Heto pa guys, new chapter, makabawi man lang sa inyo. Enjoy. Love lots 😘
Kirana's POV
Nagising ako na sumasakit ang ulo ko...
"Remi? Ayos ka lang ba?"
"Daniel? Anong ginagawa ko dito sa infirmary?"
"No'ng umalis ka kanina, hinanap ka namin at nakita ka na lang namin sa greenhouse na wala nang malay"Naalala ko na lahat nang nangyari kanina...
"Anong oras na ba?"
"5 na, tapos na ang klase, sorry nga pala Remi, dapat hindi na kita pinilit pa, yan tuloy"
"Sige lang, kalimutan mo na yun, uuwi na ako"
"Ihahatid na kita"
"Wag na, kaya ko na"
"Sure ka ba?"
"Oo Daniel, wag ka nang mag-alala pa"
"O sige, kinuha ko na ang mga gamit mo sa classroom, heto o"
"Salamat"Paglabas ko nang infirmary ay nakita ko si Christan sa may pintuan, anong ginagawa niya dito?
"A..ahh Ran, a...a-ayos ka na ba? Ok ka na?"
Hindi ko siya sinagot at naglakad na lang
"Ran! Ihahatid na kita"
"May paa ako at alam ko kung saan ang bahay ko kaya ako na ang uuwi, umuwi ka na rin"Umalis ako pero sumusunod pa rin siya, ano bang problema nang lalaking to, baka ano pang sabihin ng mga nakakakilala sa amin, baka sabihin pa nilang nilalandi ko yung jowa ng may jowa... tsk
Hanggang malapit na kami sa bahay ay sumusunod pa rin siya, nairita ako kaya....
"Ano bang problema mo?! Pwede ba, pwedeng wag mo akong sundan?"
"Hindi naman kita sinusundan ah"
"Eh bakit nan....??"Ay boba ka ghurrlll... nakalimutan ko, tabi lang pala kami ng bahay, tsk, emeeegggeedd nakakahiya, tumawa na lang siyang bigla, sarap sapakin nito...
Umalis ako at tumakbo na papuntang bahay, hindi ko na siya nilingon kahit pa tinatawag niya ako... bahala ka diyan!
"O Remi, anong nangyajsjxhdk nsjsjjwnsbshjskwoaoshwbnsdjxhsj?"
Hindi ko masyado narinig ang sinabi ni tita Tiff, ang lakas ng kabog ng puso ko, para akong mamamatay, nakakainis ka Christan, gustong-gusto ko siyang yakapin kanina, parang sumisikip yung dibdib ko.
"Kira? Ayos ka lang ba? Ba't ka namumula?"
Natauhan ako ng magsalita si Zach
"Huh? A..ahh wa..wala naman?"
"Wala naman? Huy bata ka, may sakit ka ba?"
"Ma..masama lang yung pakiramdam ko tita, akyat lang po ako"
"Ganun ba? O sige, papapasukin ko lang si Kiolo andun sa labas"Nagulat ako sa sinabi niya, ba't naman nasa labas pa si Christan?
Tumingin ako sa bintana at nandun nga siya at tumitingin sa itaas kung saan yung kwarto ko
"Ahh..ah next time na lang tita, masakit kasi yung ulo ko"
"So? Diba dati kapag masakit ang ulo mo ay si Kiolo ang gumagamot sa yo? Kaya nga papapasukin ko na siya para makapagpahinga ka na"Bubuksan na sana ni tita ang pinto pero pinigilan ko siya
"Tita huwag! Ahh... ahh.. kasi nandiyan si Zach"
Aiiisshh!!! Wala na akong maisip na iba pang paraan
"Remi, wag mong sabihin na hindi pa ito alam ni Kiolo? Nag-away ba kayo?"
"Huh? Hindi kaya! A.. ang ibig kong sabihin, hindi naman, ano bang pag-aawayan namin, basta tita, next time mo na lang siyang papuntahin dito please"At naglambing ako sa kanya, sana gumana please
Narinig kong bumuntong hininga siya
"O sige, pero mamaya, tatawagin ko siya ok?"
BINABASA MO ANG
Destined To Be Together
RomansaLife is complicated, Love is so complex... Who will you choose, the one who's by your side for all of your life or the one who just accidentally came into your life? Paano ka mamimili? Life is not about fairytales, it's about creating your own desti...