Balak ko talaga siyang puntahan dito kanina pagkatapos kong ibalik ang key fob kay Sir Rion. Nagbago lang dahil nakita ko si Gil.

"I'm not going to spend my time just lying on the bed, Hunter. Maayos naman ako," sagot ko at sumulyap sa direksyon niya. Tumigil siya sa tabi ko ngunit ang mata niya ay nanatili sa harap.

"Maayos ka pero hindi ibig sabihin hindi mo kailangan ng pahinga. You're not just shot, you're injured, too."

Hindi agad ako nakasagot sa kanya. Totoo naman 'yon pero kaya ko rin namang tiisin ang sakit. Iniiwasan ko din gumawa ng malalaking galaw. I'll be fine as long as I won't push myself too hard.

Crystal BreezeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon