Kirana's POV
"Sean???"...
Sinong Sean ang tinutukoy ni Nanny? Magkakilala ba sila ni Zach?
"Iha? Anong ginagawa ni Sean dito? Naaalala mo na ba siya?"
Huh? Ang wierd
"Ano pong ibig niyong sabihin nanny? Magkakilala po ba kayo ni Zach? At ano pong ibig sabihin niyo na naaalala ko na siya? May dapat ba akong malaman na tinatago niyo sa akin?"
Nakita kong biglang nataranta si Nanny, ano bang nangyayari? Tinignan ko si Zach at nagkibit balikat lang siya.
"Ahhh hindi iha, akala ko siya si Sean, kamukha niya kasi yung dati kong alaga at tsaka pumunta rin siya dito once akala ko naaalala mo siya."
Hindi ako nakontento sa explaination ni nanny pero sumabay na lang ako. Alam kong may tinatago kayo sakin at malalaman ko rin yun.
"Ahh ganun po ba nanny? Akala ko kung ano." At tsaka ngumiti ako sa kanya.
Nilapitan ko naman si Zach para ipakilala kay nanny.
"Nanny, si Zach nga pala, kaibigan ko at tsaka pinapaaral namin siya ni tita Tiffany."
"Ah...ahh oo nga... nabanggit sa akin ng tita mo. Kumusta Zach"
Lumapit naman si Zach at nakipag shakehands kay nanny.
"Hello po.. ma..manang Belen" tapos ngumiti siya. Nakita ko naman ang kamay niya na nanginginig. Kinakabahan siguro.
"Wag kang mag-alala, mabait yan si nanny" bulong ko sa kanya at tsaka ngumiti naman siya.
"Nanny na lang rin Sea...ay este Zach pala. Wag na manang"
Natulala naman ako. Seryoso ba siya? Hindi siya magagalit? Akala ko magagalit siya kagaya nong kay Daniel dati. Pero himala ata ngayon na pinatawag niya si Zach na nanny.
"Si..sige po nanny"
Biglang natahimik kaming lahat kaya inaya ko si nanny na kumain na lang para makapagpahinga na dahil alam kong pagod siya galing sa byahe. Pero saan ko ba ipapatulog si nanny. Ayaw niya pa naman na may kasama siya sa kwarto. Nang wala akong maisip ay kinonsulta ko na lang si nanny habang nililigpit ko ang pinagkainan niya kahit nag-iinsist siya na siya na nga ang maglilinis.
"Nanny, pano po yan? Nandon po si Zach sa tinutuluyan niyo na kwarto. Gusto niyo po bang tumabi na po kayo sa kwarto ko?"
"Ahh ganun ba iha? Pero alam mo naman na hindi ako komportable kung may kasama. Okay lang ba na kayo na lang muna ni Z..Zach ba yun? Oo si Zach ang magkatabi?"
"Nanny, seryoso po ba kayo? Ipapatabi niyo sa akin si Zach?"
"Wag kang mag-alala. Alam kong wala siyang gagawin sayo na masama."
Nalito ako sa pinagsasabi ni nanny na as if kilalang kilala niya na talaga si Zach. Ano ba talaga ang tinatago niyo sa akin? Wala akong magawa dahil sinecure ako ni nanny na walang masamang gagawin si Zach at isa pa nagkatabi naman rin kami ng tulog at may tiwala ako sa kanya. Kaya inutusan ko na si Zach na ilipat yung gamit niya sa kwarto ko at tsaka aayusin namin yun mamaya pagkatapos namin ni nanny dito.
"Nga pala iha, saan naba si Kiolo? Ba't hindi mo siya kasama ngayon?"
Nag sigh naman ako. Pero naiintindihan ko naman si nanny kasi hindi niya alam.
"Nanny long story po pero masanay ka na kasi hindi na talaga kami magsasama. Sinira na niya yung tiwala ko sa kanya. Sinayang lang niya yung friendship namin at ang hirap kalimutan yung ginawa niya nanny, ang sakit sakit."
BINABASA MO ANG
Destined To Be Together
RomanceLife is complicated, Love is so complex... Who will you choose, the one who's by your side for all of your life or the one who just accidentally came into your life? Paano ka mamimili? Life is not about fairytales, it's about creating your own desti...