Kirana's POV
"Zach, mag-ge-general cleaning tayo ngayon okay? Darating kasi si Nanny bukas. Baka sabihin non na nagiging dependent na naman ako sa kanya. Huh?"
"Sige sure. Pero ano ba yung nanny? Magagalit rin ba siya kagaya ni tita Tiff dati?"
Inosente namang tanong ni Zach. Kawawa naman.
"Don't worry. Hindi na siya magagalit at isa pa yung ibig sabihin ng nanny ay yaya mo like tagapag alaga mo"
"Bakit may nanny ka pa? Kailangan ka pa bang alagaan?"
"Hindi naman kasi ako ang aalagaan eh. Yung bahay naman kasi."
"Ok sige, maglilinis ako ng bahay para matuwa si nanny"
Hahahahaha natawa na lang ako sa sinabi niya. Para lang tanga.
"Hahahaha hindi mo naman kasi siya nanny eh, baka magtaka yun. Tawagin mo na lang siyang auntie, o di kaya ay manang na lang papayag yun siya wag lang nanny. At tsaka dapat respect lang tayo sa kanya at all times dahil sobra sobrang bait niya talaga. Siya na lang kasi kasama ko simula nong bata pa ako kaya para ko na rin siyang second mom."
"Saan ba parents mo? Bakit si nan.. ay este auntieee???"
"Belen. Tawagin mo na lang siyang auntie Belen. Parents ko? Simula bata pa lang ako ay palagi nang nasa New York si mommy kasi may business raw kami doon pero umuuwi naman siya madalas kaso nong nag 15 na ako ay once in a year na lang siyang nakakabalik dito sa Pilipinas at minsan 3 araw o hanggang 1 linggo lang siya dito. Tsaka yung daddy ko naman.... ahhhmmmm.... hindi ko alam"
"Hindi mo alam? Bakit naman?"
Ang saya-saya namin noh? Nag-uusap habang naglilinis. Sa dinami dami ng topic yan pa.
"Hindi ko lang alam. Hindi ko pa siya nakikita in person ganun. Kasi sabi ni mommy iniwan na raw kami ni daddy baby pa ako. Hindi naman namin alam kung saan siya. Pero ang wierd, feeling ko may memories kami together pero wala naman pala. Feel ko ang saya saya ko dati. At alam mo Zach? Heto pa ang mas wierd. Minsan pag nag-iisip ako ng childhood memories ko, may naaalala naman ako pero parang hanging, yung parang may missing details yung ganon. Gets mo ba?"
Umiling lang siya sa tanong ko. Boba rin ako minsan no. Paano niya malalaman kung may amnesia siya. Tsk!
"Zach, gusto mo bang hanapin parents mo? Tutulungan kita"
"Naisip ko na rin yan pero ewan ko ba. Gusto ko munang maka alala bago ko sila hanapin. Ayoko ring dagdagan pa problema mo."
"Ano ka ba, okay lang naman noh"
Pero pag kasabi ko non ay feel ko deep inside ayoko. Gusto ko na wag na lang maka alala si Zach. Gusto ko dito lang siya. Selfish na ba ako? Emegeeddd.!!!
Natapos nang mag mop si Zach at nagulat ako sa ginawa niya. Naghubad lang naman siya ng shirt niya sa harapan ko pa. Baliw talaga tong abnormal na to. Pero ang hot niya kahit na pawis na pawis siya. Aisshhh!! Kirana naman eh.
"Hoy! Anong ginagawa mo?! Magpalit ka nga ng damit"
"Mamaya na, maliligo na lang muna ako para hindi sayang yung damit na malalabhan"
Tama pala! Maglalaba pa ako ng damit. Pero kahit na! Abnormal talaga.
Pinabayaan ko na lang siya at tumalikod sa kanya. Sinubukan ko namang papagin yung mga alikabok sa divider gamit yung feather duster kaso kulang sa height eh. Masyadong mataas ang divider kaya kukuha na sana ako nang upuan kaso kinuha naman bigla ni Zach yung feather duster dahilan para mapuwing ako.
"Aray! Ang sakit!"
Naman o! Ang sakit sakit sa mata.
"Sorry, sorry, sorry. Sorry Kira. Patingin nga"
BINABASA MO ANG
Destined To Be Together
RomansaLife is complicated, Love is so complex... Who will you choose, the one who's by your side for all of your life or the one who just accidentally came into your life? Paano ka mamimili? Life is not about fairytales, it's about creating your own desti...