CB2

31.1K 949 88
                                    

CB2

"Ineng, ikaw ba si Syn?"

Natigil ako sa pag-ikot ng mga mata ko sa panibagong mansyon na kinatatapakan ko ngayon. When Mr. Abraham said that his son has a place of his own, I didn't expect that he's referring to another mansion! Hindi pa ako makapaniwala hanggang ngayon!

Mas maliit itong mansyon kaysa doon sa kung saan kami galing ngunit kung ikukumpara sa iba, higit na malaki pa rin!

"Opo..."

"Halika, ituturo ko sa'yo ang kwarto mo rito!" nakangiti niyang aya saakin.

Napakurap ako.

"Kwarto rito? We have a quarter for bodyguards." Sir Rion stopped and look back.

Ang lahat ng kasambahay na nandito ay kusa ding tumigil mula sa pag-alis at pagbalik sa kanilang dapat gawin. Sir Rion's voice felt like their automatic stop button. Sumalubong kasi silang lahat kanina noong dumating kami. Ni hindi nga ako makapaniwala dahil akala ko ay sa pelikula lang possible iyong nakalinyang mga kasambay na sabay-sabay na bumabati!

"Utos ni Sir Abraham, Sir..." sagot ng babaeng kumakausap saakin. She's a middle-aged woman. Hula ko ay nasa 50 o malapit doon ang kanyang edad. Mukha siya rin ang mayordoma dito.

"I'm your boss."

I internally scoffed. Syempre, hindi ko iyon maaring ipakita.

"Oo nga po, Sir. Pero mapapagalitan po kayo ni Sir Abraham." umubo ito at tumitig kay Sir Rion. My forehead creased while staring at her. "Tell him he'll either accept my terms or I'll drag him back home." saad nito gamit ang malaking boses na pilit ginagawang panlalaki. Wala sa sariling umangat ang gilid ng labi ko habang pinapanood siya.

"Yon po ang sabi ni Sir." patuloy niya gamit ang normal niyang boses bago ito tumango.

Sir Rion hissed and look at me. I kept my face straight as I looked back at him. Isang masamang tingin ang iniwan nito saakin bago siya umikot at nagsimula na ulit maglakad. The frozen house helps did the same, too.

Pinanood ko itong maglakad papunta sa elevator. Yes, this freaking house has an elevator!

"Tara na, Syn." aya saakin ng babae.

Tumango ako. Dahil naglalakad na siya ay agad akong sumunod sa hakbang niya. Umakyat kami sa second floor gamit ang hagdan. Noong nasa hallway ay naabutan ko pa pagsasara ng isang pinto. Hindi ko na kailangang hulaan kung sino iyon.

"Ako nga pala si Roselia. Yaya ako ni Sir Rion simula bata kaya noong humiwalay siya sa mga magulang, nalipat din ako dito bilang mayordoma. Tawagin mo na lang akong Ate Rose."

Maliit akong ngumiti sa kanya at tumango. "Sige po."

Tumigil kami sa isang pintong katabi lang noong kwartong naabutan naming sumara kanina. Binuksan iyon ni Ate Rose at inilahad saakin. Wait... dito ako titigil?

"Eto ang kwarto mo. Katabi lang ito noong kay Sir Rion. Sabi ni Sir Abraham, iyong malapit daw ang ibigay sa'yo para makapunta ka agad sa kanya kapag kailangan."

My confusion vanished immediately. Ah...

Inikot ko ang tingin ko sa paligid. Sobrang laki ng kwarto at hindi ko akalain na para lang saakin ito at ako lang mismo ang titigil dito. Hindi ko pa kasi nararanasan kahit kailan na mag-isa sa kwarto. Simula bata kasi ako ay magkakasama na kaming magkakapatid sa iisang kwarto. Kapag naman may duty, madaming mga kama sa quarters ng bodyguards.

"Eto ang banyo mo..." she led me to another door inside the room. "Tapos ito ang walk-in closet..." aniya noong makarating kami sa isa pang parte na walang pinto ngunit halatang hiwalay sa banyo. There, I saw a series of built-in cabinets on the left and right walls.

Crystal BreezeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon