My New Medicine

1 0 0
                                    

Christan's POV

Nagdrive lang ako hanggang sa makarating na kami sa block namin ni Kirana. Pinark ko muna yung sasakyan ni Kirana sa garage nila at bumaba naman itong alien na Zach nato. Malalaman ko rin ang sekreto mo humanda ka sakin.

Pinatay ko na ang sasakyan at tsaka lumabas na. Binuksan ko na ang backseat at kinarga si Kirana. Tulog na tulog pa rin siya. Kahit kailan talaga ang ganda niya pa rin at ang amo ng mukha kahit natutulog.

"Akin na, ako na ang magkakarga sa kanya sa loob."

Gago. Kitang karga ko na nga. Swerte mo naman kung ibibigay ko si Kirana sayo.

"Ako ang best friend kaya mas may karapatan ako sa kanya."

"Kapal rin ng mukha mo. May best friend bang sinasaktan kaibigan nila? Na halos gabi-gabi na lang umiiyak ng dahil sayo. Best friend pa ba na matatawag yun?"

Gago talaga to. Sumusobra na, ano bang alam niya.

"Gago manahimik ka! Ano bang alam mo?"

Umalis na ako at kinuha ang susi ni Kirana sa bulsa niya at binuksan ang pintuan. Di ko rin alam pano ko nagawa yun kahit na karga karga ko si Kirana basta nabuksan ko na lang.

Umakyat na ako sa itaas at maingat na inihiga siya sa kama niya. Nahagip ng mata ko yung dingding ni Kirana pero iba na ang itsura nito. Wala na yung mga pictures namin. Medyo maluwag na ang kwarto niya. Wala na ang mga gamit ko. Pumunta ako sa cabinet niya at nakita kong wala na ang mga damit ko. Ganyan ba talaga siya kagalit sa akin at desedido na talaga siya na kalimutan ako? Pero sino bang hindi magagalit sa ginawa ko. Kung sana lang di ko na to sinimulan ngayon ang hirap ng tapusin. Marami pang nadadamay. Wala na rin yung mga teddy bears at kahit na anong gamit na binigay ko sa kanya.

Umupo ako sa sahig malapit sa kama niya at hinawakan lang ang kamay niya. Sorry Ran, kasalanan ko to eh. Sana sa susunod na humingi ako ng time sayo ay bigyan mo naman ako ng time kagaya ng dati na nasa akin na lahat ng oras mo. Ngayon ko lang mas narealize na gusto kong nasa akin lang ang atensyon mo, always. Kahit na dati ay busy tayo sa studies natin ay ako pa rin yung hinahanap mo. I hope mapatawad mo pa ako sa mga pinaggagawa ko sayo ngayon. I'm so sorry Ran. I love you that's why nagawa ko to. Pero nagsisisi na ako na ginawa ko. Tama nga si Annie nong una. Sana nakinig na lang ako sa kanya. Hindi pa siya nadadamay at hindi niya pa ako magugustuhan. Tama nga siya na hindi ako magiging masaya kapag may kahati na ako sa oras mo. All along tama siya na hindi ko kayang mawalay sayo.

Bigla na lang akong napaiyak sa mga realizations ko ngayon. Ang bobo ko. Naturingan pa akong honor student, magaling at matalino sa academic pero ang bobo ko pagdating dito. Ran, please give me one more chance to correct the mistakes that I did please.

"Ang bobo bobo mo Christan" nasabi ko na lang sa sarili ko.

"Tapos ka na ba diyan" pinunasan ko ang mga luha ko dahil may gagong umepal. Di ba siya marunong kumatok?!

"Dito muna ako magstay, kahit ngayong araw lang. Babantayan ko lang si Kirana."

"Anong tingin mo sakin dito? Bakit? hindi ko ba siya kayang alagaan?"

"Ano rin sa tingin mo ang palagay ko? Hindi kita pinagkakatiwalaan at hinding hindi kita pagkakatiwalaan hanggat di mo sinasabi sa akin kung saan ka galing at bakit ka naririto?"

Tigas ng ulo nitong gagong alien.

"Bakit ba? Ano bang pake mo kung saan ako nanggaling? Wala ka bang tiwala sa tinatawag mong best friend? Kasi siya mismo ang nagpatuloy sa akin dito."

"Hindi ako sa kanya walang tiwala! Sayo! Malay ko ba kung tinitake advantage mo lang yung kabutihan niya. Minsan naive si Kirana kaya gusto ko lang siyang protektahan!"

Destined To Be TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon