The Bonus Question

2 0 0
                                    

Kirana's POV

"Zach! Tapos ka na ba? anong oras na!"
"Oo heto na!"
"Bagal mo, dala mo ba yung mga materials na pinapadala ni Ms. Buenaventura?"
"Oo na prepare ko na kagabi"
"Nagawa mo na ba yung mga assignments?"
"Yes ma'am, tapos na po"

Nag salute pa siya at nagboses na parang soldier. Baliw!

"O tara na, kunin mo na yung baon natin sa mesa"

Dali-dali naman niyang kinuha ang mga baon namin sa mesa at bumalik rin kaagad.

Pagka-lock ko nang bahay ay nakita ko ang sasakyan ni tita Tiff. Hindi pala siya umuwi kagabi, hindi ko rin macontact, hindi ko alam saan siya galing. Naghintay ako na ma-ipark niya yung sasakyan niya tsaka kami lumapit.

"O, aalis na ba kayo?"
"Opo tita, saan nga po ba kayo galing kagabi? Hindi ka umuwi ng bahay"
"Ahh, nagbonding kami ng mga kaibigan ko, teka, anong nangyari sa mukha mo Zach??"
"Ahh wa..wala po yan tita"
"Anong wala, first day na first day mo kahapon tapos nakikipag away ka na"

"Sorry po tita" sagot naman ni Zach at nag bow pa.

"Ayoko nang makita pang ganyan ang mukha mo sa susunod ha. Pasensya na rin pala medyo napasarap ang kwentuhan sa mga kaibigan ko kaya dun na rin ako nakatulog kagabi"

"Ahh ganun po ba. Buti naman at nag enjoy kayo. O sige na po tita. Aalis na po kami"

Buti naman at hindi na siya nagtanong pa ng rason. Patay ako nito.

"Sige sige take care the both of you. Love you"
"Ok tita, bye"

Tapos pumasok na kami sa sasakyan and off we go.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Good morning class, please settle down. Ok did you bring the materials I told you to bring?"

"Yes ma'am"

"Ok good. So what we're going to do this day is we will be going to have 7 groups, each will be having 4 members and there will be 2 groups who will have 5 members each"

May isa kaming kaklase na nag raise ng kamay

"Yes?"

"Ma'am are we going to pick our own groupmates?"

"Ok good question but nope. Since I want this activity to be fair and square, I will be the one who will choose the members and I have the list here. So please listen and take down notes. By the way, I will also assign who will be the group leader and the assigned leader will choose his or her assistant leader, secretary and the reporter or reporters. Understand?"

"Yes ma'am"

"So ok for group 1...."

Binasa na ng teacher namin ang mga pangalan ng mga members hanggang sa apat na groups na ang nabasa.

"Ok next, group 5. The members are Remi Kirana Vasquez, Zach Reyes, Kiolo Christan Vacalares and Annie Lauren Andres. I want Mr. Reyes to be the leader since he is the most participative in class and I want to challenge his abilities and knowledge. Next group 6...."

WHUUTT!??! NOOO... Pano, Ano?! What the heck, anong basehan, ba't kami apat pa. Ma'am pwedeng dagdagan mo kami ng isa pa.??!! Tadhana ano baaaaa!!!

"Kira? Okay ka lang?"
"Zach?!" Buti na lang na control ko ang boses ko at mahina lang yung pagsigaw ko, almost whisper. Pagkatapos ay nagdrama ako na umiiyak. "Ayoko naaa!"

"Huh? Anong nangyayari sayo? Dahil ba sa groupings?"

"Ok class, please settle down. I forgot about Daniel Pagunsan, you go with group 5"

Destined To Be TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon