Kirana's POV
Simula nong magising ako galing sa sakit ng ulo ay parang may mali na sa mga nararamdaman ko, ewan ko ba, ang weird nga eh... Sa palagay ko ay pamilyar ang mukha ni Zach sa akin pero hindi ko alam kung saan ko ba nakita ang mukha niya, pero lately, ayos naman ang kalagayan niya, matalino siya kaya lang hindi niya talaga ma alala ang buhay niya... Palabasa rin siya, tinutulungan niya ako sa mga gawaing bahay
Napagpasiyahan ko na eenroll na lang siya sa paaralan para mabantayan ko siya hanggang sa maka alala siya, pero paano ko ba gagawin yun? Di ko nga alam birth certificate niya, edad niya at lahat lahat hindi ko alam sa kanya...
"Kira, kain na tayo, gutom na ako"
Close na kami sa isang linggong pag-stay niya dito sa bahay at ako? Hindi na ako confident na makakapasa ako kaya kailangan ko ring mag-aral...
Pero alam niyo, magaling siyang mag luto, napapaisip nga ako kung talaga bang may amnesia nga tong lalaking to, ang bilis niyang alamin ang isang bagay isang tingin lang...
"Wow, ano naman tong niluto mo?"
"Hindi ko alam ang tawag dito pero may itlog, tubig at mga gulay gulay siya"Hahahahaha ang cute niyang tignan... Tikman nga natin ang niluto niya
"Hmmm, ang sarap"
"Totoo?"Nag nod ako bilang pag sang-ayon, totoo masarap talaga siyang mag luto... napansin ko ang damit at shorts na suot niya, kay Christan... dahil bahay na ni Christan ang bahay ko at parang nagiging bahay ko na rin ang bahay niya ay may mga damit talaga kaming spare... Parang mag-asawa noh? Pero walang hiyang lalaking yon, iniwan ako...
"Anong iniisip mo Kira?"
"Iniisip ko kung bakit Kira ang tawag mo sa akin eh ang sabi ko Remi ang pangalan ko"
"Ah...ehhh... nabasa ko sa notebook mo na may pangalan mo, nagandahan ako sa second name mo kaya Kira na lang itatawag ko para shortcut na lang"Ahh ganun ba yun? Bahala ka dyan
"Zach, bukas na bukas punta tayong mall"
"Tayong dalawa?"
"Oo bakit?"
"Yun ba yung tinatawag nila na date?"Nabilaukan ako sa sinabi niya...
Ano daw??? DATE!?
San niya naman nalaman yun"Okay ka lang ba?"
"Saan mo ba natutunan yan, hindi yun date"
"Eh ayon kasi sa nabasa ko, pag ang babae at lalaki raw ay lalabas ng sila lang dalawa tawag dun ay date"
"Te... teka, saan mo ba nabasa yan?"
"Isa sa mga aklat mo"
"Ahh, ehh, ba't mo binabasa yun... Bawal yun at isa pa, hindi date ang tawag dito kundi simpleng lakad lang"
"Ahh, simpleng lakad"Natahimik na siya at kumain na... Nako, kailangan kong itago ang mga romance books ko baka ano pang matutunan nito...
'Bzzzt! Bzzzt'
Teka nag vavibrate yung phone ko... saan na ba yun
"Kira o, sa kitchen table"
Ay oo nga pala
"Teka lang Zach ah, sasagutin ko lang to"
Nag nod naman siya
"Hello?"
"Hello Remi"
"Sino po to?"
"Naku bata ka, hindi mo na ba naaalala boses ng tita mo?"
Tita? Sinong t...."Ahhh, tita Tiffany? Ikaw ba to?"
"Nako bata ka kinalimutan mo na talaga ako"
"Hahaha bakit po kayo napatawag?"
"Wala kasi yaya mo diyan kasi mag-eextend vacation siya diba? So nakiusap mommy mo sa akin na kumustahin ka at diyan muna ako mag stay sa place mo nang isang linggo dahil ikaw lang mag-isa diyan"
"I... ISANG LINGGO?! DITO SA BAHAY??!!"
"Ano ka ba, ba't ka sumisigaw, ganyan ka ba ka excited na makita ako?"Nako, paano na to?
"Ahh.... ah... okay lang naman po ako dito tita, excited po ako sa pag dating niyo pero di niyo na po kailangan pumunta dito baka mapagod lang kayo"
"Hindi noh, ano ka ba naman pamangkin, ikaw ang pinakapaborito ko kaya lahat gagawin ko para sa iyo"
"Hehehe, salamat po tita, sige po"
"Sige bukas na bukas nandiyan na ako.... Ay hindi pala, pagkatapos ng araw bukas okay ba yun?"
"Sige po tita, bye po"At cinall ended ko na
Patay ako nito na baka malaman niya nagtatago ako ng lalaki sa bahay, well okay lang kung si Christan yun pero iba ito eh, ngayon niya lang makikita si Zach...
Ano bang dapat kong gawin, hindi naman pwedeng ipaalis ko si Zach kasi wala siyang maalala diba?
"Kira? Okay ka lang ba?"
"Ha? Ah, oo naman... kaso parang darating si tita dito sa bahay, baka magalit yun na nandito ka sa bahay"
"Bakit naman siya magagalit eh mag-asawa na naman tayo"Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Zach.... As in seryoso kailangan ko na talagang itago ang mga romance books ko, matalino pero hindi marunong mag differentiate, binabawi ko na tsk tsk
"Zach, iba yung mag-asawa, kailangan yun ng kasal"
"Edi magpakasal na tayo"
"Hahahaha talaga namang! Hindi pwede yun, ang dapat magpakasal ay yung nagmamahalan, yung kilala na yung isa't isa ng matagal, sobrang tagal at tsaka nag kaka unawaan sila, hindi matatawag na asawa kung simpleng nakatira ka lang sa bahay ko dahil tinutulungan lang kita na maalala ang buhay mo kahit hindi ko alam kung paano... pagkatapos mong maka alala ay pwede ka nang bumalik sa inyo, malay mo, may girlfriend ka pala na kailangan mong ikasal sa kanya, hindi ba?"
"Siguro nga"
"So ano? Matulog na tayo?"
"Sige"Tama ba yung sinabi ko? Matagal na magkakilala? Eh kami nga, 18 years na, hindi pa nagkakaroon ng 'kami'...
Hay naku! Pero paano ko nga ba i-explain kay tita tungkol kay Zach, siguradong magagalit yun
Matutulog na nga lang ako, bukas ko na iisipin kung paano ito...
~Jomicelargurll
BINABASA MO ANG
Destined To Be Together
RomanceLife is complicated, Love is so complex... Who will you choose, the one who's by your side for all of your life or the one who just accidentally came into your life? Paano ka mamimili? Life is not about fairytales, it's about creating your own desti...