Realization

0 0 0
                                    

Kirana's POV

Aisshhhh!! My goodness ang sakit sakit ng puson ko.

Buti na lang at uwian na at makakapagpahinga na ako sa bahay. Naaawa na rin ako ni Zach dahil kanina pa siya tanong ng tanong kung okay lang ba ako. Si Christan naman ayun, panay bigay ng letter at nagtatanong rin kung okay ba ako.

Hinding-hindi ako okay, okay??? Kayo kaya sa situation ko.

"Akin na, ako na ang magdadala, kanina ka pa pinagpapawisan ah, okay ka lang ba talaga?"

Kinuha ni Zach ang bag ko at siya na ang nag dala nito. Pinunasan na naman niya yung mga pawis ko. Kanina pa to niya ginagawa. Yung ibang kaklase namin ang sama na nang tingin sa akin. Wala na akong pake sa kanila. Ang sakit na talagaaa... Gusto ko nang umiyak.

"Uwi na tayo Zach please. Habang may energy pa ako mag drive"

Pumunta naman kami sa parking lot at pumasok na kami ng sasakyan ko. Dahil sobrang sakit na talaga ay nailagay ko nalang yung ulo ko sa manibela ng sasakyan. Lord help me please. Ba't pa ako napabilang sa mga babaeng sobrang sakit yung puson sa tuwing menstruation nila. Sana sa susunod na life ay ipanganak naman ako na lalakiiii...

"Masakit na ba talaga? Gusto mo ako na lang mag drive?"

Medyo natawa naman ako sa sinabi ni Zach. Baliw to!

"Bakit? Marunong ka bang mag drive?"

Pero kahit na dinidistract ko ang sarili ko ay nafifeel ko pa rin ang sakit. Ang sakit sakit talaga.

"Ahhhh!!! Ang sakit!" Isinigaw ko na lang dahil feeling ko mamamatay na talaga ako. Litseng buhay naman to oh.

"Kira, gusto mo bang mag taxi na lang tayo? O di kaya pumunta na lang tayo ng hospital? Sige na, hindi ka okay eh"

Nagulat na lang ako nang may kumatok sa bintana ng sasakyan. Si Christan lang pala. Binuksan ko naman ang bintana.

"Ano na naman ba?! Ahh aray ko po!"

Pilit ko mang itago yung sakit sa kanya pero di ko na talaga kaya.

Binuksan niya ang pintuan sa backseat at inunlock naman niya ang pintuan ng driver's seat at tsaka kinarga na niya ako

"Hoy anong gagawin mo kay Kira?!"

Hindi niya pinansin ang tanong ni Zach at pumunta siyang backseat at inihiga ako doon.

"Ano ba! Kaya ko pa nga eh"

Hindi siya umimik at pinaandar na ang sasakyan.

"Ouucch!!" Nag inhale exhale na lang ako dito dahil sobrang sakit na talaga. Well I guess kailangan ko rin ng tulong pero last nato. Inilukot ko na lang ang sarili ko para medyo maipit yung puson ko, hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Christan's POV

"Ano bang meron sa inyo ni Kira ha?!"
Gagong lalaking to. Kapal naman ng mukha na tanungin ako kung anong meron sa amin ni Kirana.

"Eh ikaw? Ano bang meron sa inyo ni Kirana? Ba't bigla bigla ka na lang sumusulpot sa buhay niya? Saan ka ba galing ha?!"

Naku! Kung hindi lang talaga ako nagmamaneho ay kanina ko pa to nasapak. Pa epal eh.

Hindi naman siya umimik matapos ko siyang tanungin. Wala pala to eh.

Tumingin ako sa rearview mirror at nakita kung binaluktot ni Kirana ang kaniyang katawan. Sa mga panahong may dysmenorrhea siya ay ako lang yung nagmamassage ng puson niya. Sabi pa niya ako yung medicine niya pero si gagong ako ay walang ginawa para ma preserve yung relationship namin. Mas sinira ko pa. Kaya ngayon, ayaw na niyang pakinggan ang reasons ko. Pero valid nga ba ang mga reasons ko?

Nandito na pala kami sa entrance ng subdivision. Pinagbuksan naman kami ng guard. Since medyo half open yung bintana ng sasakyan kasi ayaw ko ng super close kasi nabuburyong ako so nakita ako ng guard

"Hi po sir. Bakit kayo po ang nagmamaneho ng sasakyan ni Ms. Vasquez?"

Binuksan ko ang bintana ng backseat para makita niya si Kirana

"Ako muna ang nagmaneho kasi masama po ang pakiramdam ni Ran"

"Ahh sige po sir. Kaibigan niyo po ba yang katabi niyo? Ngayon ko lang po siya nakita."

Napakatsismoso naman ng guard na to. Pero buti na rin to kasi alam ko namang ginagawa niya ang trabaho niya. Ganito kasi sila dito. Tinitignan nila talaga ang mga tao sa sasakyan o kahit sinong papasok kahit alam na nila ang mga plate numbers. Nag nod lang ako sa sinabi niya at nagsalute naman siya so umalis na ako.

Pero di pa ako nakakalayo ay napahinto ako agad dahil may narealize ako. Napatingin na lang ako nang diritso kay Zach.

"Hoy ano ka ba! Marunong ka ba talagang mag drive?! Alam mo namang nandito si Kira ah"

Medyo nagkagoosebumps ako dahil sa naisip ko. Hindi ko sinagot ang tanong niya at pina andar muli ang sasakyan.

Pano nangyari yun? Yung guard na kausap ko kanina ay pang whole day shift ng 1 month at ngayon yun na month. 24 hours na nakabantay siya. May kasama siyang nagshishifting pero siya usually ang nagbubukas at nagchicheck ng mga tao na pumapasok.  Imposible naman yata na hindi niya mafamiliarize sa isang buwan.










Kung ganon, paano nakapasok dito si Zach?

Sino ka ba talaga? Anong ginagawa mo sa buhay ni Kirana? Bakit ka pinagtatakpan ni Kirana? At bakit pamilyar sa akin ang mukha mo?

~Jomicelargurll

Destined To Be TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon