Confession

2 0 0
                                    

Kirana's POV

"Ran..."

Sana naman reasonable ang mga ginagawa mo. Sana naman ma-convince mo akong patawarin ka. Sana maibalik mo yung nararamdaman ko para sayo dahil ayokong sobrang ma fall kay Zach na hindi man lang niya maalala ang sarili niya.

"Ran, fi...first of all..." nag pause siya at huminga ng malalim. Ganyan ba talaga kahirap sabihin ang katarantaduhan na ginagawa niya.

"I... I want to ask for forgiveness sa lahat ng ginawa ko. Sana pakinggan mo yung mga sasabihin ko kahit na mahaba."

"Well, kung mahaba naman pala yan, why don't we go to the park. Maglakad na lang tayo."

So ayun, tahimik lang kaming naglakad papuntang park. Walang umiimik. Naglalakad lang talaga kami hanggang sa makarating na nga kami. Tinignan ko muna ang oras at quarter to 6 na. Baka mag-alala na yun si Zach.

Umupo kami ng magkatabi dito sa bench.

"Okay, I will listen."

*clears throat* <- Christan

"Naaalala mo pa ba yung kanta na ginawa natin? Compose natin yun. Gawa gawa lang din natin yung tono. Wish ko pa nga na sumikat yun pero sabi mo na mas gusto mo na tayo lang maka-alam non kaya ayun. Lagi natin yun kinakanta."

"Ikaw ang kaibigan ko
Gustong kasama hanggang sa dulo
Kahit mundo'y gumuho
Pagkakaibigan natin ay buo."

Kinanta niya ang first verse sa kanta na ginawa namin at kami lang rin ang nakaka alam. Naalala ko tuloy yung nag hum si Zach na kaparehong tono nito. Paano kaya niya yun nalaman?

"Matagal tagal na tayong naging magkaibigan at ayokong sayangin yun kaya humihingi ako ng tawad Ran sa mga ginawa ko sayo. I'm sorry"

"Kung tinitreasure mo pala tong pagkakaibigan natin ay bakit mo pa kailangang gawin to in the first place. Pwede namang pag-usapan natin yung mga problema diba?"

Naiiyak ako pero pinipigilan ko dahil galit na galit ako sa kanya. Ayokong maging emotional.

"Kaya I want you to listen to me. Hindi ko talaga girlfriend si Annie, wala kaming relasyon Ran. Hindi totoo yung mga sweetness namin. Walang totoo don. Ginagawa ko lang naman to para lang din naman sayo eh. Sawang sawa na akong makitang binubully ka nila. Ayokong nasasaktan ka dahil nasasaktan rin ako...."

Nagulat ako sa mga sinabi niya pero hindi ko yun pinahalata dahil mas lalo lang akong nagagalit sa mga sinabi niya ngayon. Sinabi na niya ang lahat lahat. Kahit yung halik ni Annie sa kanya inexplain niya na rin. Lahat kung bakit nya to ginagawa ay sinabi na niya. Nakatingin lang ako sa malayo habang siya ay nakatingin sa akin. Ang ironic, kasi gustong gusto kong sabihin niya ang lahat para naman matuwa ako pero sa mga pinagsasabi niya ngayon ay malabo na na patawarin ko siya. Mas lalo lang akong nagagalit sa kanya. Hinayaan ko lang siyang magsalita hanggang sa natapos siya.

"..... Kaya ko yun nagawa lahat. Kaya sana patawarin mo ako Ran. Di ko sinasadya."

"Tapos ka na ba?..." Sarkastikong tanong ko pero di pa rin ako lumilingon sa kanya.

"Ran..."

"Ang galing naman ng plano mo. Di mo sinasadya? Di mo sinasadya?!!!!"

This time ay hindi ko na nakontrol ang sarili ko kaya napasigaw ako habang papatayo at nakatingin na sa kanya. Ang sakit sakit eh. Ang pangit naman ng plano niya.

"Ang unreasonable mo naman! Binigyan kita ng time para i-explain sa 'kin ang lahat pero parang sinayang mo naman eh."

Wala na akong pake kung nakatingin na ang mga tao sa akin. Ang gusto ko lang ay mailabas ko ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Kahit ang mga luha ko ay di ko na napigilan at kusa na lang silang pumatak. Yumuko lang siya sa mga sinabi ko. Tumingin ako sa langit at parang nakikisabay rin ito sa nararamdaman ko kasi umaambon na.

Destined To Be TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon