Tatlong araw na ang nakalipas simula no'ng nangyari ang insidenteng yun sa amin ni Christan....
Akala ko babawiin niya ang mga sinabi niya sa akin kinabukasan pero hindi... Okay lang naman sa akin na magkaroon siya ng girlfriend eh pero bakit kailangan niya pa akong iwasan? Bakit kailangan niyang sayangin ang 18 years of friendship na binuo namin.... Ang tagal tagal na namin nag sama.... Halos sabay kami sa lahat, sabay kumain, sabay matulog tapos kakalimutan niya na lang yun lahat? Hindi ba siya nanghihinayang? Gusto ko siyang kumprontahin at kausapin kung bakit niya ginagawa sa akin ito.... pero di ko kaya.... ang sakit sakit makita na magkasama sila ng girlfriend niya na masaya.
Kahapon nga, nakasalubong ko siya pero di man lang niya ako tinignan, para akong hangin, parang di niya ako nakita, parang di niya ako kilala, nakakadurog ng puso, nakakabaliw ang sitwasyon ko ngayon.
Ano ba ang dahilan mo Christan? Ba't bigla ka nalang lumayo? Ikaw na nga lang ang karamay ko, mawawala ka pa.
*Kriiiiiiiinnnnnnnnggggggg*
"Okay class, break na... Ipasa niyo na ang mga papers niyo"
Sa tatlong araw na yun, ang hirap mag adjust... Ako na lang mag isang kumakain sa canteen at pinag chichismisan pa... Hanggang kailan ba to mawawala, sana nga panaginip na lang to. Gustong gusto ko nang gumising sa bangungot na ito
"Uy alam niyo ba?"
"Ano?"
"Wala na raw sila Remi at Kiolo, diba ang gandang balita non?"
"Talaga?"
"Eh bakit naman sila mag bebreak eh wala namang sila!"
"Oo nga naman"
"Assuming lang talaga yang babae na yan"
"Balita ko ang ganda ganda raw ng girlfriend ni Kiolo"
"Diba si Annie yun? Yung model?"
"Model ba yun? Grabe ang ganda niya talaga"Hay nako! Pwede ba! Problemahin niyo sarili niyong problema!
"Remi? Gusto mo bang sabay nang kumain sa amin sa canteen?
"Ah, eh hindi na Yani, okay lang ako, salamat"
"Ah, o sige"Marami namang gustong makipag kaibigan sa akin kagaya nila Yani pero ayoko...
Well, I guess sa greenhouse na lang ako kakain, mas presko ang hangin don kesa dito o sa canteen... Gusto ko mang kumain sa garden pero na reremind lang ako sa mga nangyayari...
Bakit ganun? Ang unfair naman yata! Sinasabi ko sa kaniya kahit mga konting detalye pero kahit ang pag amin sa akin na may girlfriend na siya di man lang niya magawa... nakakabwesit!!
Habang kumakain ako, hindi ako nagiging komportable kasi parang may tumitingin sa akin sa malayo... Eeemmmeeeggeeeddd nagkaka goosebumps ako...
Tumingin ako sa likod pero wala naman, ano yun? Katakot naman...
"Chr... Christan???"
Si Christan ba yun?
Aish!!! Remi naman eh! Ba't naman pupunta yun dito? Wala na ngang pake sayo diba? Pero parang nakita ko talaga siya eh...
Maka alis na nga lang
*Krrriiiìiiiinnnnngggggg*
Ang bilis naman ng oras at uwian na, saan na ba yun si Chri....
Ay tama, may girlfriend na nga pala siya... Ang hirap naman mag adjust
Ako lang nanaman pala ang uuwi mag isa
Hays maka uwi na nga lang
Habang naglalakad ako sa hallway ay di sinasadyang nakarinig ako ng may nag-uusap... Pamilyar yung boses nila eh
"Ba't di mo kausapin?"
"Ayoko"
"Hindi lang siya ang sinasaktan mo, pati ang sarili mo"
"Tsk!"
"Advice lang naman itong sakin, ikaw rin magsisisi sa huli"
BINABASA MO ANG
Destined To Be Together
RomanceLife is complicated, Love is so complex... Who will you choose, the one who's by your side for all of your life or the one who just accidentally came into your life? Paano ka mamimili? Life is not about fairytales, it's about creating your own desti...