Group Project

4 0 0
                                    

Kirana's POV

*unat* *unat*

Ahh, kay gandang panaginip. Pero habang nagmomoment ako at tinitignan ang paligid ay agad na lang akong napabalikwas ng bangon ng maalala ko na nakatulog pala ako sa kwarto ni Zach kagabi pero ang mas wierd ay nandito na ako sa kwarto ko. Napahawak na lang ako sa bibig ko dahil sa gulat.

Pagtayo ko ay nakita ko si tita Tiff sa terrace na umiinom ng kape.

"Good morning tita" pagkatapos ay binack hug ko siya.

"O kamustang tulog mo?"

"Ok lang naman po, anong oras po kayo naka uwi kahapon?"

"Mga 8 siguro. Pero nang paakyat na ako ay nakita kong binubuhat ka ni Zach. Nakatulog ka raw sa kwarto niya"

Napakamot na lang ako sa ulo. Ayieee.. ang sweet naman ni Zach. Napaka manly. 😊

"Nag study kasi kami kagabi tita pero nakatulog ako hehehe"

"Ahh ganun ba, pero Remi, kagabi ko pa medyo na realize na parang pamilyar yung mukha ni Zach. Parang nakita ko na siya dati, somewhere. Wala ka bang familiarity sa mukha niya?"

"Kayo rin po tita? Ang wierd nga tita kasi nong una ko siyang nakita ay may tinawag siyang Kira. Tapos ngayon ay tinatawag niya rin akong Kira. Do you think may connection yun?"

"I don't know pero since hindi pa naman natin alam kung saan talaga siya nanggaling ay mag-iingat ka sa kanya okay?"

"Okay po tita. Pero parang harmless naman po siya."

"O sige maligo ka na don at magbreakfast na kayo. Pupunta sila Kiolo dito diba? Okay ka lang ba?"

"Okay lang po tita, nandiyan naman po si Zach"

Nagsmile lang si tita Tiff sa akin at pumunta na ako sa cr para mag shower.

Bakit kaya pamilyar rin si Zach kay tita? Di kaya nagkita na kami dati? *scoffs* bahala na, sasabihin naman siguro ni Zach sa akin pag may naalala na siya diba?

Pagkatapos kong maligo at magbihis ay bababa na sana ako nang may nahagip akong isang papel malapit sa lampshade ko. Pagkakita ko ay yung bonus question pala. Baliw ba siya? Ba't naman ganito ang question?

Square root of negative 1? Diba 'i' yung sagot? Aishh! Bahala siya diyan. Gusto ko sanang i search kaso sabi niya na dapat ako ang magdiscover without internet. Pano naman kaya yun? Books?

Nilagay ko na lang sa kama yung papel at bumaba na. Sa susunod ko na lang yun sasagutan tutal sabi naman niya na pwede kahit kailan ko sagutin.

"Kira, breakfast na tayo" bati ni Zach. Nakaprepare na ang lahat sa table. Yiee ang sarap naman ng breakfast.

Pagkatapos namin mag pray ay kumain na kami.

"Remi mag bake ka na lang ng cookies para sa bisita mamaya. Para naman may makain sila."

"Okay po tita"

Natapos na kaming kumain at as usual ay hinugasan na namin ni Zach ang mga pinagkainan namin habang si tita naman ay nanonood ng tv.

Habang naghuhugas kami ay naglalaro rin kami ng dugtungan song. Yung last word ng kanta ay dapat madugtungan ng first word ng isa pang kanta. Tawa lang talaga kami ng tawa.

Nang matapos na kami ay kinuha ko na yung ingredients ng cookies para makapag bake na ako.

"Zach, pakikuha nga ng butter sa ref"
"Okay"

Habang kinukuha ni Zach yung butter ay sinusubukan ko namang abutin yung flour na nasa itaas ng cabinet. Ba't naman nilalagay dito, ang taas. Naisipan kong kumuha ng upuan pero nakita kong may kamay nang nakakapit dito. Paglingon ko ay nandon si Zach, sobrang lapit na halos marinig ko na yung heartbeat niya habang nagtititigan lang kami. Naaamoy ko na rin siya sa sobrang lapit.

Destined To Be TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon