The Kiss

4 0 0
                                    

Kirana's POV

Pinilit koooooo!!! Ang sakit!!! Ayoko naaaa!!!!

Nakakaiyak naman oh!

Pinilit kong matulog kagabi pero kahit 5 na ayaw pa ring pumikit, ang sakit ng mata kooooo!!!

Tsk! Makabangon na nga lang. Dahan dahan akong pumasok sa kwarto ni Zach para hindi siya magising, para hindi niya rin ako makita, ang awkward kaya.

Nang nakuha ko na ang envelope ay gumalaw siya, sobrang kaba ang naramdaman ko, akala ko magigising na siya. Tinignan ko siya habang natutulog. Ang amo-amo ng kanyang mukha, parang anghel, ang haba ng kaniyang pilik-mata, ang tangos ng kaniyang ilong, at ang pula ng kaniyang la... Aiiissshh! Aalis na nga lang ako, baka ano pang magawa kong kabaliwan dito.

Nagsimula na akong magluto ng makakain namin tatlo, inaantok  pa ako pero hindi na ako pwedeng matulog ulit kasi anong oras na.... binilisan ko na lang ang mga gawain. Nag iwan ako ng note kay tita Tiff na sila na ang bahala dito at bago paman sila magising ay umalis na ako.

Hindi ko na lang dinala ang sasakyan ko baka magising pa sila, tutal medyo malapit lang naman ang skwelahan dito samin kaya maglalakad na lang ako.

Habang naglalakad ako ay naramdaman ko na may sumusunod sa akin, nilingon ko pero si Christan lang pala. Kahapon pa to ah! Dinalian ko yung paglakad ko kasi feeling ko anytime sasabog na naman ang puso ko.

Hingal na hingal ako na dumating sa classroom, ang aga-aga pa pero pawis na pawis na ako... Si Christan kasi eh!

10 minutes na lang at magbebell na, nakita ko si Christan na pumasok at umupo sa tabi ni Annie... Edi kayo na, sana forever kayo!

Kinuha ko na lang ang mga notes ko at nag-aral, may dalawa pa kasi akong quizzes na hindi na take, gusto kong tapusin ngayong araw para wala nang problema...

"Guys, absent raw ngayon si Ms. Gonzales"

Ay, akala ko papasok siya, yung subject niya pa naman ang una kong pinag-aralan... Ibinalik ko sa bag ang mga notes ko at nakita ang folder na pang-enroll ni Zach.... So since wala pa naman kaming teacher ngayon ay i-ienroll ko muna si Zach...

Tumayo ako at naglakad palabas, nakita ko pa si Christan na tumayo pero pinigilan siya ni Annie, ang possesive naman

Naglakad na lang ako papuntang principal's office...

*took* *took*

"Pasok"
"Good morning po sir"
"Oh, Ms. Vasquez, anong problema at naparito ka? Have a sit"
"Sir, may gusto lang po sana akong ienroll, heto po yung mga files niya"
"Zach Reyes? Kakilala mo?"
"Huh? A..ah opo sir, anak po siya sa friend ng tita ko kaso wala na po siyang parents at ibinilin po siya sa tita ko"

Hindi ko alam ang isasagot kaya ayan na lang, para mas medyo kapakipaniwala??? Aish, hindi ko alam

"Ahh ganun ba, o sige, i-rereview ko lang ang mga papers niya, tatawagan na lang kita pag okay na"
"Thank you sir"
"You're welcome"

Umalis na ako sa office pero hindi muna ako bumalik sa classroom, mahaba pa ang oras ko para sa next subject.... Hindi ko na namalayan na nakarating na pala akong garden, uupo na sana ako sa swing pero nagulat na lang ako ng makita ko si Christan at Annie......

Na naghahalikan?!

Para akong na pako sa kinatatayuan ko, ang OA siguro pero parang napupunit yung puso ko, para akong binuhusan ng malamig na tubig, hindi ko maramdaman ang mga paa ko... Tumulo na lang bigla yung luha ko, gusto kong tumakbo pero ayaw gumalaw ng mga paa ko... Tinitigan ko lang sila, ang tanga tanga ko, dapat umalis na ako pero ayaw gumana ng katawan ko... nakita kong natapos na sila sa paglalampungan at gulat na gulat silang dalawa nang nakita nila ako, tumakbo si Christan palapit sa akin pero saka lang gumalaw ang mga paa ko para tumakbo at lumayo sa kanila... Lagi na lang bang ganito? Masasaktan na lang ba ako palagi?

Destined To Be TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon