CHAPTER FOURTY SIX

23 0 0
                                    

"WHAT THE HELL ARE YOU DOING HERE RED?!" Tinakpan ko agad ng kamay ko ang dibdib ko. Napaka walang hiya talaga nito!

"Hahahahahaha! Wag mo ng takpan, nakita ko na kanina. Tsaka, magiging mag asawa na rin naman tayo remember?" Tumayo na ito at mukhang papalapit sa akin.

"Aba't !" Binato ko ito ng suklay na nasa may desk ko. Nakaiwas naman ito kaya binato ko ulit ng kung ano mang madampot ko. Tumama yun sa tyan niya.

"Hahahahahahaha! Oo na sige na lalabas na. Magbihis ka na at nang makakaen na tayo." Tuluyan na siyang lumabas ng kwarto ko.

AAAAAAAAAAAAH! KAINIS!!!!! Nakakahiya ! Huhuhuhuhuhu! Ang manyak nun ! Tsssss!

Nagpalit na agad ako ng damit saka tumuloy sa labas. Wala siya sa sala kaya sa kusina ako pumunta.

May nakahain na pagkain sa lamesa. Fish and veggies.

"What's this?" Tanong ko kay Red na busy sa paghahain.

"Obvious ba? Edi pagkain."

"Pilosopo! I mean para saan tong nakahain na to?"

"Para sa atin."

"Anung meron?"

"Wala lang. Gusto ko lang makasabay kumaen ang fianceé ko." Nakangiti sagot niya. "Maupo ka na ng makakaen na tayo."

Awtsuuuuuuu!

Bakit ba kinikilig ako kapag tinatawag niya kong 'fianceé ko'. Ihhhhhhh !!!

"Nahalata kong nagwowork out ka kaya ito na lang binili ko. Okay lang ba? Mahilig ka din naman dito diba?" Pinaglalagay niya ko ng pagkain sa plato ko.

"Yep" sagot ko.

"Buti naman" nakangiting sagot niya.

"So after mo kong bosohan, eto ka at sweet na sweet na pinaghahain ako?"

"Yen, hindi ko sinasadya yun. Di ko alam kung saan ako magtatago nung dumating ka. Gusto sana kitang surpresahin. Di ko naman inexpect na may pagka bold star ka pala. Hahahaha!"

"Aba't!" Nakatikim siya ng malakas at mainit init pang batok.

"Hahahahaha! Tuh naman! Sorry na okay? Di ko talaga sinasadya." Mukhang sincere naman to kaya tumango na lang ako.

"Osya kain na." Sabi ko.

Nagsimula na kaming kumaen. At sobrang sarap ng dala niya huh? May ganito pala kasarap na pagkain along the way. Teka ! Bakit nga pala ang bilis niyang nakarating dito?!

"Ang bilis mo namang nakarating dito sa bahay, eh halos sabay lang tayo umalis ng office, tas eto may dala ka pang fud."

"I have my ways dear." Nginitian niya ko saka tumuloy sa pagkain.

Ways daw. Hindi kaya si Mateo Do talaga to na nakakapag teleport?!

"I have my ways nga ! Kilala ko yang mga titig mong ganyan eh. May iniisip kang masama."

Pano niya nalaman ?!

Tinawanan lang ako nito. Tsss.

Sinalinan niya ko ng wine na dala niya sa baso ko. Balak ba kong lasingin nito ?!

"Wag kang praning! Gusto ko lang patikim sayo tong wine. Ito kasi yung gagamitin sa reception ng kasal natin."

Bat parang nababasa niya nasa isip ko ?! Urghhh !

"Go ahead, tikman mo." Nakangiting sabi ni Red.

Kinuha ko ang baso at tinikman ito. SOBRANG SARAP !

Her Once In a Lifetime Love (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon