Flashback

1 0 0
                                    

Christan's POV

Pumasok na ako sa classroom dahil math subject na namin. Tinignan ko si Kirana at tsaka si Zach na ang sama ng tingin sa akin. May araw ka rin sa akin. Pero bakit at kailan pa siya nakilala ni Kirana eh simula nang bumalik si Kirana dito ay wala pa siya dito. Huh? Aish ano ba yan. Kahit sarili ko di ko na maintindihan. Sana nga lang wala na yang Zach na yan dito. Gusto ko na talagang maka-usap si Kirana kasi iba na yung iniisip niya sa amin ni Annie. I-eexplain ko pa pala sa kanya yung mga nakita niya simula nong bumalik siya.

Flashback

"Uy nandiyan na raw si Remi"
"Talaga? 2 weeks siyang wala, ano kayang nangyari sa kanya?"
"Siguro nagmomove on hahahaha"
"Ay kaya nga ghuurll"
"Kapal naman ng mukha, magmomove on nang walang sila"

Huh? Nandiyan na si Kirana?

'Kkrrriririiiiiiiinnnnggg!!!!'

Ayan bell na... Titingnan ko na sana kung totoo pero di bale na, kung nandiyan nga siya papasok rin naman yun dito sa classroom eh.

Nakita ko siyang pumasok sa room at tinignan niya ako... Sobrang saya ko at the same time nag-aalala. Gusto ko siyang maka-usap o di kaya makayap man lamang kasi sobra sobra ko siyang namiss. Pero sino kaya yung sinasabi ni Aleng Nena na lalaki sa bahay nila Kirana. Umupo na siya at nakita ko namang papalapit si Daniel sa kanya.

"Hey Remi!"

Bungad ni Daniel na ikinagulat niya. Hahahaha ang cute. Pero hoy Daniel! Kunin mo yang kamay mo sa balikat ni Kirana. Babaliin ko yan eh.

"Daniel?" Gulat na tanong ni Kirana

"Kamusta ka na?" Tanong naman ni Daniel

"Balita ko 2 weeks ka nang hindi pumapasok, bakit?"

"Kasi...."

"Okay class, take your seat"

Hindi na natuloy ng dalawa ang pag-uusap kasi dumating na yung teacher namin. Kawawa naman si Kirana, ang dami na niyang na miss na mga activities. Pero di bale, alam ko namang kakayanin niya to eh. Hindi niyo lang alam pero superhuman talaga yang si Kirana hahahaha....

Buti na lang at kasabay niya si Daniel na nag take no'n lahat lahat kaya hindi siya mabobored. Mabuti na rin at binibigyan siya ng notes ng mga kaklase namin. Gusto ko rin siyang matulungan kaya binigay ko rin ang notes ko sa isa kong kaklase at siya na lang ang magbibigay nito kay Kirana.

*Krrrrriiiiiiiiiinnnnngggggg*

Lunch na, niligpit ko na yung gamit ko at nakita ko naman sila Yani na lumapit kay Kirana.

"Remi!"

"Sabay ka na sa amin mag lunch"

Umoo ka naman sana.

"Sorry ladies pero sa akin siya sasabay, maybe try again next time"

Lumapit agad si Daniel at nag flying kiss pa talaga siya sa kanila... Kalog

"Ahhh ganun ba, sige Remi, next time na lang ulit"
"Sige Yani"

Kinuha na niya ang mga gamit niya at dali-daling lumabas at iniwan si Daniel...

"Kiolskiee, sabay ka sa amin ha" at kumindat pa siya. Kalog talaga.

"Remi hintay!"
At hinabol na niya si Kirana palabas.

"Kiolo? Sasabay ka ba mag lunch kela Remi?"
Di ko namalayan na nandito pala si Annie.

"Siguro? Di ko alam"
"Pwede bang wag na lang? Baka masira yang plano mo"

Destined To Be TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon