Faint Vision

8 1 0
                                    

Kirana's POV

Friday ngayon at two days na akong absent sa klase pero di naman ako nag aalala doon kasi bago pa naman nag simula ang klase kaya wala pa masyadong ginagawa at kung nag lesson na sila ay okay lang din kasi nag advance study na ako so madali na lang i cope up ang mga na miss ko...

At sa dalawang araw na yun ay na realize ko na wala na talagang pake sa akin si Christan, hindi man lang ni minsan kumatok sa pintuan at tinanong kung okay lang ba ako at bakit ako absent... Hindi man lang siya nag text o baka naman binura na niya number ko, bahala siya sa buhay niya...

Gusto ko mang pumasok pero hindi ko pwedeng iwan na lang ang lalaking ito, konsensya ko pa yun kung magising siya at lumabas at magliwaliw sa daan... Ayoko naman mangyari yun... 

So heto ako ngayon at binabantayan siya, ang tagal naman nitong magising... Sino kaya yung Kira na tinatawag niya? Girlfriend kaya niya yun?

Infairness ha, ang gwapo niya, matangos ang ilong, mahaba ang mga pilik mata, maganda ang katawan at ang pula ng labi... Aissshhh!!! Ano ba yang iniisip mo Kirana! Umayos ka nga!

"Hmmm"

Gising na ba siya? Te... teka lang gumagalaw na yung mga daliri sa kamay niya... Tiningnan ko ang mukha niya at nakita ko na nakadilat na siya... Tama tatawagan ko si doc...

"Hello doc"
"Oh bakit?"
"Gising na po siya"
"O sige sige saglit lang tatapusin ko muna yung isang pasyente ko"
"Sige po doc, salamat po"

Tinignan ko yung lalaki at sinusubukan niyang tumayo kaya inalalayan ko siya...

"O...okay ka na ba?"
"Oo"
"A..ahhh mag hintay ka lang dito, wag ka munang masyadong gumalaw, dadating rin yung doctor ko maya-maya"
"Saan ako?"
"Ah nasa bahay kita, nandito ka sa kwarto ko... Nakita kasi kitang duguan kaya tumawag ako ng tulong"
"Duguan?"

Napakalalim ng iniisip niya na para bang hindi niya alam ang lahat...

"Ay teka, dito ka lang ha, ipaghahanda kita ng makakain, gutom ka na siguro"

Bumaba ako ng bahay at ipinagluto siya ng mainit na sabaw, para kasing sumasakit yung ulo niya kaya...

*Took Took*

Ay teka baka si doc na yan...

"Hello po doc"
"Oh asan na siya?"
"Nandoon po sa itaas, teka lang po, magdadala po ako ng makakain niya"

Umakyat kami sa taas at nakita namin na nakatulala lang siya... Anong nangyari sa kanya?

"Sino ako?"

Biglang nagsitayuan ang mga balhibo ko nong tinanong niya kung sino siya, ma..may amnesia ba siya? Imposible naman ata yun... Ang sabi ng mommy ko at sa mga nababasa ko ay kung magkakaroon ka ng amnesia ay hindi ka makakagalaw o makakapagsalita, parang wala ka sa ulirat pero sa lagay niya, parang okay naman siya ah...

Kinuha na ni doc Kelvin ang mga gamit niya at chineck na siya...

"A.a.ano pong nangyari sa kanya doc?"
"Maayos naman siya pero hindi mentally"
"Bakit po?"
"May mild amnesia siya, may scientific term ito pero kailangan ko munang gumawa ng research kasi isa itong rare case, kasi dapat ang isang may amnesia ay wala sa katinuan"
"Kaya nga po"
"Pero pansamantala, pwede bang dumito muna siya? Wala siyang alam kaya natatakot ako na baka may mangyari sa kanya"
"Pwede bang sa hospital na lang siya?"
"Sa tingin mo, sino ang mag aalaga sa kanya doon eh kailangan niya ng magpapaalala sa kanya sa nakaraan"
"Eh bakit naman po ako?"
"Kung iisipin mong mabuti, bakit sa bahay mo siya pumunta eh may mas malapit naman na bahay bago makarating sa inyo?"
"Kasi baka..... *gasp* h..hi..hiin..hindi po posible yun diba po doc?"
"Sige na Remi, aalis na ako at marami pa akong pasyente, maraming salamat"

Napabagsak balikat na lang ako ng marealize ko ang ibig sabihin ni doc, pero imposible yun... hindi ko siya kilala, ba't naman niya ako... aishhh!! Imposible!

"Heto oh, kumain ka muna"
"Sino ka?"

O diba di niya ko kilala,... pero may amnesia siya... pero kahit na!

"Ahh, ako si Kiran... ay mali Remi pala"
"Remi?"
"Oo ikaw?"

Ay bobo! May amnesia nga diba...

Tahimik lang siya habang tinitingnan ang pagkain

"Ka..kainin mo na yan, baka lumamig yan"
"Kainin? Paano ba ang pagkain?"

Emeged!! Mababaliw ako dito sa lalaking to! Pati ba naman kung paano ang pagkain hindi niya alam? Ran, kalma ka lang...

"Ahh ganito yun oh"

Kinuha ko ang kutsara niya at isinubo ito sa kanya...

"Tapos, gayahin mo ako"

Emeged!! Para na akong baliw dito, kahit bata alam kung paano kumain... Bakit di niya alam!!! Susubuan ko na sana siya pero kinuha niya ang kutsara

"Ako na, susubukan ko"

Aissshhh!! Imposible talaga ang mga nangyayari eh! Ba't niya alam magsalita pero di alam kumain... Pasensya ang kailangan ko!!

Tinitigan ko siya habang kumakain, nakukuha na naman niya, marunong na siyang kumain... Ang cute niya! Parang bata, sarap pisilin...

Maya-maya lang ay natapos na siyang kumain

"Masarap"
"Talaga? Salamat"

Wahhh!! Para talaga siyang bata, ang cuteeee... Ano ba ang itatawag ko sa kanya? Pwede bang gumawa na lang ako ng pangalan? Aishh! Ang hirap, ganito pala ang feeling ng isang ina na nagbibigay ng pangalan sa kanyang anak...

"Zach (Zak~pronounciation)!!! Z.. zach na lang ang itatawag ko sayo pansamantala since hindi mo pa naman alam ang totoong pangalan mo, okay ba yun?"
"Oo, magandang pangalan"

Nakita ko na malawak ang kanyang ngiti, parang nagandahan nga siya ah... Pero saan ko ba nakuha ang pangalan na yan? Bigla bigla na lang lumalabas sa bibig ko

Magsasalita na sana ako pero biglang sumakit yung ulo ko, ba.. bakit may bata akong nakikita?? Bakit di ko makita ang mukha niya? Anong nangyayari?

"Ahh!!! Ang sakit ng ulo ko!"
"Remi?! Ayos ka lang ba? Teka, maupo ka muna"

Hindi ko na talaga kaya ang sakit, unti unti nang dumidilim ang paligid ko at ang huli kong nakita ay si...

"Zach?"

~Jomicelargurll

A/N:

Ano o sino kaya yung nakita ni Remi Kirana. Abangan sa mga susunod na chapters.

Please vote and stay safe readers 😘

Destined To Be TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon