Sorry guys ngayon lang nakapag-update. Please enjoy reading this chapter. Just feel free to vote and comment. Love you.
Kirana's POV
Nagising na lang ako sa alarm ng phone ko... 4:30 a.m pa... Tinignan ko si tita at tulog pa siya... dahan dahan akong lumabas at pumunta sa kwarto ni Zach pero tulog pa rin...
Bumaba na ako at nagsimula na akong mag luto ng agahan... 5:00 na ng natapos na akong magluto, maglinis at kumain... tinirhan ko na lang sila tita Tiff at Zach ng makakain nila mamaya pag gising nila....
Nag prepare na ako at naligo na para papasok sa paaralan... Pagkatapos kong magbihis ay gising na si Zach at tita...
"Good morning po tita Tiff, good morning Zach"
"Good morning pamangkin"
"Good morning Kira"Wow, sabay pa talaga sila ah, inirapan lang ni tita Tiffany si Zach at umupo na sa mesa...
"Aalis ka na?" Tanong ni tita Tiff
"Opo tita, ang rami na kasi ng absent ko, baka matanggal na ako sa honors list at isa pa bago pa lang nagsimula ang pasukan ay absent na ako agad"
"O sige, mag-ingat ka, asan na ba si Kiolo?"
Yun pa pala, hindi ko pa nasasabi sa kanya ang tungkol sa amin
"Baka nasa labas, bye tita anong oras na, bye Zach!"
Dali-dali na akong lumabas ng bahay, ang huling narinig ko lang ay ang paalam ni Zach
Tinext ko si tita Tiff na siya na ang bahala kay Zach at okay naman siya dun...
Kinakabahan akong pumasok ngayon... I'm sure na marami na akong mga tasks na namiss buti na lang may excuse letter ako kahit na di totoo ang nakasulat dito sige na lang...
"Uy nandiyan na raw si Remi"
"Talaga? 2 weeks siyang wala, ano kayang nangyari sa kanya?"
"Siguro nagmomove on hahahaha"
"Ay kaya nga ghuurll"
"Kapal naman ng mukha, magmomove on nang wala sila"Ayan na naman... hindi ba sila nagsasawa? Hindi ba nila alam ang kasabihang "MIND YOUR OWN BUSINESS"?
Ang judgemental naman nila agad ni hindi nga nila alam ang rason kung bakit ako absent kung ano ano pang pinagsasabi nila...
'Kkrrriririiiiiiiinnnnggg!!!!'
Ayan buti naman at nag bell na...
Pagpasok ko sa room ay nakita ko si Christan, this time, nakita ko ang ekspresyon sa mukha niya... masaya na parang nag-aalala... ewan ko ba, kung tama ako at ganyan nga talaga ang nararamdaman niya ay sana naman binisita niya ako, nakakagigil siya... mas pinili niya pa talaga yung babae niya...Wait, teka lang, kahapon nakita ko siya sa bahay kasama si Da...
"Hey Remi!"
Nagulat ako nang may umakbay sa akin, paglingon ko ay nakita ko si...
"Daniel?"
Si Daniel nga... tama nga yung nakita ko kahapon, tumayo ako at niyakap siya, matagal rin siyang nawala, isa rin siya sa best buddies ni Christan kaya medyo nagka close na rin kami...
"Kamusta ka na?"
Tanong niya sa akin
"Balita ko 2 weeks ka nang hindi pumapasok, bakit?"
"Kasi...."
"Okay class, take your seat"
Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko kasi dumating na yung teacher namin at as expected, ang rami kong na miss na mga quizzes, tests, at activities sa kanya... isa pa yan ha, madami pa silang teachers koooooo.... naku naman
BINABASA MO ANG
Destined To Be Together
RomanceLife is complicated, Love is so complex... Who will you choose, the one who's by your side for all of your life or the one who just accidentally came into your life? Paano ka mamimili? Life is not about fairytales, it's about creating your own desti...