CHAPTER FOURTY

20 0 0
                                    

15 minutes na kaming nasa byahe pero wala pa ring umiimik sa aming dalawa.

Ang awkward kaya !

"So.. How are you?" Sa wakas nagsalita na din siya!

"I'm fine. Ikaw?"

"Better than ever."

"Good."

....

...

...

...

..

AWKWARD TALAGA!!!!!

Tumikhim pa muna ko bago ko nagsalita ulit. "How is he?"

Halatang medyo naguluhan ito.

"Si Gabby?"

"Uhmmm... Yup."

"He's fine. He's actually getting married. I think the wedding will be next year."

"Really? So who's the lucky girl?" Naexcite ako nang malamang ikakasal na pala si Rhuwan.

"It's Faye." Nakangiting sahi ni Red.

"Talaga?" Sabi na nga ba silang dalawa talaga ni Rhuwan ang para sa isat isa. Matagal ko ng nararamdaman na higit pa sa kaibigan ang tingin ni Faye kay Rhuwan. Hindi lang yun siguro napapansin ni Rhuwan dahil nasa akin ang atensyon niya.

I am glad na dahil sa pag layo ko, may napasaya akong mga tao.

"Uhmm. Eh kamusta naman kayong dalawa?" Naiilang na tanong ko.

"Okay na okay kami Yen." Tumingin ito saglit sakin pero binalik na din niya agad sa daan ang tingin niya. "Kung sa tingin mo ay masisira kaming magkapatid ng dahil lang sa isang babae na pinaglaruan at iniwan lang kami. Well, you're wrong."

Hindi na lang ulit ako nagsalita. Mukhang galit pa rin siya sakin dahil sa mga sinabi ko sakanila that day.

But I guess wala naman akong dapat pagsisisihan. Atleast isa man lang sa aming tatalo, ay may naging masaya.

"Ikaw Yen, how is your life?" Walang buhay na tanung niya.

"Kahit pagbalik-baliktarin pa natin ang mundo Red, my life will never change. Alam mo yan." Medyo natawa pa ko sa sinabi ko. That's how cruel my life is.

Tinutukoy ko ang pagkontrol ni Daddy sa buhay ko. Sa buhay namin ni Mayson.

"Wag kang magsalita ng tapos Yen. Every second of every men's life are constantly changing." Lalim nun ah! "Malay mo mamaya or bukas, bigla na lang magkaroon ng malaking pagbabago sa buhay mo."

"Sabagay. Pero kung may pagbabago man na mangyare, sana maiaahon ako nun sa lungkot ng buhay ko. I also deserve to be happy, you know." Nakikipaglabanan din yata ako sa hugutan eh! Hahahaha.

"You really deserve a better life Yen."

Ang gulo nitong lalakeng to! Kanina galit tas ngayon naman... Ughhh!!

-------


"Salamat sa paghatid Red." Kumaway pa ko sakanya bago niya istart ulit ang kotse.

"Welcome. See you tomorrow Yen." Tumangi lang ito tapos umalis na.

Cold indeed.

Sinimulan ko ng umakyat sa condo ko. Nahiga agad ako sa kama ko pagkapasok ko sa kwarto.

Red.

Bakit ba ganun pa din yung epekto mo sakin?

Haaaaay...

Her Once In a Lifetime Love (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon