Christan's POV
Nagising ako mga bandang 5. Sinilip ko ang bintana ko kung saan makikita rin ang kwarto ni Kirana. Bukas na yung ilaw. Alam kong ganitong oras din siya gumigising. Sa aming dalawa, siya talaga yung unang nagigising. Humiga lang muna ako sa kama at nagmuni-muni. Mga 5 minutes siguro ng naisipan ko ng bumaba. Naamoy ko na yung luto ni mama.
Nagshower na muna ako at tsaka nagbihis na ng uniform. Pagkatapos ay tsaka na ako bumaba.
"Good morning ma"
"O, good morning anak. Ang aga mo yatang nagising ngayon?"
"Sasabayan ko si Kirana papuntang school. Ang aga non nagigising eh. Alam niyo naman po na early bird yun"
"Ahh oo nga pala, magkasama kayo ni Remi kahapon?"
"Huh? Ahh... a .. o..oopo. Magkasama po kami. Ba't niyo po natanong?"
"Wala lang. Akala ko hindi na kayo nagsasama. Mas maaga kana kasi dito sa bahay eh. Tsaka dito ka na rin natutulog. Akala ko ba Saturday at Sunday ka lang dito, ginawa mo na ngang bahay yung kela Remi eh hahaha."Hindi na lang ako nagsalita at baka malaman pa ni mama na hindi na kami nagsasama pa ni Kirana. Pero totoo naman. Sasamahan ko siya papuntang school ngayon.
"O heto anak o. Baon mo. Bigyan mo narin si Remi. Hindi na ako nakakabisita sa kanya kasi busy ako. Send my regards na lang sa kanya. "
Kumain na ako at maya-maya pa ay umalis na ako kaso hindi ko alam kung lumabas na ba si Kirana o hindi pa. Kaya naghintay muna ako. Nakikita ko pa yung sasakyan niya. Sana naman ay hindi siya magsasakyan para masundan ko siya. Dadalhin kasi ni mama ang sasakyan namin kaya hindi ako makagamit.
Maya-maya pa ay nakita ko na siyang lumabas ng bahay nila at tinignan ang sasakyan niya. Sobrang saya ko ng tumalikod siya at nagsimulang maglakad. Thank you Lord at hindi nga niya ginamit ang sasakyan niya.
Nagsimula na rin akong maglakad at sinundan siya. Tumigil siya at lumingon sa likod kung saan nandon din ako. Na feel niya pala ako? Tumalikod na rin siya sa akin at nagsimula na namang maglakad. Pero this time, ang bilis bilis na niyang maglakad na to the point na para na siyang tumatakbo. Hahaha ang cute. Iniiwasan niya talaga ako.
Hanggang sa makarating na kami ng school. Pawis na pawis na siya. Nakita kong pumasok na siya ng room. 10 minutes na lang pala at time na. Nakita ko si Annie na kumaway kaya umupo na lang ako sa tabi niya. Syempre, kalat na sa buong campus na 'magjowa' raw kami. Bobo ko. Yun naman ang pinalabas ko. Tsk!
Nakita kong kinuha ni Kirana ang mga notes niya at nag-aral. May natitira pa pala siyang quiz na namiss.
"Uy Kiolskie, kamusta usapan niyo ni Ms. Perfect mo? Ayos ba?"
"Well, hindi pa kami nag-uusap Dan eh. Pero di bale, kakusapin ko na talaga siya ngayon."
"Ang slow mo naman Kiolskie""Guys, absent raw ngayon si Ms. Gonzales" sabi ng isa naming kaklase.
Tiningnan ko si Kirana at na disappoint naman siya. Ikaw ba kayang mag-aral na mapunta lang sa wala. Pero well, hindi naman yun mapupunta sa wala. Ah ewan ko basta yun na yun. Nakita ko siyang tumayo na may dala-dalang folder kaya naisipan ko rin na tumayo, para sundan siya at kausapin na rin. Tutal wala namang teacher.
3rd Person's POV
Ngunit sa planong sabihin ni Kiolo ang katutuhanan kay Remi ay may tutol dito.
"Hinding-hindi ako papayag"
Ang sabi pa nito sa sarili.Christan's POV
Habang sinusundan ko siya ay nakita ko naman si Annie. Kailan pa to siya lumabas?
BINABASA MO ANG
Destined To Be Together
RomantizmLife is complicated, Love is so complex... Who will you choose, the one who's by your side for all of your life or the one who just accidentally came into your life? Paano ka mamimili? Life is not about fairytales, it's about creating your own desti...