CB13

22.3K 797 114
                                    

CB13

"How many are they?"

"More or less 10 in estimation."

"Tayo?"

"Walo, kasama ka, Syn. Isa ang tumba kanina sa black out. Amos and Peter are still not back so we're down to 5."

I dodge the coming punch in my direction. Kasabay ng pagbaba ko ay ang pagbato ko sa kutsilyong hawak ko papunta sa direksyon ng isang lalaking naka- puntirya ang baril sa direksyon ni Sir Rion. My knife managed to hit his hands and the gun slipped off his hand.

"Bilis!" I screamed at Sir Rion when a way opened for him. Ang ilan mga guards niya ay abala na rin sa pagtulong saakin na bigyan siya ng daan papunta kay Noah na ngayon ay nakikipaglaban din malapit sa kotse ni Sir Rion. I know the man can finish it immediately.

Mabilis akong tumayo upang salagin ang braso ng kaharap ko. 

"Para kanino kayo nagta-trabaho?" 

Hindi siya sumagot. Dumagdag ang inis ko dahil nakatakip ang mga mukha nila. I don't even know what his reaction is! 

Our exchanges of attacks begin again. I guess, they don't really plan on answering anything. Ganon din ang mga nadaanan ko bago siya. I leaned on my back when he tried to kick me. I took his failed try as my chance. Ako ang sumipa sa kanya noong ilang segundo siyang muling bumwelo mula sa pagkakamali.

"I'm asking you!"

He groaned and stepped back. Hindi ako nagsayang ng oras at muling umatake. Ilang beses akong natamaan at napaatras. It's making me feel frustrated that fighting with this one takes too long. I cannot get into his vital points because he's fast to dodge me!

Napasinghap ako noong may maramdaman akong tumama sa likod ko habang abala ako sa aking kasalukuyang kaharap. My eyes widen when I recognize who's back is it.

"I told you to go!" I screamed frustratedly at Sir Rion. Tumama ang kanyang likod sa likod ko dahil sa pagsalag sa lalaking umatake saakin sa likod. Gamit niya iyong tubong nakuha niya kanina para pigilan ito.

"I don't want to," matigas ang ulo niyang sagot at iwinasiwas ang tubong hawak.

Napaigik ako noong maramdaman ang pagtama sipa sa aking tyan. Napaupo ako sa lapag dahil doon. I heard Sir Rion's curse and he immediately looked back at me.

Gustong-gusto ko siyang sigawan ng "tanga" pero hindi ko ginawa. Instead, I grabbed the remaining knife I have on my thigh holster and aim it towards the direction of the one he was facing a while ago.

Shit! Is he fucking serious that he'll leave his fight just like that?! Bakit ba kasi nandito pa siya?!

Bumaon sa binti nito ang aking kutsilyo kaya bumagsak rin ito. Noon ko lang naramdaman ang sakit ng pagkakasipa saakin.

"What are you doing!" galit kong usal.

"Are you okay?"

Hindi ko siya sinagot. I ignored the pain that I was feeling and stood up immediately. Hinigip ko ang kamay niya at agad siyang hinila sa likod ko bago ko hinarap muli ang kaninang lalaki. I grabbed the metal Sir Rion is holding and used it to attack the guy. Noong tumumba ito ay agad ko ring ibinalik ang tubo kay Sir Rion.

"Syn!" I heard Noah's shout.

Hinawakan ko ang kamay ni Sir Rion at patakbong hinila siya. Tumba na ang ilang lalaki at ang iba naman ay kaharap na ng ilan sa team. Naghahalo ang inis at pag-aalala sa utak ko ngunit hindi ko hinayaang pangunahan ako ng mga iyon.

I stopped when someone stepped in front of us. I gritted my teeth. Damn! Hindi ko alam kung bakit tila kay layo ni Noah saamin!

"Mauna ka na," saad ko at binitawan ang kamay ni Sir Rion. I looked back at him and nodded.

Crystal BreezeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon