Christan's POV
Bakit parang tinatamad yata akong pumasok ngayon? Naiisip ko pa lang yung nangyari kagabi ay parang dinidrain na yung energy ko.
"Kiolo!!! 5:56 na! Di ka pa ba pripare?"
Sigaw ni mama sa baba. Wala akong magawa kaya bumangon na ako. Tinignan ko yung sarili ko sa salamin at medyo maga pa yung mata ko. Konti lang naman, buti na lang at medyo di halata.
Naligo na ako agad dahil baka ma late na talaga ako. Madali lang akong natapos at tsaka nag bihis na ng uniform at prinepare na ang mga gamit ko sa school.
Hohhh!!! This is it! Sasabihin ko na kay Kirana ang lahat lahat. It's now or never.
6:15 na. I just grab a sandwich na ginawa ni mama at umalis na.
"O, yan lang kakainin mo?"
Nag nod lang ako kay mama at hinalikan siya sa pisngi at nagpaalam na.
Pagkalabas ko ay nakita ko si Kirana palakad sa sasakyan niya na parang pinipigilan yung tawa niya at si Zach naman ay nakasunod lang sa kanya pero nakasimangot. Anong nangyari sa kanila? Sasabay na lang ako kela Kirana.
Pero natigilan ako sa paglalakad ng makita kong yumakap si Zach sa likod ni Kirana. Para akong tinusok ng kung ano at nakaramdam na naman ng sobrang galit kay Zach. Wala siyang karapatan na yakapin si Kirana!
May sinasabi siya kay Kirana pero di ko marinig dahil bumubulong lang siya kay Ran.
Gusto kong tumakbo at sapakin siya pero ewan ko ba. Parang nakadikit na sa lupa yung mga paa ko. Parang naka glue at hindi makagalaw. Bakit hindi kinakalas ni Kirana yung pagkakayakap? Ano bang meron sa inyong dalawa!
Patuloy lang siya sa pagsasalita niya. Nakita ko na lang na mas hinigpitan niya pa yung pagkakayakap niya kay Kirana. Kinuyom ko na lang ang mga kamay ko sa sobrang galit.
Maya-maya pa ay tumawa si Kirana at napabitaw naman yung gagong Zach sa pagkakayakap niya kay Ran.
"Hahahaha jo..joke ko rin lang yung galit galitan ko. O! Ano ka ngayon. Pinagtitripan mo ko ha. Akala mo ikaw lang marunong. Magaling rin kaya ako diyan!"
Naririnig ko na sila dahil malakas na yung boses nila.
"Kiraaa naman ehhhh!!!!"
Para siyang tanga na nagmamaktol. Pero si Ran ay tawa pa rin ng tawa.
Nanlaki ang mata ko sa sunod na sinabi ng alieng Zach. Ano daw? Tama ba yung pagkakarinig ko? Hindi ako sigurado pero kung tama man yun gago pala siya eh!!
"Ano sabi mo?! Di kita narinig!"
"Yan kasi, tawa ka ng tawa. Sabi ko pasalamat ka talaga at malilate na tayo kaya tara na."
Tawa pa rin ng tawa si Kirana kahit binubuksan na niya yung sasakyan niya. Ganyan ba talaga siya kasaya kay Zach?
"Uy Kiolo!"
Bigla na lang akong nag exhale. Hindi ko napansin na dahil sa galit ko ay nakalimutan ko nang huminga. Bigla na lang akong tinawag ni Zach. Nakita pa nang alien!
Tinignan ko si Kirana at nag-iba na yung ekspresyon niya. Sa masaya naging cold na. Ganyan ba talaga ang epekto ko sa kanya?
"Gusto mo bang sumabay na?" Tanong ni Kirana
Umiling ako, bakit ba ako nagkakaganito? Diba babawi ako sa kanya.
"Anong oras na rin, sabay ka na samin"
Pagpupumilit niya kaya binuksan ko na yung backseat at sumakay na. Kahit alam kong magiging awkward ito ay titiisin ko na lang.
Tahimik lang kami habang papunta sa skwelahan. Tanging yung music lang sa sasakyan niya ang nagbibigay ng ingay pero other than that, tahimik talaga hanggang sa makarating na nga kami sa school.
BINABASA MO ANG
Destined To Be Together
عاطفيةLife is complicated, Love is so complex... Who will you choose, the one who's by your side for all of your life or the one who just accidentally came into your life? Paano ka mamimili? Life is not about fairytales, it's about creating your own desti...