Arrival

7 1 0
                                    

Kirana's POV

"Zach!!! Matagal ka pa ba diyan? Aalis na tayo"
"Wait lang"

Minsan nagkakaroon ako ng hard-time noh about kay Zach, kasi naman para siyang bata, minsan hindi siya marunong mag-bihis.... Pero don't get me wrong ha, hindi ko pa nakikita yung ano niya, alam niyo na yun... 

At tsaka marami pang hindi kaaya ayang gawain, pero hindi naman talaga SPG na super duper level hahahaha basta ayun...

"Okay, ready na ako"

Ngayon bibilhan ko siya ng mga gamit na sa kanya na talaga... kawawa naman at isa pa maaalala ko lang yung walang hiyang Christan na yun dahil sa mga ginagamit ni Zach...

Binuksan ko na ang pinto at nakita kong nakatayo at natigilan si Zach

"Bakit Zach? May problema ba?"
"W... wooooowwwwww"

Napangiwi ako sa reaction niya, ang cute parang bata, ngayon lang pala siya nakalabas ng bahay...

"Wow! Ang ganda naman dito, mas malaki pa kesa sa bahay mo Kira"
"Eh, hindi naman dapat na bahay ko itong lahat ng space noh, ang laki kaya non"

Inopen ko na yung sasakyan ko at binuksan ko ang passengers' seat baka di niya alam kung paano ito buksan

"Woow!!! Ito ba yung tinatawag nilang karwahe?"

Hahahaha tawa na lang ang na reply ko sa kanya hahahaha... baliw tong lalaking to ah, hello modern world tayo ngayon

"Parang ganun na nga pero sasakyan ang tawag diyan"
"Ahhh, sasakyan"
"Sige na sumakay ka na"

Napaka ingay ng buong byahe namin, tanong ng tanong si Zach sa lahat ng mga nararaanan namin... Mayroon ngang times na gusto ko siyang di sagutin pero hindi pwede kasi baka malay natin, may maalala siya sa lahat ng sinabi ko hindi ba...

Hanggang sa nakarating kami sa mall, tanong pa rin siya ng tanong... Hay! Nakakapagod

"Zach, kain muna tayo, nagugutom na ako"
"Sige, magluluto ba tayo dito?"
"Hahahaha shungek, hindi noh"
"Anong shungek?"
"Expression yan, parang... basta... yung para ka lang tanga"
"Bakit? Diba sa bahay pag magugutom tayo ay nagluluto ka o ako?"
"Eh iba dito, may ibang magluluto para sa iyo"
"Ahh ganun ba yun"

Hindi ko na namalayan na nakarating na pala kami dito sa kakainan namin.

"Zach, nandito na tayo"
"Wow, ang bango naman dito"

Nag-order na ako at ilang minuto lang ay nagsimula na kaming kumain...

"Hmmm, ang sarap Kira, mas masarap pa sa mga niluluto mo"

Halaka siya! Masarap kaya yung mga niluluto ko, pero tama naman talaga, iba talaga yung luto dito...

Pagkatapos naming kumain ay pumunta na kami sa boutique upang mamili ng damit

"Ito Zach, try mo to, parang bagay sayo"

Nag try siya ng iba't iba pang mga damit, letseng lalaki, bagay sa kanya lahat, mas gumagwapo siya sa lahat ng mga sinusuot niya...

Destined To Be TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon