CT Scan

0 0 0
                                    

Kirana's POV

"Iha, ayos ka lang ba diyan? Hindi pa rin ba nagigising si Zach?"

Nandito ako sa kwarto ngayon at malapit nang maghatinggabi kaso di pa rin siya nagigising.

"Hindi pa po nanny eh, nag-aala na po ako, baka dapat dinala na natin siya sa hospital, o di kaya tawagan ko na lang si doc Kelvin?"

"Hintayin na lang kaya natin kinabukasan? Kasi baka sobrang nagpapahinga lang siya. Kung hindi pa rin siya magising bukas tatawagan na natin si doc Kelvin"

Kahit kinakabahan ako ay tumango na lang ako.

"Sige na po nanny, ako na pong bahala dito, magpahinga na po kayo"

"Ayos ka lang ba talaga?"

"Opo nanny"

Hinatid ko lang siya sa labas ng kwarto at isinara ko na rin yung kwarto ko.

Naka upo lang ako sa tabi ni Zach at hinahawakan yung kamay niya habang tinititigan lang siya.

Inaalala ko lahat ng mga nangyari sa amin simula nong unang dumating siya sa buhay ko. Nangako pa ako sa sarili ko at sabi ko na diko siya mamahalin ever in my entire life (Chapter 9: Arrival, in case di niyo maalala 😅)

Pero heto ako ngayon, iniibig na nga kita. Pero di ko man lang masabi sayo. Natatakot na ako baka matulad lang din kay Christan na minahal ko siya ng sobra kaso masasaktan lang pala ako ng sobra.

Tumulo na lang yung mga luha ko dahil sa mga naiisip ko at ang mga nangyayari sa buhay ko. Bakit ba masakit ang magmahal?

"Zach, gumising ka na please"

Sambit ko na lang. Bakit ba kasi sumakit yang ulo mo? Baka naman may naaalala ka na kaya sumasakit? Lord, kahit konting panahon pa na makasama ko si Zach please.

Hinahawakan ko lang ng mahigpit yung kamay niya habang nagdadasal.

"Lord, sana maging maayos na ang lahat"

3rd Person's POV

Alas dos na ng umaga ngunit balisa at hindi pa rin makatulog ang isang ginang nang dahil sa kaniyang di kaaya ayang nadiskubre.

Sigurado siya na magkatugma ang nasa isip niya at sa nangyayari sa paligid niya ngunit marami pa ring katanungan ang bumabagabag sa kaniyang isipan.

"Pano nangyari yun" sambit niya sa kaniyang sarili.

Kinuha niya ang kaniyang telepono at tumawag siya.

"Hello? Pasensya ka na ha. Alam kong anong oras na pero pwede mo bang ihanda yung mga files na isesend ko sayo?.... Importante lang talaga....... Oo kukunin ko kung pwede bukas........ Okay sige, maraming salamat"

At binaba na niya ang tawag.

"Hindi pwedeng maulit na naman ito!!"

Kirana's POV

Nagising na lang ako sa ingay ng alarm clock ko. 4:30 na pala ng umaga. Nakatulog ako habang naka upo at hawak-hawak ang kamay ni Zach. Sobrang alala ko na ngayon. Tatawagan ko na ba si doc Kelvin? Ba't hindi pa rin siya nagigising?

Maya-maya pa nang patayo na sana ako ay kinabahan ako ng biglang nangisay si Zach.

"Zach!! Zach!! Ayos ka lang ba? Hoy ano bang nangyayari sayo, Zach!"

Tinapik tapik ko yung mukha niya kasi para na siyang napaparalyze sa pangingisay niya. Kukunin ko na sana cellphone ko nang bigla siyang tumawa ng malakas.

Teka?! Anong nangyayari dito? Teka nalilito ako. Bw*sit!! Ano na namang kabaliwan ba to?

Hindi ko na napigilan ang inis ko kaya sinasapak ko na siya sa braso niya.

Destined To Be TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon