Christan's POV
"Yes ma'am"
At umalis na si Ms. Buenaventura. Sino kaya yang Zach na yan... kanina ko pa yan sila tinitignan. Hindi ako naniniwalang family friend lang siya ni Kirana. Sa tagal naming nagsama, kilala ko na lahat ng mga kakilala niya. Imposible namang magkaroon ng bagong family friend yung family nila na weeks palang simula nong naghiwalay ako sa kanya.
"May ganyan ba tayo sa bahay?" Tanong ng gagong Zach nayon kay Kirana. Sarap sapakin. Saan galing na lupalop yang lalaking yan.
"Siguro, check natin later okay? If wala naman, bili nalang tayo"
Sabi ni Kirana, ang ganda niya talaga, walang kupas. Nag smile naman yung mokong na yun sa kanya. Kunin ko yang lahat ng ngipin niya eh.
"Zach, dito ka muna okay? Kukunin ko lang notebook ko sa locker, madali lang to" sabi ni Kirana.
"Samahan na kita" at akma na sanang tatayo yung Zach kaso pinigilan siya ni Kirana. Napaka atribida naman ng lalaking yan.
"Huwag na, ako na"
"Sige mag-ingat ka"Grabe, malapit nga lang yung locker ang OA kung makapag sabi ng ingat
Umalis na ng room si Kirana agad-agad at pumunta sa locker niya. Dahil sa matagal na kaming nagsasama at sa tuwing pupunta siya ng locker niya ay naiiwan niya lagi ang susi niya at alam kong nilalagay niya lang ito sa gilid ng desk niya ay tumayo na ako at kinuha ito.
"Teka, kay Kira yan ah" awat nitong pakialamerong Zach nato.
"Pake mo, susi niya to sa locker niya" at umalis na ako bago paman siya makapagsalita kasi malapit na ang next subject namin.
Tumakbo ako papunta sa locker niya. Nakita kong napatigil siya at alam kong babalik siya para kunin yung susi niya. Kaso bago pa man siya maka alis ay ibinungad ko na ang mga kamay ko malapit sa mukha niya. Hehehe ang cute niya.
"Ch.. Christan?"
"Pano mo kukunin notebook sa locker mo kung walang susi?"Nag smile lang ako. Natigilan siya at napatunganga pansamantala pero kinuha rin niya agad ang susi sa kamay ko. Binuksan niya ang locker niya at kinuha ang math notebook niya. Nandito lang ako sa gilid ng locker niya nakasandal kasi gusto ko siyang kausapin. Gusto kong sabihin sa kanya ang lahat-lahat dahil hindi siya sumipot sa usapan namin kahapon. Gusto kong malaman sino ang Zach na yun. Ang rami kong gustong malaman this past few weeks na hindi kami magkasama.
"Ano pang ginagawa mo dito?"
"Pwede ba tayong mag-usap?"
"Nanaman Christan?"Anong sinasabi nitong nanaman?
"Anong nanaman? Hindi ka nga sumipot sa usapan natin kahapon eh"
"Ahh, ako pa ngayon ang may kasalanan samantalang ang sabi mo na mag-uusap tayong dalawa pero nandon pala si Annie, ano ginagago mo lang ba ako huh!?"
Huh? Si Annie? Pero, teka, pumunta ba siya don kahapon?
"A...a.. pa..paanong?... pumunta ka ba dun kahapon?"
"Hindi ako katulad mo na hindi sumusunod sa usapan at pangako!"
Hindi ko alam pero bigla na lang akong nagalit at nasigawan ko siya.
"Ahhh, kaya ba gumaganti ka sa akin? Huh?!"
"Ang kapal naman talaga... anong guma..."
"Anong ginagawa nang isang lalaki sa pamamahay mo ha?! Sa tingin mo ba na maniniwala ako sa sinasabi mong family friend?! Akala mo ba na hindi ko kilala lahat ng kakilala mo ha! Ano?! ano jowa mo ba yun?"Pagkasabi ko non ay agad ko na lang naramdaman ang masakit na palad niya sa mga pisngi ko. Natauhan ako bigla at nagulat dahil umiiyak na siya. Mas nagalit ako sa sarili ko dahil sinasaktan ko na pala siya pero hindi ko man lang macontrol sarili ko at kahit anu-ano na lang ang mga pinagsasabi ko.
"Ra..Ran...I'm so sorry... Di ko sinasadyang masigawan ka. Ang gusto ko lang naman na malaman ay bakit may lalaki kang kasama, nakatira pa sa pamamahay mo.. gus..."
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil nagsalita na siya.
"Ano bang pake mo?! Diba lalaki ka rin naman? Diba tumira ka rin naman sa bahay ko? Diba wala ka namang pake sa akin simula nong iniwan mo ako ng basta-basta na lang? Diba nagkajowa ka naman rin? Bakit? Bawal ba akong magkaroon ng boyfriend ha? Diba hindi mo naman ako kinakamusta nong mga panahon na ang lungkot-lungkot ko? Ano namang problema mo kay Zach? Mabuti pa nga si Zach eh. Siguro narinig ng Diyos ang panalangin ko na sana may isang tao man lang na magpapasaya sa akin. Nanalangin ako na ikaw sana yun kaso si Zach ang dumating eh. Nong mga panahon na sobrang down ko, nandyan si Zach, kahit wala siyang ideya kung bakit ako malungkot ay pinapasaya niya ako. Kaya don't act as if you care!!! Kaya mo ngang balewalain ang 18 years na pagsasama natin dahil lang sa petty reasons mo, yan pa kayang lalaking nakatira sa pamamahay ko. Wala ka nang pake sa buhay ko kaya wag kang makialam!"
Mas lalo lang siyang umiyak sa mga sinabi niya. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi ako makapaniwala. Ang tanga-tanga ko.
"Kira?"
Nagulat nalang ako ng paglingon ko sa likuran ay nandoon si Zach. Anong ginagawa ng hayop na yan dito? Umeepal pa siya sa buhay namin eh.
"Kira? Ba't ka umiiyak?"
"Huh? Ah wala Zach, tayo na"
"Hindi eh, may problema ka dahil umiiyak ka, bakit inaway ka ba nito?"Sabay tingin niya sa akin na para bang sasapakin niya na ako. Sige, hindi kita aatrasan.
"Bakit anong problema?" Panguna ko sa kanya. Gusto ko na talaga siyang sapakin.
"Bakit umiiyak si Kira?" Astig rin niyang sabi sa akin. Kapal nang mukha nitong tawagin si Kirana sa second name niya.Magsasalita na sana ako kaso inawat na kami ni Kirana.
"Zach tama na, halika na, wala lang to"
Hinila na ni Kirana si Zach papuntang classroom. Bakit nangyayari ito? Diba gusto ko naman na magkaroon ng kaibigan si Kirana? Ayan na nga, may kaibigan na siya. Pero bakit ayoko na magkaroon siya ng kasama bukod sa akin. Mali siguro na ganito ang way ko para magkaroon ng kaibigan si Kirana. Ngayon ko lang na realize na ayokong may kahati sa oras niya. Selfish na kung selfish pero gusto ko na sa akin lang siya. Akin lang si Kirana.
~Jomicelargurll
BINABASA MO ANG
Destined To Be Together
RomanceLife is complicated, Love is so complex... Who will you choose, the one who's by your side for all of your life or the one who just accidentally came into your life? Paano ka mamimili? Life is not about fairytales, it's about creating your own desti...