Kirana's POV
Ang ingay naman!!! Tong alarm clock ko eh. Tinignan ko yung oras at 4:30 na pala ng umaga.
Tumingin ako sa paligid at nakita kong hindi ko pala to kwarto. Napabalikwas agad ako ng bangon. Naalala ko kung anong nangyari kagabi. Bigla na lang akong kinilig. Hahahaha anoo baaaaa!!!!! Anong ibig sabihin non? Ibig ba non sabihin na gusto rin ako ni Zach? Kirana wag assuming.
Pagtingin ko sa gilid ko ay wala na si Zach kaya mas napabangon pa ako. Ayos na ba yung sugat niya? Lumabas ako at hinanap siya pati sa kwarto ko pero wala siya kaya bumaba ako baka sakaling nandon siya pero di ko siya makita sa sala. Nagulat na lang ako ng may nag-ingay sa kusina kaya pumunta ako don agad agad.
Nakita ko si Zach na nagluluto. Ano ba tong ginagawa nang lalaking to. Parang wala lang nangyari sa kanya ah. Lumingon siya sa likuran niya kung saan ako nakatayo at ngumiti nang pagkalawak lawak. Hindi ba niya alam na nag-aalala ako?
"Good morning Kira. Teka, anong nangyari sayo? Ba't ka nakasimangot? May nangyari ba sayo?"
Lumapit siya sakin at hinawakan yung magkabilang balikat ko.
"Sabi ko magpahinga ka diba? Patingin nga nang sugat mo"
Pagkatapos ay hinawakan ko yung magkabilang pisngi niya at pinaduko siya para makita yung ulo niya pero pinalitan niya na pala ito ng gauge.
Ngayon ko lang na realize na hinahawakan ko pala yung mukha niya at ang lawak lawak ng smile niya. Binitawan ko na yung pagkakahawak sa mukha niya.
"Aheemmm.. O..ok naman pala"
"Ikaw ha, gusto mo lang talaga hawakan yung mukha ko. Sabihin mo lang papayag naman ako eh"
Feel ko namula ako kaya sumagot ako agad para di medyo halata.
"Ha! Wa..wag ka ngang assuming diyan. Tinitignan ko nga lang eh."
Pagkatapos ay unti-unti na naman siyang lumapit sa akin at napapa atras naman ako.
"Talaga ba?"
Abante lang siya ng abante hanggang sa na pasandal na ako sa ref.
"Tumigil ka nga."
Nilalapit na niya yung mukha niya at ang bilis bilis na naman ng kabog ng puso ko.
"Yu..yung niluluto mo, baka masunog na"
Pag-iiba ko nang topic. Lumayo naman siya pero bago bumalik ay may pahabol pa siya.
"You're so cute. Kalma ka lang, binibiro lang kita. Hindi ko na ulit gagawin yun baka magalit ka na talaga sa akin."
Tumalikod na siya sa akin. Ngayon ko lang napansin na nakahubad pala siya ng pang itaas at apron lang yung suot niya kaya kitang-kita ko yung sugat sa likod niya, medyo namumula pa rin.
Kumuha ako ng baso at uminom ng tubig.
"Hindi na ba masakit yung sugat mo? Hindi ka na ba nahihilo?"
"Hindi naman. Wag ka nang mag-alala, ayos lang talaga ako."
"Baka gusto mong umabsent muna tayo?"
"Ayan ka na naman eh. Gusto mo talagang kasama ako noh?"
Tsk! Bwesit na lalaking to. Tinatanong ng maayos eh.
"Bahala ka nga diyan! Maliligo na nga lang ako."
Umakyat na ako sa itaas sa kwarto ko dahil maliligo na nga ako. Abnormal! Nag-aalala na nga yung tao binibiro pa niya.
Naligo na lang ako hanggang sa mag 5 na nang napagdesisiyunan kong umalis na sa cr at magbihis na ng uniform. Pagkatapos kong i prepare lahat ay bumaba na ako. Nakita ko naman si Zach na nakabihis na rin siya ng uniporme niya. Ayos lang ba talaga to?
BINABASA MO ANG
Destined To Be Together
RomanceLife is complicated, Love is so complex... Who will you choose, the one who's by your side for all of your life or the one who just accidentally came into your life? Paano ka mamimili? Life is not about fairytales, it's about creating your own desti...