With Wings

2 0 0
                                    

Kirana's POV

"Okay, are you ready now to report your projects?"

Buti na lang at natapos rin namin kagabi ang project. Mabuti na rin at dumating si Christan kagabi kaya mas mabilis na natapos ang project. Kaso nga lang every break time namin humihingi siya nang time para mag-usap. Ito pa ang mas worst na nangyari kagabi. Well, hindi naman as in worst.

Flashback

Natapos na namin yung project mga bandang 10 na ng gabi. Buti naman at dumating si Christan kasi baka sobra 10 pa kami matapos nitong si Zach, ang kulit kasi.

Nang natapos na kami ay paalis na si Christan.

"Naku wait! I think naiwan ko sa bahay yung susi ko. Mga ganitong oras ay naglolock na si mama"

"Huh? Paano yan? Teka parang may spare key ako sa bahay niyo. Hintay ka muna dito"

Umakyat ako sa itaas at pumunta sa bodega kung saan ko itinago ang mga gamit ni Christan. Pero sa dami nito ay hindi ko nakita yung susi. Paano ba to?

Pumunta ako sa kwarto ko at binuksan ang bintana ko. Nagbabakasakali na baka pwede siyang dumaan dito pero medyo distansya ito at baka mahulog siya.

Bumaba ako kung saan nakita ko si Christan at Zach na ang intense ng pagtitinginan. Ano na naman ba to sila.

"Hindi ko nakita eh"

"Pwede bang dito muna ako matulog? Kagaya ng dati?"

Pero hindi na tayo tulad ng dati. Saan naman kita ilalagay? Pero dahil naaawa ako sa kanya ay pumayag na lang ako.

"Tabi kayo ni Zach"

"Huh? Diba magkatabi naman tayo dati?"

"Sobra ka naman Kiolo, babae yan. Ba't ka naman tatabi sa kanya."

"Tumahimik ka wala kang alam"

Okay lang sa akin na tabi tayo gaya ng dati kaso iba na ang sitwasyon ngayon. Ibang iba na ang pagtingin ko sayo kaya hindi ko kakayanin na tumabi uli sayo.

"Tama na. Yan lang ang option ko sayo. Tabi kayo ni Zach o sa labas ka matutulog"

Naglabas siya ng malaking sigh bago nag salita

"Dito na lang ako sa couch"

Malungkot niyang sabi. Kung sana lang maiibabalik pa ang lahat sa dati.

Pumunta na kami ni Zach sa mga kwarto namin at humiga naman si Christan sa couch. Bigla na lang tumulo yung mga luha ko. Sa twing naiisip ko ang mga ginawa niya sa akin, ang hirap magpatawad. Ang hirap kalimutan. Hindi ko alam, hindi ako sure kung seryoso ba talaga siya o hindi. Di ko na namalayan na nakatulog na pala ako.

Pagkagising ko sa umaga ay wala na siya.

End of Flashback

So yun nga ang nangyari.

Isa isa nang nag report ang mga groups hanggang sa turn na namin. Well, maayos naman na nagawa yung report namin. Pinlano na rin namin ni Daniel ang sasabihin at natuwa naman yung teacher sa ginawa namin. Hanggang sa natapos nga ang lahat at ang group namin ang nakakuha ng mataas na points.

*Krrriiiiinnnnggggggggggg!!!!!*

Break time na at as usual hindi na naman kami kumain ni Zach sa canteen at this time ay pinagbigyan ko yung wish niya na kumain sa garden. Ba't ba gustong gusto niya dito? Well, maganda naman talaga dito sa garden yung memories lang yung hindi.

Destined To Be TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon