CHAPTER TWENTY

46 0 0
                                    

"Clea ilang araw ng di pumapasok si Ming, di rin niya sinasagot ang mga text at tawag ko. Wala din daw siya sakanila. May idea ka ba kung nasaan na siya ?" Sunday ngayon kaya nandito kami ni Clea sa paborito naming coffee shop. Nakaugalian na kasi naming tatlo nila Red na dito kami tatambay every Sunday Morning. 8am ang usapan pero 9:30am na wala pa din si Red.

Ano bang nangyayare sakanya ? May problema ba siya ? Bakit di man lang niya nasabi sakin ? Nag away ba sila ulit ni bruha? Sana nagtext man lang siya!

"Isa pa nga pong pancake!" Napatingin ako kay Clea. Itinaas pa nito ang kamay niya at kinakawayan si gwapong kuya na mukhang foreigner na nakaupo sa tapat ng cash register.

Siya ang may ari ng kafe na to. Wala siyang ibang empleyado at yung lovey doves lang niya ang katulong niya dito.

Medyo tago itong pwesto ni kuya kaya madalas konti lang ang tao dito, pero saksakan ng ganda ang atmosphere at super sasarap ng mga nasa menu nila kaya naging paborito namin to nila Clea.

Tiningnan ko si Kuya, ngumiti ito at tumango.

Bumalik ang tingin ko kay Clea habang umiinom ng Choco Frappe na inorder ko. Susko! Nakikinig ba to sakin ?! Pang apat na order na niya ng pancake eh.

"Oy Clea! Nakikinig ka ba ?! Tsaka drinks ko na yang nilalantakan mo ah ! Naglilihi ka ba ?!" Sigaw ko sakanya.

"Baliw! Buong araw kasi akong hindi nakakaen kahapon sa sobrang depress." Napansin kong kanina pa ito nanlalambot kaya alam kong may pinoproblema ito. Ngumuso ito at saka tumungo. Kinuha niya ang tinidor niya na nakalapag sa lamesa at saka nilaro laro ito sa plato na nasa harap niya.

"Nako naman ! Sabi naman kasi sayo hiwalayan mo na yung lalakeng yun! Pag patuloy mo yang pagpakashunga mo dun sa boypren mong ubod ng gwapo!" Inirapan ko lang ito. Ewan ko ba dito sa babaeng to! Siya ang perfect example ng katagang, 'Love is Blind'.

Tiningnan niya lang ako saglit pero bumalik din agad ito sa ginagawa niya.

"Hay nako Clea ! Nag usap na tayo na kapag nagkaproblema na naman kayo ng lalaking yun ay hindi na kita tutulungan ! Tigas kasi ng ulo mo eh !" Urghh! sarap batukan!

"Sesa tama na! Wawa na yang si Clea uh!" Napatingin agad ako sa lalakeng umupo sa tabi ko. Si Red pala.

Tiningnan din siya ni Clea pero maya maya ay yumuko ulit. Arte mode na naman tong bata.

"Aba ! Buhay ka pa pala! Buti naalala mong may mga kaibigan ka pa." Walang tingin sabi ko sakanya. Kinuha ko ang frappe ko at sinaid ang laman nun gamit ang straw.

Halong saya at tampo ang nararamdaman ko ngayong nagpakita na siya sa wakas.

"Tuh namang prinsesa ko, something came up lang. Urgent eh kaya di na ko nakapag sabi. Wag ka na tampo, sorry na" Hinawakan nito ang kamay ko na nakalagay sa lamesa.

Yung malambot niyang kamay na nakakapanghina. Pshhhhh. Wala na, tunaw na tampo ko! Miski yung taba ko natunaw na!

Napabuntong hininga na lang ako. I guess wala talaga kong kalaban laban sa Adonis na to. "Okay fine ! Just treat me another frappe. Inubos kasi ni Clea tong akin eh." Inalis ko ang kamay niya at kunwari check ko ang phone ko.

"Yun lang ? Sure sure ! Bati na tayo huh ?" Ngumiti naman ito agad at sinenyasan si Kuya. Umorder na rin ito ng pagkain niya.

"Oo na nga, kulit!" Tiningnan ko si Clea. Nakatungo pa rin ito. Malakas ang kutob ko na nakatulog na ito sa lamesa. "Di na ko magtatanung kung anong eksaktong nangyare. Siguradong wala akong makukuhang matinong sagot sayo. Tong si clea na lang ang pagtuunan mo ng pansin."

"Huh ? bakit ? anu na namang nangyare?"

"Nako Ming pagsabihan mo yang babae na yan huh ?! Napaka tanga sa pag ibig! Dami dami namang mga lalake jan. Kung sino pa yung papalit palit ng babae yun pa ang minahal!" Sabi ko kay Ming.

"Alam mo Sesa, pag nagmamahal ka ganoon talaga. Yung wala kang pakialam kahit alam mong masasaktan at masasaktan ka lang ng paulit-ulit. Wala kang pakialam sa sasabihin ng ibang tao. Yung walang ibang importante sa buhay mo kundi siya lang.  Yung kahit alam mong wala kang pag asa sakanya, ipipilit mo pa din, gagawin mo ang lahat mapasayo lang ang mahal mo. Yung kahit alam mong sobrang komplikado ng sitwasyon, hahanap at hahanap ka ng paraan para lang maging kayo habang buhay. Yung kahit alam mong may mahal na siyang iba, ipaglalaban mo pa din kung ano yung nararamdaman mo para sakanya." Tiningnan ko si Ming. Nakatungo ito at titig na titig sa lamesa. May napansin din akong mapait na ngiti na sa mga labi niya. I dont know why but that smile broke my heart.

Hindi ko naintindihan ang mga sinabi niya pero isa lang ang sigurado ko, hindi na si Clea ang tinutukoy niya. May problema ba siya?

Humarap ako ng pagkakaupo sakanya, hinila ko ang ulo niya papunta sa balikat ko. Hinawakan ko ang isa niyang kamay at mahigpit ko itong hinawakan. Naramdaman kong nagulat siya sa ginawa ko.

"Ming, kung ano man yung problema mo, I'm always here for you, alam mo yan. Pag hindi mo na kaya, sandal ka lang lage sakin. Handa ako laging damayan at pakinggan ka. Okay ba yun?"

Nanatili kaming dalawa sa ganong posisyon ng matagal. Walang bakas ng pagpalag sakanya pero wala rin itong imik.

"Ming?"

Bumitaw ito sa kamay ko at bigla niya akong niyakap. Mahigpit yun. Wala akong ibang nagawa kundi gumanti sa masarap niyang yakap.

"Thank You Sesa." Mahinang sabi ni Red.

Hindi ko alam kung bakit nagdadrama itong lalakeng gwapo na to pero thankful ako kasi nabigyan ako ng pag kakataon na mayakap siya.

"Basta ikaw." Hindi ko mapigilang mapangiti nung lalong humigpit ang yakap niya sakin.

"Bakit ba kasi ikaw ang mahal ko." Bulong niya.

Huh?!

Hindi man malinaw pero yun yung narinig kong sabi niya. Ako? Ako ang mahal niya?

"Ming?"

"Hmm?"

"Anung sabi mo?"

"Wala kalimutan mo na lang yun."

Baka nga nagkamali lang ako ng rinig. Baka hindi para sa akin yun.

Haaaay. Mas hinigpitan ko na lang ang yakap ko kay Red.

Selfish man pero, I want us to stay like this forever.

Her Once In a Lifetime Love (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon