Untold Story

7 1 0
                                    

Aray! Ang sakit pa ng ulo ko... Anong nangyari? Saan si Zach?

Lumingon lingon ako at nakita ko na nakatulog siya sa spare bed na hinihigaan ko, babangon na sana ako pero nakita ko na nakahawak siya sa kamay ko

Emeged goosebumps!!!

"Z..zach, zach! Gising!"
"Huh?! Ay Remi gising ka na pala"
"Ahh oo, anong nangyari?"
"Sumasakit yung ulo mo kanina at tsaka nawalan ka ng malay, bakit?"

Ano kaya yung memoryang nakita ko kanina? Ba't ang labo?

"Ahh wala naman, sumakit lang talaga yung ulo ko?"
"Ganun ba? Ayos ka lang talaga?"

Aisshhh!! Itong lalaking to

"May amnesia ka ba talaga?"
"Huh? Ako? May amnesia?"
"Bakit? Wala ba?"
"Amnesia ba ang tawag dun kung wala kang maalala?"
"Oo, wala ka ba talagang naaalala? Kahit pangalan mo? Saan ka nakatira? Edad mo?"
"Wala"

Tsk! Ano bang ginagawa ko? Nahihibang na yata ako

"Gutom ka na ba? Punta tayong kusina"

Bumaba na kami at pina upo ko lang siya sa upuan na makikita ko lang siya

Nagluluto ako ngayon ng gulay na may waterleaf... kailangan ko ito baka kasi stress na ako kaya sumakit yung ulo ko

Pagkatapos kung ihanda ang lahat ay kumain na kami...

Aisshhh!! Emeged hindi ako makakain ng maayos... Ba't naman ang gwapong nilalang na ito, Jusko patawarin niyo po ako...

*clears throat*
"Masarap ba?"
"Oo ang sarap" *wide smile*

Aiiissshhhhh!!!! Ang gwapo talaga...

Pero mas gwapo si Christan, kumusta na kaya siya?

Christan's POV

Heto na! Sana naman okay lang yung ideyang gagawin ko, sana gumana to...

Nandito ako ngayon sa garden at inaantay si Annie na dumating, may plano kasi ako

Gusto ko na magkaroon ng fake girlfriend para lumayo sa akin si Kirana at magkaroon siya ng mga kaibigan, ilang taon na kami nagsama at masakit man na iwan siya pero kailangan kong magtiis

Alam ko na masasaktan siya sa gagawin ko pero para naman ito sa ikakabuti niya... Alam kong mahal niya ako, dati pa at mahal na mahal ko rin siya...

Kaya kailangan ko tong gawin

"Kiolo!"
"Uy Annie, buti naman dumating ka na"
"Pwede ba namang di ako dumating"
"Hahahaha maraming salamat pala ha at pumayag kang tulungan ako"
"What are friends for hindi ba?"

Niyakap ko siya sa sobrang pasasalamat sa pagtulong niya sa akin... I'm so grateful that I have a friend like her

But Kirana is different from the others, she's the one who made me, created me and formed my world.

Ay wait! Tama, naghihintay pala sa akin si Kirana, nasaan na ba yun?

"Kiolo!"
"Uy James! Anong nangyari? Para kang hinahabol ah"
"Si...si Ki... Si Remi pala, muntik nang masagasaan"
"Huh?"

Dali dali akong tumakbo palabas ng skwelahan at hinanap si Kirana, asan na siya? Baka nasa hospital siya... Titignan ko na lang muna sa bahay nila...

Dali dali akong tumakbo papunta sa bahay ni Kirana... Hinanap ko ang susi pero di ko makita.

"Shit! Saan na ba yung susi?!"

Bwesit!!! Tumakbo ako pabalik sa bahay at kinuha ang spare key na binigay sa akin ni Ran

Pagkapasok ko, nakita ko na nakabukas ang ilaw sa labas ng kwarto niya, so ibig sabihin, nandito nga siya...tinawagan ko muna siya para alam niya na nandito ako...

"Hello?"
"Ran! Ba't di ka lumalabas sa kwarto mo? Nandito ako sa baba! Ba't di mo ako hinintay kanina, akala ko ba sabay tayong uuwi? Ano kaba! Nag aalala ako sayo. Malapit ka raw masagasaan? Totoo ba yun? Ran!"

Hinintay kong sumagot siya pero wala akong response na narinig...

"Ran! Kirana! Ba't di ka sumasagot?!"

Pinatay niya ang telepono kaya tumakbo ako papuntang kwarto niya...

Pagkabukas na pagkabukas ko pa lang ay nakita ko na umiiyak siya...

Anong nangyari sa kanya?

"Ran!! A..anong nangyari?? Ba't ka umiiyak? May masakit ba? Sabihin mo sa akin?"
"Pa'no mo nabuksan ang pinto?"
"May kandado ako... Ibinigay mo to sa akin"

Kinuha niya agad ang spare key at tinapon ito sa basurahan

"Ran? Ba't mo kinuha? Ano bang nangyayari sayo?"
"Sino?.... Sino yung... babae kanina?"
"Huh? Anong bab...?"

Natahimik ako bigla... napaisip ako at natulala sandali... Nakita niya ba ako kanina?

Nakalimutan ko, may plano nga pala ako... isang masakit na plano na ayaw ko mang gawin ay kinakailangan... Kailangan para maging independent siya... Alam kong masakit para sa aming dal'wa pero dinadasal ko na kapag magkaroon na siya ng kaibigan ay babalik ang lahat sa dati... Matagal na pala akong nakatunganga at nagulat ako ng bigla siyang nagsalita...

"Ano? Ba't hindi ka maka imik! Sino yun?"
"Girlfriend ko"

Bigla ko na lang nasabi... Wala ng atrasan ito, nasimulan ko na kaya dapat ko itong tapusin... Nakita ko na nagsimula na namang maluha luha ang kaniyang mata... Kirana, please wag naman ganto... Baka hindi ko na ituloy ang plano ko kung lagi kitang nakikita na ganto

"A... akala ko ba walang lihim? Ba't di mo sinabi sa akin?"
"Bago pa lang kami"

Agad na sabi ko... Nanggigil ako sa sarili ko.... Gusto kong suntukin ang sarili ko... Napaka gago ko, sinasaktan ko ang taong mahal ko

Bago pa ako mag back-out sa plano ko ay tumayo na ako agad at aalis na sana ng bigla siyang sumigaw...

"Christan!!! Sa lahat ng panahon na nagkasama tayo, may kahit katiting ka bang naramdaman sa akin? Minahal mo ba ako?"

"Oo Ana, minahal kita..."

Minahal kita ng sobra-sobra... Minahal kita higit pa sa isang matalik na kaibigan... Minahal kita ng walang labis, walang kulang... At dahil nga mahal kita, ayokong nakikita na binubully ka.... Ayokong nakikitang nasasaktan ka.... Kaya sana maintindihan mo ang gagawin ko... Sana mapatawad mo pa talaga ako balang araw... Kahit masakit ay sasabihin ko ito...

"Pero bilang kaibigan lang"

Pagkatapos ay tuluyan na akong umalis... Isinara ko ang pintuan at sumandal... Bigla na lang nag uunahang tumulo ang mga luha ko... Sorry Kirana, maiintindihan mo rin ako balang araw... Mahal na mahal kita.... sobra sobra....

~Jomicelargurll

Destined To Be TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon