Kirana's POV
Buti na lang at nakatulog ako kagabi. Akala ko di na ako makakatulog.
Hay naku! Imbes na okay na akong makaharap si Zach, binibigyan na naman niya ako ng reason para wag lumapit sa kanya.
Makabangon na nga lang...
Nagulat ako ng pagkababa ko ay nakita ko si Zach na naglilinis...
"Zach? Ang aga mo yatang nagising?"
"Ahh, hindi ako makatulog eh kaya naglinis na lang ako"
"Huh? Anong oras ka pa dito?"
"Kaninang 3"Literal na bumuka talaga ang bibig ko sa mga sinabi niya... Ano ba to, engkanto
"A..ako na diyan, matulog ka na do'n"
"Hindi na tulungan na kita"
"Hindi na, ako na dito, sige na"Tigas talaga ng ulo, imbes na umakyat, tinulungan niya talaga akong maghiwa para sa lulutuin ko ngayon, bahala siya diyan.
Habang tinitignan ko siya napapaisip na lang ako kung kailan siya makaka-alala, swerte siguro ng girlfriend o magiging girlfriend nito kasi ang sipag sa lahat ng bagay.
*Bzzt* *Bzzzt*
Kinuha ko ang phone ko at tiningnan ang message...
Principal? Ang aga naman yata...
'Ms. Vasquez, pwede nang pumasok sa school si Mr. Zach Reyes within this week up until Monday. You may assist him na lang sa mga kakailanganin. Nasabihan ko na rin lahat ng teachers niyo'
Whuut!? Talaga? Pero wala pa siyang gamit
"Totoo Kira?"
Tinignan ko si Zach, kanina pa ba siya dito sa likod ko, ang cute cute niya, parang bata na excited hahahaha
"Oo Zach pero baka sa Monday na lang siguro, hindi ka pa namin nabibilhan ng gamit para sa school eh"
"Sinong may sabi?"
"Tita? Gising ka na pala, kanina ka pa ba diyan"
"Hindi naman, kabababa ko lang. Totoo? Pinayagan na si Zach pumasok sa school?"
"Opo tita, nagtext po sa akin yung principal"
"Edi kung ganun, papasukin mo na siya ngayon, binilhan ko na siya ng mga school supplies at tsaka Monday may uniform na siya"
"Talaga tita? Ba't di ko napansin, kailan niyo pa yun binili"
"Ahh dami mong tanong, basta okay na ang lahat, mag-ayos na kayo ako na ang bahala dito."
"Sige tita, maliligo lang ako. Maligo ka na rin Zach"
"Sige,sige"
Wow ha, excited niya talaga.
After an hour ay tapos na kami lahat-lahat at ready to go na
"O, okay na ba kayong dalawa? Yung baon niyo nakuha niyo na?"
"Opo tita, aalis na po kami, salamat po"
"Salamat po tita" hahahaha ang cute niya, excited niya talaga
Kinuha ko na ang susi ng sasakyan ko at pinapasok na si Zach
"Excited ka na ba?"
"Super" plus ang lawak pa ng ngiti niyan ha... ang cuteNag drive na ako at nakikita ko naman si Zach na amaze na amaze sa mga nakikita niya. Hay naku! Sana naman huwag na naman akong i-criticize ng mga tao sa school.
Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa school
"Ready ka na ba?"
Nag nod lang siya sabay smile... ang cute
BINABASA MO ANG
Destined To Be Together
RomantizmLife is complicated, Love is so complex... Who will you choose, the one who's by your side for all of your life or the one who just accidentally came into your life? Paano ka mamimili? Life is not about fairytales, it's about creating your own desti...