Explanation

5 0 0
                                    

Kirana's POV

"Re... Remi?? A... anong ibig sabihin nito?"
"Ti... tita Tiffany? Ba't nandito ka, diba bukas pa ang dating mo?"

Utal na tanong ko kay tita Tiffany

"Kanina pa ako tawag ng tawag sayo at nag text pa ako na darating ako ngayon! Tapos ito pala ang madadatnan ko!"

Ay oo nga pala, kaya pala tumutunog yung phone ko kanina, may tumatawag pala, ngayon galit na si tita Tiff... Anong gagawin ko?!

"T.. tita let me explain..."

"No, I don't need your explanation, pa alisin mo ang lalaking yan ngayon din!"
"Pero tita, wala naman kaming ginagawang masama!"
"Kung wala, bakit siya nandito at nasaan si Kiolo?"
"Si Christan? M... ma... may... Pero tita Tiff, wala talaga kaming ginagawa, tinutulungan ko lang siya"

"Tinutulungan mo pero hindi mo alam ang best friend mo kung saan nag punta? Anong klaseng pagtulong yun na kailangan mo pa siyang itago sa akin?"

"Tita, iexplain ko nga, yung tayong dalawa lang"

Umalis si Tita papuntang guest room... nako nandoon ang mga gamit ni Zach

"REMI KIRANA VASQUEZ!!! Anong ibig sabihin nito??!!!"

Umakyat ako sa taas at agad agad kinuha ang mga gamit ni Zach...

"Ay Tita sa kwarto ko na lang to ilalag..."

"Tapos ano? Siya mag stay doon tapos ako dito? Parang mali naman yun?!"

Ay baliw, oo nga pala, pasensya na po tita... inilagay ko pabalik ang mga gamit ni Zach sa kama niya at tinulungan kong buhatin ang mga gamit ni tita Tiff sa kwarto ko...

"REMI!!! You better have to give me a proper explanation kung papaano nandirito sa pamamahay mo ang lalaking yan at pati si Kiolo hindi mo alam kung saan"

Pumasok na si Tita sa kwarto at isinara ito, patay ako nito, sana wag lang muna niyang sabihin kay mommy ang tungkol kay Zach

"Tita mo ba yun Kira?"
"Oo, at galit na galit siya kung bakit ka nandito"
"May nagawa ba akong mali?"
"Wala naman, hindi ka kasi niya kilala kaya ganyan siya ... Worried lang siya sa akin"

Pinatulog ko na si Zach sa kwarto niya at nag aalangan ako na pumasok sa kwarto ko kung saan nandoon si tita Tiff...

Pagkapasok ko ay nakita ko si tita na nakatayo sa terrace... Ano bang sasabihin ko nito... Ah, bahala na!

Pumasok ako at niyakap ko si tita sa likod...

"Tita, sorry na, tinu..."
"Kailan pa siya dito?"

Kalmado na ang tono ni tita Tiff kaya mas confident na ako na mag-explain sa kanya...

"Mag dadalawang linggo na po siya dito"
"Ganun katagal? Hindi mo man lang sinabi?"

Tinanggal ko na ang pagkakayakap ko kay tita at umupo sa couch... Napaka ganda dito, ang bango ng simoy ng hangin at makikita mo ang mga city lights.

"Natakot ako, nagpanic, hindi ko alam ang gagawin ko kaya ang una unang ininform ko ay yung doctor ko"

"Doctor mo? Bakit naman may doktor na kasali?"

"Eh kasi duguan siya noong unang punta niya dito"

"Duguan? Bakit naman?"

"Eh ganito kasi yun..."

Kinwento ko lahat lahat ng nangyari kay Zach kay tita in details talaga para maintindihan niya...

"So kaya nandito siya at kailangan ko rin ang tulong mo"

"Eh, hindi mo kilala yan, baka naman may masamang gawin sayo yan... Talaga bang hindi siya maka alala?"

"Oo nga tita, paulit ulit? At isa pa, pakiramdam ko mabait naman siya... Kahit hindi niya maalala yung sarili niya ay pakiramdam ko ok naman siya"

"Eh kung ganon, anong gusto mong gawin ko para matulungan siya?"

Nabigla ako sa sinabi ni tita... Ano daw? Tulong?

"Totoo tita? Tutulungan mo talaga ako?"

"Naku! Kung hindi lang talaga kita mahal at kung hindi ako naaawa sa Zach nayan ay baka naku!"

Gigil na gigil si tita pero na appreciate ko ang offer niya...

"I love you po tita"

Tapos niyakap ko siya ng sobrang higpit

"So ano na?"

"Eh kasi tita... ano kasi... hindi ko siya pwedeng iwan sa bahay kaya..."

"Kaya ako ang magbabantay"

"Ay naku hindi po, gusto ko rin po siya sanang paaralin pero problema ko ay wala akong information tungkol sa kanya at gusto ko sana na matulungan mo ko about don... Kung pwede lang naman"

"So ganun, mag fa-fake ako ng identity niya, yun yung gusto mong sabihin?"

"Eh tita para lang naman makapag-aral siya at para mabantayan ko rin siya sa paaralan, sige ka tita, dalawang linggo na akong hindi pumapasok... gusto mo bang hindi na rin ako mag-aral?"

"Tinatakot mo pa talaga akong bata ka ha, sige, bukas na bukas"

"Yeyyy!!! Salamat po talaga tita... I love you po"

"Pasalamat ka talaga at mahal kita, sige na matulog na tayo at promise mo sa akin papasok ka na bukas na bukas din...okay ba tayo don?"

"Okay na okay po tita... Sige po goodnight po"

Hayyy! What a relief..  i re-ready ko na lang sarili ko bukas, mabuti na lang talaga at naiintindihan ni tita ang sitwasyon ko....
Dapat handa na ako bukas...

~Jomicelargurll

A/N:

Here's the update guys.

Thank you for reading 'Destined To Be Together' kahit kaunti pa yung nagbabasa ay okay lang sa akin.

Please feel free to vote and comment love you readers 😘

Destined To Be TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon