Christan's POV
Tatlong araw na ang nakalipas simula no'ng nangyari ang incidenteng yun sa amin ni Kirana...
Gusto kong bawiin lahat ng sinabi ko kinabukasan pero hindi pwede... Kailangan kong gawin ito kahit masakit...
Dahil ayokong masira ang plano ay hindi ko siya pinapansin... Sa bawat tingin ko sa mga mata niya , nakikita ko kung gaano siya nasasaktan... 18 years na kaming magkasama pero ayokong masira ang plano ko.... Alam kong lame ang reason ko kung bakit ko ginagawa to pero para naman to sa kanya eh...
Ang tagal tagal na namin nag sama.... Halos sabay kami sa lahat, sabay kumain, sabay matulog tapos masisira lang pala yun... Alam kong gusto niya akong kumprontahin at kausapin kung bakit ko ginagawa ito.... pero sana di na niya gawin.... ang sakit sakit makita na nasasaktan siya tapos ako nagpapanggap na masaya kay Annie...
Kahapon nga, nakasalubong ko siya pero di ko man lang siya tinignan, sabihin niyo ng baliw ako... Sobrang baliw... Hindi na ako pumasok sa klase... Nag stay ako dito sa classroom ng kaibigan ko since wala naman silang pasok...
*Kriiiiiiiinnnnnnnnggggggg*
Break na pala... Nag decide ako na maghintay hanggang sa lumabas si Kirana... Susundan ko siya...
Nakita ko siyang kumakain sa canteen, mag-isa... Kaya nga gusto ko na magkaroon siya ng kaibigan para pag sakaling may gagawin ako ay pwede siyang kumain ng may kasama...
Nanggigigil ako sa mga chismosang empaktang mga estudyanteng ito... Kala mo naman mapapasakanila ako.
Hindi sa pagmamayabang pero may ibubuga talaga ako..."Uy alam niyo ba?"
"Ano?"
"Wala na raw sila Remi at Kiolo, diba ang gandang balita non?"
"Talaga?"
"Eh bakit naman sila mag bebreak eh wala namang sila!"
"Oo nga naman"
"Assuming lang talaga yang babae na yan"
"Balita ko ang ganda ganda raw ng girlfriend ni Kiolo"
"Diba si Annie yun? Yung model?"
"Model ba yun? Grabe ang ganda niya talaga"Hay naku!!! Sarap sarap upakan...
"Remi? Gusto mo bang sabay nang kumain sa amin?
Sumang ayon ka please...
"Ah, eh hindi na Yani, okay lang ako, salamat"
"Ah, o sige"Namang babae to eh... Ang tigas ng ulo... Marami namang gustong makipag kaibigan sa kanya pero bakit ayaw niya!! Nakakabaliw to
Saan na naman kaya to siya pupunta dala dala yung pagkain niya?
Papunta pala siyang garde....
Ba't siya lumiko sa greenhouse eh mas presko don sa garden?
Sinundan ko lang siya at nagtago ako sa malaking puno... dumaan ako sa exit para di niya ako makita...
Habang tinitignan ko siya ay di ko mabasa ang mukha niya... para siyang galit na naiiyak... Sorry talaga Kirana
Nakita kong nagpalinga-linga siya... Nararamdaman niya ba ako?
Tumingin siya sa likod kung saan ako nag tatago pero nagtago ako ng mabilis sa puno na pinagtataguan ko... Sorry ang wierd ko
"Ch... Christan?"
Dinig kong tawag niya... Alam ba niya na nandito ako? Ang bilis ng tibok ng puso ko... Para akong mababaliw... Nagtago ako dun ng dalawang minuto ng nagdecide ako na sumilip ulit pero wala na pala siya...
Gago... Kinabahan ako dun ah!
Maka alis na nga lang
*Krrriiiìiiiinnnnngggggg*
Uwian na pala...
"Kiolo, pwede ba kitang maka usap?"
"Bakit Annie? May problema ba?"Hindi siya umimik at naglakad na lang kaya sinundan ko siya... Pumasok siya sa isang room kaya pumasok na rin ako at isinara ko ito...
"Bakit gusto mo akong kausapin?"
"Nakokonsensiya ako sa mga ginagawa natin... Naaawa ako sa inyong dalawa ni Remi, feeling ko ako ang dahilan kung ba't nasasaktan kayong dalawa... Ayoko non Kiolo.... Ayokong may sinasaktan"Heto na naman tayo...
"Annie naman o, gusto ko nga siyang maging independent... Gusto ko siyang magkaroon ng kaibigan beside sa akin"
"Bakit? Tingin mo pag may kaibigan na siya hindi mahahati ang oras niya sayo? Tingin mo ba na magsasama pa kayo palagi kapag may mga kaibigan na siya? Makakapagsarili kayong dalawa kung may kahati sa oras ni Remi? Paano kung baka sakaling maging kayo? Di kawawa yung mga kaibigan niya kasi ang oras niya na sa iyo lamang... Eh pano kung nagkaroon nga siya ng maraming kaibigan, pagkatapos ay makikipagkaibigan ka uli sa kanya, tingin mo ba hindi niya iiwanan ang mga naging kaibigan na niya? Kiolo naman! Mag isip ka nga!"
"Alam ko ang maaaring mangyari.... Nababaliw na ako Annie... di ko alam kung ano ang gagawin"
"Ba't di mo kausapin?"
"Ayoko"
"Hindi lang siya ang sinasaktan mo, pati ang sarili mo"
"Tsk!"
"Advice lang naman itong sakin, ikaw rin magsisisi sa huli"
Umalis na siya na galit na galit.... Sorry Annie... Pero kailangan ko tong gawin...
Naglakad na lang ako pauwi.... Gusto kong magpahangin... Nag stop by ako sa bahay ni Kirana at tinitigan lang ito ng matagal...
Kumusta na kaya siya?
Kumakain ba siya ng maayos?
Nakakatulog ba siya ng mahimbing?
Masaya ba siya?
Naaalala niya pa rin ba ako?Siyempre naman gago ka talaga Christan!
Umalis na ako sa bahay nila Kirana... halos magkatabi lang kami ng bahay pala... Pero feeling ko ang layo na...
Pero ang wierd nung lalaking nakita ko kanina sa di kalayuan... Parang lasing maglakad... Tsk! Maglalasing na lang kaya ako? Hehehehe joke lang...
Ng makarating ako sa bahay, si mama ang unang sumalubong sa akin...
"May naiwan ka ba? Anong kukunin mo?"
"Huh? Wala naman po akong naiwan? Bakit po?"
"Ba't ka nandito?"
"Eh dito ako nakatira"
"Aray!"Nakatikim lang naman ako ng isang batok galing kay mama... child abuse ka ma!
"Eh hindi ka naman ganitong oras umuuwi ah... Bakit parang tatlong araw ka nang palaging maagang umuuwi?"
"Hindi mo ba ako namimiss ma? Maaga na akong umuuwi eh"
"Eh si Remi? Siya lang mag isa roon baka anong mangyari sa kanya?"
"Nandoon dba yung yaya niya?"
"Anak? May sakit ka ba? Ba't di mo alam ang mga nangyayari? Umuwi muna ang yaya ni Remi.... Sa susunod pa ang balik non at pinapatingnan si Remi sa atin, kaya pumunta ka na doon"Tinulak tulak ako ni mama palabas ng pintuan at successful naman siya... Okay na ma para mo naman akong pinapalayas nito... Isinara mo pa talaga ang pintuan ha
Wala akong magawa, kaya pumunta na lang ako sa bahay nila Kirana... nandito lang ako sa di kalayuan tinitignan ang bahay nila...
Naka-on lang ang ilaw sa kwarto niya... ano kaya ang ginagawa niya? Nag-aaral? Nagmumukmok? Umiiyak?
Gusto ko siyang makita, maka-usap, makatawanan, sabay kaming mag-aaral...
Hays, see? Ang gago ko, ginagawa ko ito tapos magsisisi ako... kung kumatok kaya ako sa bahay nila?
Mga kalahating oras na ng napag isipan kong umalis pero parang may mali akong nararamdaman, parang may kakaiba, bago ako bumalik sa bahay ay may nakita akong isang pamilyar na mukha... nagiging baliw na siguro ako... kahit ano na lang nakikita... hays! Maka uwi na nga lang
-Jomicelargurll
A/N:
Please enjoy reading guys. Stay safe at home. Love you 😘
BINABASA MO ANG
Destined To Be Together
RomanceLife is complicated, Love is so complex... Who will you choose, the one who's by your side for all of your life or the one who just accidentally came into your life? Paano ka mamimili? Life is not about fairytales, it's about creating your own desti...