CHAPTER FOURTY-EIGHT

24 0 0
                                    

"Rhuwan anong gusto mo? Juice? Coffee? Or Softdrinks?" Tanong ko kay Rhuwan na kauupo lang.

"Tubig na lang Yen." Sagot niya.

Kumuha ako ng pitsel sa ref at nagsalin ng tubig sa baso, kinuha ko na din yung cake na dala ni Mayson kaninang umaga.

"Here, kumain ka na din muna. Mukhang kanina ka pa nandun eh. Bakit mo nga pala ko hinintay dito? Di ka naman tumawag or nagtext sakin. O kaya nakituloy ka muna sana kay Mayson nandun lang naman siya sa kabila." Sunod sunod na tanong ko.

"Uhmmm wala lang, para may konting drama. Hahahahahaha." Automatic na nakuha ko ang unan na nasa tabi ko at binato yon kay Rhuwan.

"Ay baliw talaga."

"Hahahahahaha! Eto naman hindi mabiro. Halos kadarating ko lang, alam ko namang may lakad kayo ni kuya eh." Kinuha na ni Rhuwan ang platito saka sumubo ng cake.

"Ay ewan sayo. May sasabihin ka ba or what?"

"Actually, I wanted to ask you about something." Binaba ni Rhuwan ang platito saka uminom ng tubig.

"Ano yun?"

"Sigurado ka na ba?" Seryosong tanong ni Rhuwan.

"Sigurado saan?"

"Sa pagpapakasal niyong dalawa ni Kuya."

"I am."

"Will you be happy?"

"Rhuwan."

"Magiging masaya ka ba kay kuya, Yen?"

Bumuntong hininga ako bago sumagot. "Magiging masaya ako Rhuwan, I love your brother more than he loves me. Actually ngayon ko lang narealize na mahal ko pa pala talaga siya. Kaya kung matutuloy man ang kasal na yun, I will be the happiest."

"Buti naman."

"Anong 'buti naman'?"

"Cause I am worried about you. Na baka napipilitan ka lang sa set up na to. Na baka napressure ka kasi may chance na mawala sayo yung company ng mommy mo."

"Rhuwan, honestly nung una Oo napressure lang ako. Pero after ng ilang araw na magkasama kami ni Red, bumalik lahat ng nararamdaman ko sakanya. Lahat ng pagmamahal, saya at lungkot, naramdaman ko lahat ulit. Naalala ko bigla kung paano ko nainlove sakanya dati."

"Well, ang laking sinungaling mo na siguro kung itatanggi mo pang hindi si kuya ang pipiliin mo dati kung nagkataong pinapili ka namin diba?" Nakangiting sabi ni Rhuwan.

"Rhuwan I am so.."

"Don't be Maryena. Matagal na yun. Actually, kayong dalawa na lang ni kuya ang hindi pa nakaka move on. Hahahahahaha! Ako nga dapat ang mag sorry sainyo eh. I should have known na may something na sainyo. Sana maaga pa lang lumayo na ko." Sumubo ulit si Rhuwan ng cake. "Infairness huh? Masarap yung cake, kanino galing?"

"Ah sa girlfriend ni kuya. Pastry chef kasi yun." Tumayo ako at pumunta ng kusina para kumuha din ng cake. Nainggit na ko kay Rhuwan eh, hindi ko pa kasi yun natitikman.

"Nako edi pasadong pasado sayo yun? Eh mahilig ka sa cakes eh."

"Hahahahaha! Hindi ko pa nga namemeet. Pag nameet ko na siguro tsaka ko na huhusgahan. Tsaka fling fling lang yun, maniwala ka dun kay Mayson."

"Narinig ko yun ate!" Sabay kami ni Rhuwan na napatingin sa may pintuan. Ang aga naman yata ng mokong na to.

"Ang aga mo yata?" Lumapit ako kay Mayson at bumeso. Literal na maaga huh? Dahil 2am na.

"Musta pare?" Nakipag kamay naman ito kay Rhuwan.

"I am good. So bakit nasali sa usapan niyo si Jessy?"

Her Once In a Lifetime Love (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon