Fiance

0 0 0
                                    

Kirana's POV

"Okay ka lang ba Zach? Kanina ka pa balisa ah simula nong sinabi ni doc na kailangan mo ng CT scan. Natatakot ka ba?"

Nagdadrive nga pala ako ngayon, papunta kaming hospital ni Zach kasi sabi nga ni doc Kelvin na kailangan niya i CT scan pero ewan ko ba't kanina pa to siya wala sa sarili na para bang kinakabahan.

"Ha? Hi..hindi naman ako natatakot"

Sagot niya. Alam kong parang may mali sa mga inaasta niya ngayon pero pinabayaan ko na lang siya hanggang sa makarating kami sa hospital.

"Zach? Pwede naman natin i-resched yung appointment natin eh."

Kasi naman eh. Lagi na lang akong pinag-aalala ng lalaking to.

"Hi..hindi Kira, okay lang. Tara na"

Tinanggal na niya yung seatbelt niya at lumabas ng sasakyan. Kaya  bumaba na rin ako. Hindi ko alam pero hinawakan ko na lang yung kamay niya kasi feel ko lang na hindi siya kakabahan pag ginawa ko yun. Wala nananantsing lang talaga ang lola niyo hehehe.

Kaya ayun. Pumunta lang kami sa office ni doc Kelvin at nagkaroon lang sila ng small talk hanggang sa inaya na nga siyang mag CT scan.

"Uhmmm. Doc pwede bang tayo lang muna sa loob ng CT scan room?

Sabi ni Zach kay doc Kelvin. Pero teka bakit? Nakakaduda naman ata. Pero wala akong choice kaya nag antay na lang ako sa labas.

Doc Kelvin's POV

Nakalabas na si Remi sa office at kami na lang ni Zach ang nandirito.

Matagal ko nang kilala ang family nila Remi. Simula pa dati ako na ang naging family doctor nila at tinuturing ko na rin na parang anak ko si Remi.

Alam ko na rin ang mga nangyayari sa kanila o sa buhay nila at ngayon naman ay alam kong may hindi magandang mangyayari na naman.

Alam ko ang dahilan kung bakit ayaw ni Zach na kasama si Remi sa loob ng CT Scan room. Kung tama man ang deductions ko ay maaaring gulo na naman ang mangyayari sa buhay nila Remi.

"O Zach, humiga ka na don at sisimulan ko na ang pag C-CT scan sayo okay?"

"Yes po doc"

Prinepare ko na yung mga gagamitin sa CT scan at sinimulan na ito.

Maya-maya pa ay natapos na rin at kailangan ko na lang aralin ang mga resulta ng CT scan niya.

"Mag-stay ka muna sa labas. Samahan mo muna si Remi don"

Nang nakalabas na si Zach ay pinag-aralan ko nang mabuti ang resulta ng CT Scan niya.

Nagulat na lang ako sa aking nalaman pagkatapos.

Naku! Hindi maganda ito.

Kirana's POV

Maya-maya lang ay nakalabas na rin si Zach galing sa CT scan room.

"Oh, kamusta? Anong nangyari?"

"Wa-wala pa eh. Lalabas lang maya-maya si doc Kelvin"

Nag nod na lang ako sa sinabi niya at nag-antay nga kay doc hanggang sa makalabas na nga siya.

"Doc? Ayos lang po ba si Zach? Ano pong problema sa kanya?"

Nagkaroon ng sobrang habang katahimikan at ang tanging maririnig lang ay ang ingay ng ibang pasyente sa hospital. Titig na titig si Doc Kelvin na siya namang dahilan ng sobrang kaba ko.

Nabasag ang katahimikan ng magsalita si Zach.

"Uhmm... doc, baka pwedeng ako muna ang maka-alam sa resulta, gusto kong malaman muna bago ibalita kay Kira"

Destined To Be TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon